CHAPTER 12- I want you to be my.... What?! >,<

1.1M 15K 5.1K
                                    

CHAPTER 12- I want you to be my.... What?! >,<

BRYLE'S POV

"Manang! Anu na?! Bakit wala parin si Dr. Guevarra?!" impatient kong pagtatanong kay manang

Hindi na kasi ako mapakali. Baka kung anung mangyari kay Nami!

hep hep! Hindi ako nag-aalala huh! Gaya nga ng sabi ko, ayoko lang na mawalan ako ng laruan! so sarili ko lang ang iniisip ko at hindi siya! kuha niyo?!

"Sir, kakatawag lang po niya. He's on his way na daw po. Medyo natagalan po kasi siya macontact since 2:00 pa lang po ng madaling araw, tulog pa po siya."

"Anu ba namang doctor yan?! Dapat lage siyang handa! Pano pag ganitong may emergency?!"

"Eh sir padating na po yun. Wag na po kayo masyado mag panic. Isa pa sir, magpalit muna po kayo ng damit niyo. Baka kayo naman po kasi ang magkasakit, basang-basa po kayo eh.." ay ou nga no?! nawala sa isip ko na basa ako! Pagkasabi lang ni manang nun atsaka lang ako nakaramdam ng lamig!

"Oh sige manang, kayo na muna ang bahala kay Nami!" dali-dali akong nagpunta sa kwarto para magbihis

.

.

.

*shiiing

Tapos na ako magbihis! :) bilis no?!

tok.tok.tok.

Nakasarado na kasi yung room kung nasaan si Nami.

"Oh sir?! ang bilis niyo naman magbihis?! nagmadali kayo no?! ihhhh. Sir, mhal niyo talaga sya no? Hindi niyo maiwan eh!" gago tong katulong na to ah! kantsyawan pa daw ako?!

"Anung pinagsasasabi mo dyan huh?! Bakit naman ako magmamadali?! Hindi naman ako ganun kaconcern diyan no! Mabilis lang talaga akong magbihis! May pa mahal mahal ka pa dyang nalalaman!"

"Talaga lang sir huh?! Eh bakit po baliktad yang pajama niyo?!"  huh?!

Napatingin ako sa pajama ko  -_-

Ou nga no? nakalabas pa kasi yung dalawang bulsa! amps

Hayy, Ou na! ou na! Nagmadali nga ako! Eh aba ewan ko, baka kasi kung anung mangyari--ai hindi pala! Malakas lang talaga energy ko ngayon kaya ang bilis ko kumilos.

"Na-nagkataon lang talaga na hindi ko napansin na baliktad yung pa-pajama ko!" hindi ako aamin dito sa katulong na to! asa! asa talaga!

"Ah ganun po ba?! eh sir yang suklay sa ulo niyo, wag niyong sabihin na hindi niyo rin napansin yan nung tumingin kayo sa salamin?!" huh?! kinapa ko yung ulo ko

=___=

PSH! naiwan ko pala yung suklay sa ulo ko!

Pano kasi habang sinusuot ko yung pajama ko, yung isang kamay ko naman nagsusuklay ng buhok ko! at dahil medyo nahirapan akong isuot yung pajama gamit lang ang isang kamay, edi ayun, iniwan ko muna si suklay sa ulo ko para dalawang kamay ang magamit ko sa pagsusuot nung pajama. Sa pagmamadali ko, este sa antok ko pala, nakalimutan kong may suklay pa pala ako sa ulo ko nung pumunta ako dito sa may kwarto kung nasaan si Nami..-_-

damn! I feel like an idiot!

"Tama ka na nga dyan sa kakapuna mo sa itsura ko! Sisisantihin kita eh!" -sigaw ko

"Sir wag po! hindi na po..ahm, andito na nga po pala si Dr. Guevarra..kakadating lang niya.."

"Bakit hindi mo sinabi agad! Kung anu-anu pang katangahan mga sinasabi mo! tabi nga!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now