CHAPTER 42- One MERCILESS Day..

814K 8.8K 663
                                    

{ S I D E S T O R Y  }

CHAPTER 42- One MERCILESS Day..

Bago pa makarating sila Third sa hospital..

STEVE's POV

*kurap kurap

Na-nasan ako?! Langit na ba to?! bakit puro puti dito?!  A-anghel ba tong nasa harapan ko?! Namatay na ba talaga ako?!

O_____________O >>  titig pa sa anghel, ang ganda nya habang natutulog

Mumulat yung anghel..aw..breath taking. Tumingin sya sakin tapos..

*boogsh!

"Aray! anu bang problema mo?! " sigaw ko, pano bigla akong ni head bat ng potek?!

"Manyak ka! bakit ganun ka na lang makatitig sakin huh?!" te-teka, ngayon ko lang napagtanto, shet! eh hindi naman pala langit to eh! Impyerno to! impyerno! bakit nandito yung Evil witch na to?!

"Porke't nakatitig manyak na agad?! kasalanan ko ba kung pagmulat ko nakabalandra yang pagmumkha mo sa paningin ko?! bwisit! sadista ka talagang witch ka! ang sakit eh!" sabi ko kay evil witch habang hinihimas pa ang noo ko, bukol pa ata =____=

"Eh anu naman?! pwede mo namang hindi titigan ah!"

"Eh sa anu eh..sa a-anu..ahm..na-- nagwowonder lang ako kung tao ba o witch yung nasa harap ko eh! kaya tinititigan ko!" actually akala ko anghel ka nung una..pero hindi ko yun sasabihin!

"Sus, mga palusot mo! ewan ko sayo!"

"Sinong nagpapalusot?!" 

"Ah baka ikaw?!"

"Anu bang ginagawa mo dito?! Nasan na ako?! kinidnap mo ko no?!"

*boink

"Aray! batok naman?!" daing ko, panu binatukan niya ako

"Anung kinidnap ang sinasabi mo dyang tanga ka?! Asa ka pang kikidnapin kita! Ganun ka na ba katanga para hindi mo malamang nasa hospital ka?! What an idiot mosquito, geez."

"Nasa hospital ako?!" sabi ko habang tumitingin sa paligid ko

Oo nga no. May dextrose pang nakakabit sakin. Nawalan nga pala ako ng malay! Uwaaaaaah! Ayoko ng dextrose ! Ayoko sa hospital! TT__TT

"Yes you are in a hospital idiot. For the second time, you are in a hospital. If you don't know what is a hospital, it is a--"

"Shet! Wag mo nga akong gawing tanga! Alam ko kung anu ang hospital! Eh bakit ba kasi ikaw ang andito?! asan sila Third, Katie, Tommy, Bryle, Nash?! bakit sa dinami dami nila ikaw pa ang nandito?!"

"A--ahm.. I.. I.. I was bo-bothered by my conscience ok!" teka, bakit namumula sya?! 

"Ow, akalain mong may konsensya ka rin pala?!"

"Tss, akalain mong weak ka pala?! hinimatay agad?!"

"Sinong weak huh?!"

"Hindi ka lang weak, bobo ka pa. Inaaksaya ko lang ang oras ko dito. Makaalis na nga. Sila nageenjoy dun, anu nga bang ginagawa ko dito?" sabay tayo nya, aalis na?!

"Ho-hoysaan ka pupunta?!"

"Aalis na. Gising ka na eh."

"Hoy teka! wala akong kasama dito!" ayokong mag isa sa hospital Ayoko talaga sa hospital!

"Pakialam ko naman sayo?!" sabay pihit nya nung doorknob, waaaah! wag kang umalis! wag! wag mo kong iwan dito! TT____TT

"Te-teka! hoy hindi ka ba nakokonsensya?! Pano pag may nangyari sakin dito?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit ako nasaksak! Tapos iiwan mo na lang ako?! Pag namatay ako dadalawin kita akala mo! Aray! Ang sakit ng sugat ko! aray! huhuhu" pagpapaawa ko., napatigil naman sya.. haha! ayos

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now