Chapter 32 - The Ransom

3.3K 167 11
                                    

PAU'S POV

PARANG kaytagal ng oras. Kanina pa kami naghihintay ng text message o tawag mula kay Rico pero wala. Ano ba ang gustong mangyari ng gagong 'yon? Alam niya na hindi siya ang ama ni Baby Gab. Anong dahilan at gustong-gusto niyang makuha ang bata?

Si Rob ay kanina pa rin hindi mapakali. Hapon na pero ni katiting na paramdam mula kay Rico ay wala man lang. Ipapa-ransom ba niya sa amin ang bata? Bakit hindi niya kami kinokontak?

Teka, alam ba ni Rico ang number ko o ni Rob? May number ako sa kapatid niyang si Ailene. Madali lang gumawa ng paraan kung talagang gusto niya kaming kontakin. Pero bakit wala talaga? Plano ba niyang ilayo talaga sa amin si Baby Gab?

Putangina!

Nanggigigil ako sa hayup na Ricong 'yan. Hindi niya puwedeng ilayo sa amin si Baby Gab. Naireport na namin sa barangay ang nangyari. Naireport na rin namin sa pinakamalapit na police station. Sana naman may gawin silang aksyon para mahanap si Rico at maibalik sa amin si Baby Gab.

"Pau?" bahagya pa akong nagulat sa boses ni Rob.

"Bakit, Rob?"

"Kumusta na kaya si Baby Gab?"

Umiling-iling lang ako. "Ewan ko, Rob. Hindi ko alam. Pero sana maayos ang lagay niya. Kagagaling lang niya sa sakit. Putang Rico 'yan!"

"Boss, hindi muna ako uuwi sa bahay ngayong gabi. Dito lang muna ako. Baka kahit paano makatulong ako sa inyo..." biglang sabi ni Imelda. Agad kong naramdaman ang sinseridad sa mga sinabi ng yaya ni Baby Gab.

"Salamat, Imelda..."

"Nagpaalam na ako sa asawa ko. Pumayag na siya... basta mag-iingat daw tayo."

Gusto kong umiyak. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras para magdrama. Aksyon ang kailangan dito ngayon. Kailangang gumawa kami ng paraan para mabawi kay Rico si Baby Gab.

"Ibigay mo nga sa akin ang number ni Ailene," maya-maya'y sabi ni Rob.

Kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay kay Rob.

Gamit ang cellphone niya ay tinawagan ni Rob ang number ni Ailene. Tinawagan na rin namin kanina ang hitad na kapatid ni Rico gamit ang cellphone ko pero dinedma lang nito ang tawag ko. Ngayong si Rob na ang tumatawag, baka sakaling sagutin na nito ang tawag namin.

"Hello?" narinig kong sabi ni Rob. "Si Ailene ba ito?"

Saglit na huminto sa pagsasalita si Rob, tila pinakikinggan ang sinasabi ng kausap.

"Asan si Rico? Asan ang kapatid mo?"

Patlang.

"May atraso sa akin ang kapatid mo. Kinidnap niya ang anak ko! Sabihin mo sa akin kung nasaan siya!"

Patlang ulit.

"Kapag dumating diyan si Rico, sabihin mo sa kanya na ibalik na niya sa amin ang bata kung ayaw niyang mabulok sa kulungan."

"Anong sabi?" tanong ko.

"Wala raw doon si Rico. Hindi raw 'yon doon umuuwi."

"Paano 'yan? Si Baby Gab. Baka mapahamak si Baby Gab."

"Wala tayong magagawa kundi maghintay. Maghintay sa aksyon ng mga pulis. At maghintay na kontakin tayo ni Rico. Hindi tayo puwedeng kumilos. Hindi natin alam kung saan mag-uumpisa."

Biglang sumali sa usapan si Imelda. "Mga boss, naalala n'yo ba 'yong sinabi ko dati na may nakipagkilala sa akin dati at nakikipagkuwentuhan? Ang akala ko pa nga eh may gusto siya sa akin... Si Rico 'yon. Hindi ko alam na kaya pala siya nakikipaglapit sa akin dahil si Baby Gab pala ang puntirya niya."

Two Daddies (Completed)Where stories live. Discover now