Chapter 23 - Mga Hinala

3.4K 197 24
                                    

ROB'S POV

MAAGA akong nagising nang umagang iyon. Alas-singko pa lang, 'yun ang oras na nakarehistro sa cellphone ko. Napansin ko ang pitong missed calls mula sa isang hindi ko kilalang numero. Alas-kuwatro y medya 'yung oras nang tumawag ang kung sino mang iyon. Sinong taong walang magawa ang tatawag ng ganung oras? Ako pa naman 'yung tipo na hindi nagrereply sa text message o sa tawag kung hindi naka-save sa phone book ko 'yung numero ng tumatawag o nagte-text. Sabi nga ng mga kakilala ko, siguro raw ay may iniiwasan ako kaya hindi ko sinasagot ang mga ganoon. Bakit ba? Siguro naman I deserve to know the persons first before I chat or talk to them. Puwede namang mag-text muna at magpakilala, then saka niya ako tawagan. Sabihin mo nang maarte ako, pero that's my basic rule to protect my privacy na rin. So, since walang text message itong nag-miss call ng pitong beses sorry na lang siya dahil di ako mag-a-attempt to call back. If the call is really important, siguradong gagawa siya ng paraan na makontak ako.

Mahimbing pa ring natutulog si Pau. Hindi ko na siya ginising. Hinayaan ko na lang siyang matulog dahil alam kong nakakapagod din ang mag-alaga ng baby. Ako na lang ang maghahanda ang almusal mamaya pagkatapos kong maligo.

Bumangon na ako. Sinilip ko sa crib si baby Gab, ayun at tulog na tulog rin. Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto at itinapis sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan na natatakpan lang ng suot kong brief. Tapos ay diretso na akong lumabas ng silid at tuloy-tuloy na tinungo ang banyo para maligo.

Laking gulat ko nang pagpasok ko sa banyo ay nakita ko si Rico sa loob na umiihi. No, hindi ako nagulat na andoon siya at umiihi. Nagulat ako dahil hubo't hubad siya habang umiihi. Ano 'tong lalaking ito, pakalat-kalat sa bahay namin nang nakahubad?

Parang wala lang naman kay Rico na nakita ko siya sa gano'ng ayos. Itinuloy lang niya ang pag-ihi at nang matapos ay tila hindi ako nakita na diretso lang na lumabas ng banyo para bumalik sa kanyang silid.

"Sa susunod, sana matuto kang magsuot ng damit bago ka lumabas ng silid. Hindi lang ikaw ang tao rito sa bahay." Hindi ko napigilan ang sarili ko na punahin ang nakita ko.

Napatigil sa paglalakad si Rico at humarap sa akin. "Ano ba ang problema kung hubad ako? Maganda naman ang katawan ko, ah. Guwapo naman ako. Hindi ka ba natatakam sa katawan ko? Suwerte ka pa nga, nakita mo ang alaga ko nang walang kahirap-hirap."

Jesus! Ba't ganito mag-isip ang taong ito? Okay, alam kong laking iskwater ito. Alam kong 'di siya nakatapos ng pag-aaral. Sabi ni Pau, high school graduate lang ang mokong na 'to. Pero kahit naman siguro sino ay may konting decency sa katawan at alam na hindi natural 'yung magpalakad-lakad kang walang suot na kahit ano. Kahit sabihin pang nasa loob lang naman ng bahay, still hindi pa rin maganda. Hindi tama!

"Matuto kang ilagay ang sarili mo sa dapat mong kalagyan. Matuto kang makisama," Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Agad kong isinara ang pinto ng banyo.

Habang naliligo ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Si Pau at ang Rico na 'yun ang laging magkasama rito sa bahay. Kapag wala ba ako rito ay pakalat-kalat din ba nang nakahubad ang Ricong 'yun? Ano'ng nangyayari sa buong maghapon na magkasama sila rito sa bahay? Nakita na rin kaya ni Pau si Rico na gano'ng hubo't-hubad? Ang daming naglalaro sa isip ko. Mga bagay na ayaw kong isipin. Mga bagay na kung mangyayari ay siguradong 'di ko kakayanin at baka maging dahilan pa ng pagkasira ng relasyon namin ni Pau. Sana mali ang mga naiisip ko. Sana hindi totoo ang mga hinala ko dahil hindi ko alam kung paano iha-handle ang sitwasyon kapag nangyari ang mga naiisip ko.

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon