CHAPTER 13.9- AT THE CONDO UNIT

1.1M 14.4K 3.4K
                                    

CHAPTER 13.9- AT THE CONDO UNIT

NASH's POV

Buti na lang at naging maayos ang pagtanggap sa akin ng lolo ni Bryle! Haha! Hanggang ngayon natatawa parin ako pag naaalala ko yung asta ng lolo niya, parang si Bryle pa ang matanda eh! hehe! cool! Sana katulad na lang niya si Bryle eh!

Hayy,,gusto ko pa sana makasama ng mas matagal yung lolo ni Bryle kaso hinigit na agad ako ng unggoy na yun! Ni hindi man lang kami kumaen muna ng hapunan! Gutom na ako aba! -_-

.

.

.

At eto nga..nakasakay na naman kami sa kotse nila.. Nakakahilo! huhu.. ilalagay ko na sana ulit yung supot sa may ilong ko ng..

"Akin na nga yan! Para kang tanga eh! Lage ka na lang may tangay na ganan pag nandito ka sa kotse! Abno!" kinuha sakin ni unggoy yung supot..huhu tapos pinunit niya pa! supot ng buhay ko! ahuhu!

"Anu bang problema mo huh? Inggit ka ba sakin? Gumaya ka!" sigaw ko.. haay.. pansin ko hindi pwedeng hindi kami mag-aaway no? kahit sa napakaliit na bagay nagtatalo kami.. tss

"Gagaya ako sayo? at ano? magmumukha akong kasing tanga mo? Asa ka! anu ba kasing trip mo at may supot ka lage dyan?!"

"Eh sa nahihilo ako pag airconditioned ang sasakyan eh!"

"Airconditioned din naman ang rooms sa school ah?! Bakit dun hindi ka nahihilo?!"

"Eh room naman yun eh! Hindi sasakyan!"

"Airconditioned parin yun kaya pareho lang! tss..bobo amps"

"Magkaiba yun! kasi naandar ang sasakyan! ang room hindi! kabobo..litsi -_-"

"Heh! ikaw ang bobo! abno pa!" -siya

"Mas bobo ka kaya!" -ako

"Abno ka naman! " -siya

"Panget ka naman! "-ako

"Mukha ka namang paa!"-siya

"Mukha ka namang kili-kili! "-ako

"Mukha kang maitim na siko! "-siya

"Mukha kang--Haaaaaaaaaaay! tama na nga! sinasayang ko lang oras ko sayo!"

"Lalo naman ako! Mahawa pa ako sa kaabnuan mo!"

"Ahem..ah..sir..mam..kayo po ba talaga? I mean mahal niyo po ba talaga ang isa't isa?!" biglang singit nung driver.. Oops..Patay..napasobra ata kami..

nagkatinginan kami ni unggoy..

"Ah..hehe.. Oo naman manong..tinatanong pa ba yan?! Mahal na mahal ko tong si babe ko! Mahal namin ang isa't isa..diba babe?!" w/ matching fake na ngiti pa sya..

"Ah..oo nga manong! ganito lang po talaga kami maglambingan!" tapos kinurot ko si unggoy sa pisngi..wahaha..sana masaktan siya dun! tawagin ba daw akong abno! >,<

"Ah ganun po ba? hehe..hindi kasi halata pag nasa sasakyan kayo..lage kayong nag aaway eh. Well siguro ganan talaga ang mga kabataan ngayon. Hindi bale bagay naman po talaga kayo eh." bagay kami?! ASA! -_-

.

.

Katahimikan

.

.

Matagal pa ba ang byahe?! Nahihilo na ako @__@! Wala na akong supot! can't breathe! huhu

.

.

"Hoi Nami! Nagugutom na ako, saan mo gusto kumaen?! Kaen muna tayo bago tayo pumunta sa condo.." sabi ni Bryle..kaso hindi ako makasagot.. Pag bumuka ang bibig ko.. waahh! 

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now