CHAPTER 6.5- STILL BRYLE'S TURN..

1.1M 14K 865
                                    

CHAPTER 6.5- STILL BRYLE'S TURN..

BRYLE'S POV

"Natuwa ka ba sa ginawa ko?" pang-aasar ko pa, nung sinadya kong magkabungguan kami

By now, sigurado ako na alam  na nyang ako ang may gawa nung nangyari sa  kanya, gusto ko lang ipamukha haha.

"Sa tingin mo, natutuwa ba ako?!" -sya

"Tatanungin ba naman kita kung kita kong natuwa ka? syempre hindi diba? Bakit ako ang tatanungin mo?! ako ba ikaw?!"  

"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga! "

Teka! Suko na agad sya?! Ang daya naman! Nagsisimula pa lang ako eh! Pero sabagay, baka nangangawit na sya kasi nasa may pwet niya yung mga kamay niya na may hawak na uniform eh at isa pa ang panget nga naman makipag away ng ganun ang posisyon.

"Hahaha sige na nga, mukhang hirap na hirap ka na sa pagtatakip dyan sa YELLOW mong UNDERWEAR with matching ice cream prints pa! hahaha"

Namula sya lalo pag sabi ko nun! haha

"Ma-mamanyak ka! Pasalamat ka at may hawak ako kung hindi may suntok ka na naman saking unggoy ka!"

"Talaga?! sige aantayin ko yun! Isa pa, hindi pa naman ako tapos sayo eh! Ttigilan ba naman agad kita?! Eh pinasasaya mo ako masyado eh! haha"

"Gusto mo lang pala ng magpapasaya sayo, eh di sana naghanap ka na lang ng clown! Bwisit ka talagang unggoy ka! Akala mo natatakot ako sayo? Humanda ka sa ganti ko bwisit!"

Sayang, nakatalikod sya habang sinasabi yun, naglakad na palayo sakin. Kaya ayun hindi ko na nakita yung naiiritang expression nya, ang sarap pagmasdan ng inis na inis nyang mukha. Haha

----------------------------------------------------------------------------------------------

 NASH's POV

"Bwisit! Bwisit ka talagang unggoy ka!"

Nandito ako ngayon sa dressing room, sumisigaw habang nagbibihis. Wala akong pakialam kung may makarinig sakin! Nakakainis lang kasi talaga sya! Pakingsh*t.

.

.

Pagkatapos kong maglabas ng galit ko dun, naglakad na ako pupunta ako sa foodcourt. Eh kasi parang gusto kong kumaen ng choco-strawberry cake. Pag kasi nabibwisit ako or masama ang loob ko kakaen lang kami nun ni dad sa malapit na cakeshop sa bahay namin dati tapos parang magic, masaya na ulit ako.

Ang tagal ko ng naghahanap sa malalapit na cake shops sa bahay nila Katie  kaso wala akong makitang ganun tapos dito lang pala meron! Naagaw nga lang sakin nung unggoy na yun nung Lunes! Kahapon naman out of stock na daw nung nagtanong ako, hindi pa daw nila alam kung kailan magdedeliver. Kaya ayun, magbabakasakali ako ngayon kung nagdeliver na.

.

.

*Lakad. Lakad. Lakad.

"Sya yung babaeng butas ang jogging pants kanina diba?" narinig kong sabi nung isang babaeng mukang kuto dun sa katabi nyang mukang pulgas =___=  Dapat pa ba talagang iparinig sakin? 

"Hahahaha oo sya nga yun. Grabe, ang lakas din ng trip nun no?" dagdag pa nung isa

"Baka may sira sa ulo!" tapos nagtawanan sila

Binilisan ko na lang ang lakad ko, baka kasi kung anu pang marinig ko dun at hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Pagdating ko sa foodcourt pumunta ako agad kay Aleng Trining (sya yung nakausap ko kahapon sa may counter yung napagtanungan ko dun sa cake. Mabait sya eh kaya medyo close na kami.)

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now