CHAPTER 3.5- It's Bryle AGAIN

1.3M 18.1K 1.3K
                                    

Note: You can skip this part if you want, point of view lang to ni Bryle nung nag agawan sila ni Nash dun sa cake.

CHAPTER 3.5- It's Bryle AGAIN

BRYLE's POV

Ayun nga, badtrip na ko buong umaga.

Buti na lang dalawa lang ang klase ko. Tinulugan ko na lang pareho! Haha

Ang ayaw lang naman ng matandang yun eh umabsent ako at malate. Wala naman syang sinabing dapat din ako makinig dito sa mga teachers :P , kaya tumulog na lang ako.

Takot naman tong mga teachers na ito sakin eh! ;)

Pero badtrip parin ako, at pag badtrip ako, isang bagay lang ang kailangan ko.

Kailangan ko ng dessert! Kahit anung pagkaen na matamis.

Kaya pumunta ako sa canteen.

*Lakad.Lakad.Lakad..

*Tingin sa paligid. Tingin. Tingin.

Mukhang clear naman, wala yung mga balyena.

Sinong mga balyena yung tinutukoy ko? Hay -_____-

Meron akong FANS CLUB dito sa school, marami sila, parang lahat naman ata halos ng babae dito sa skul may gusto sakin! 

Yung iba, nakukuntento na lang sa pagtingin-tingin sa malayo.

Yung iba naman, parang mga paparazzi, ang dame kong stolen shots!

Yung iba naman, ayun nagpapapansin. Kung anu-anu ng mga pinaglalalagay sa mukha nila para lang mapansin ko.

May nagbibigay pa ng pagkaen. ( hindi ko tinatanggap kahit matakaw ako kasi nung isang beses na tumanggap ako, may buhok! Ou isang tali ng buhok! Gagayumahin pa ata ako! Waaaaaaaaaah! Nakakatakot sila )

Pero ang pinaka grabe sa lahat ay yung mga balyenang yun! 5 sila sa grupo nila, puro sila ahm...Well, ok sana kung sexy at magaganda katulad nung ibang naghahabol sakin pero.........waaah! bilbil dito, bilbil doon! Eh mas malalaki pa ang katawan nila kaysa sakin eh! Nakakatakot tlga ang mga yun.

Inaabangan nila ako tuwing lunch, hinahanap nila ako pag vacant sila tapos..tapos.. Hahabulin nila ako at hihingin ang kung anu-anung pag-aari ko! Buti na lang hindi pa nila ako nahuhuli kahit minsan -___-

Iniisip niyo siguro, kami ang may ari ng skul, bakit hindi ko na lang paalisin ang mga asungot na yun sa buhay ko?! Nako! Kung pede nga lang, kaso hindi!

Ang matandang yun! Sya parin naman talaga ang may ari nitong skul na ito. Siguro maaaring takot sakin ang mga teachers dito, nakukuha ko lahat ng perang gusto ko, papasa ako kahit tulugan ko pa lahat ng klase ko, pero, hindi ko magawang magpaalis ng estudyante!

Sabi ng matandang yun, hindi daw dahil sa apo ako ng may ari eh pati yung mga studyante na walang malay eh basta basta ko na lang papaalisin! Dapat daw may valid na reason akong ibigay sa kanya, it's either lumabag yung studyante sa rules na nasa student handbook o kaya naman yung studyante na ang nagsabing aalis na sya ng skul.

Kaya kadalasan ang ginagawa ko pag ayaw ko sa isang studyante...

*evil grin

.

.

Kung hindi ko sya mapapaalis sa eskwelahan na ito, sisiguraduhin kong magiging miserable ang bawat araw niya hanggang sa siya na mismo ang magmakaawang umalis ng skul ;) Fair naman diba? Hindi ko na kasalanan kung weak sila.

Most of my victims ay mga lalaki, hindi mali. Lahat pala ng victims ko lalaki. Wala pa naman kasing babae na nangahas na lumaban sakin. Lahat sila parang mga alipin na sinasamba ako.

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now