Chapter 24 - Si Rico o Ako

3.5K 208 27
                                    

PAU'S POV

NAKATULOG akong muli pagkaalis ni Rob. Naalala kong ginising pa niya ako bago siya umalis para magpaalam. Pero bumangon ako kanina bandang alas-siyete nang umiyak si baby Gab. Gutom na siya kaya ipinagtimpla ko ng gatas. Tapos, nakatulog ulit kami.

Medyo tanghali na nang ako ay magising. Bumangon na ako. Una kong tiningnan si baby Gab. Gising na ang bata at cute na cute pa rin. Hindi man lang umiyak. Pinalitan ko siya ng diaper at pagkatapos ay agad akong lumabas para ipagtimpla siya ng gatas.

Naabutan ko sa kusina si Rico na nag-aalmusal.

"Kumain na ako. Antagal mong magising, eh."

'Di ako sumagot. Nagtimpla lang ako ng gatas at bumalik na sa kuwarto. Halatang gutom na ulit si baby Gab. Tuwang-tuwa ito nang isubo ko sa kanya ang tsupon. Sasamantalahin kong abala sa pagdede si baby Gab. Maliligo muna ako.

Kinuha ko ang tuwalya at muli akong lumabas ng silid papuntang banyo. Muli kong nadaanan sa kusina si Rico. Alam kong sinundan niya ako ng tingin nang makita niyang papunta ako sa banyo para maligo.

"Pwedeng pasabay maligo?" tanong niya.

Alam kong nang-iinis lang si Rico kaya 'di ko na lang pinatulan. Agad kong isinara ang pinto ng banyo pagkapasok ko. Nasa kalagitnaan na ako ng paliligo nang kumatok si Rico sa pinto.

"Matagal ka pa ba? Naiihi na ako!"

"Ano ba? Kauumpisa ko lang!" Naiinis ako. Ayoko ng kinakatok ako 'pag ako'y nasa banyo.

"Paihi na lang sandali. Buksan mo muna ang pinto."

Nanggigigil ako. Gusto kong buksan ang pinto at hambalusin ng kahit ano ang Rico na 'to. Hindi ko alam kung totoong naiihi ito o gusto na naman nitong magpa-cute sa akin.

Magpa-cute? So all the while pala iniisip kong nagpapa-cute sa akin si Rico?

Erase. Erase.

Hindi 'yun pagpapa-cute. Iyon ay maliwanag na pang-aasar na kung sinasadya man niya o hindi ay matagumpay nitong nagagawa dahil mula nung lumipat ito dito sa bahay ay walang araw na hindi ako naiinis at naasar sa mga pinaggagagawa ng gagong si Rico.

"Ano na? Buksan mo'ng pinto, maiihi na ako." Kinalampag na ni Rico ang pinto ng banyo.

Nagtapis muna ako ng tuwalya at saka ko binuksan ang pinto.

"Paihi lang." Agad na pumasok si Rico at walang hiya-hiyang dinukot palabas sa brief ang ari niya at umihi. Tumingin pa ito sa akin na tila ipinagyayabang ang hawak niya habang tila nakakalokong ngumingiti.

"Bilisan mo!"

"Teka, marami pa 'to." At saka ngumiti ulit nang nakakaloko.

Nagkunwari akong humihikab para ipakitang naiinip na ako. Pero dedma ito.

Nang matapos itong umihi ay muling nagsalita. "Pakipagpag naman."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ulol! Lumabas ka na nga!"

Tatawa-tawa si Rico habang lumalabas ng banyo.

Agad kong isinara ang pinto at itinuloy ang paliligo. Nang matapos ay nagtapis lang ako ng tuwalya at lumabas ng banyo diretso sa kuwarto para magbihis. Buti, wala sa labas si Rico. Nakita kong nakasara ang pinto ng kuwarto niya.

Matapos magbihis ay kinuha ko sa crib si baby Gab para siya naman ang paliliguan ko. Aliw na aliw ang bata habang naliligo. 'Yung ibang baby, umiiyak pag pinaliliguan. Bakit si baby Gab, tuwang-tuwa pa 'pag nababasa ng tubig?

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon