CHAPTER 41- RIOT IN THE HOSPITAL

759K 9.2K 1.9K
                                    

CHAPTER 41- RIOT IN THE HOSPITAL

THIRD's POV

"AND WORST----- NAGIGING AGRESSIVE SYA." ampupu hindi ko na natapos yung dapat kong sabihin sa phone! naknang teteng si Bryle! sinasabi ko na nga ba eh!

"Oi Third bakit ka natigilan dyan?! anu na?! anu ba yung pinag uusapan niyo ni Nash?! bakit may hospital at may falling syndrome?!" -ang mahal kong si Katie

"Alam mo kasi Katie an--"

"Mamaya na ang kwentuhan! saan yung hospital?! pahatid na tayo bilis!" at anu pa nga ba ang inaasahan kay loverboy Tommy Lopez., edi eto hindi na mapakali at kinaladkad na kaming dalawa ni Katie papunta sa coaster.. Eh kahit ako naman kasi matatakot kung yung Bryle na kasama ni Nami ngayon ang makakasama ko.

.

.

Pag sakay namin sa coaster, syempre hindi na ako tinigilan ni Katie tungkol dun sa falling syndrome at kung bakit nasa hospital sila Nash.

"Third! bilis na kasi! magkwento ka na kasi! bilis! bilis! anu ng mangyayari sa bessy ko?! uwaaaaaaaah!" -Katie habang inaalog ako ng wagas eh ni hindi pa man lumalapat yung pwet ko sa upuan =____=

"Pwedeng huminga muna ako Katie?!"

"E-hehe, si-sige baby--este Third..."

"Wa-wait! tinawag mo akong baby?! may endearment na tayo?! so tayo na?!"

"Wag kang advance Third! nagkamali lang ako! mamaya mo na ako landiin pag nakapagkwento ka na . "  akala ko pa naman.. tsk..

"O sige na nga. Kung hindi ka lang malakas sakin eh."

Nagsimula na akong magkwento. Meyo nadidistract nga lang ako kay Tommy kasi  maya't maya tinatanong niya yung driver kung malayo pa ba tsaka pag titigil lang ng konti yung sasakyan sasabihin niya..

"Manong bababa nlng ako kung mattraffic tayo!"  ganyan.. kapara konting tigil ng sasakyan ganyan na ang sasabihin niya, hindi naman sya masyadong nagpapanic no?! Imba talaga ang tama nito kay Nash =___=

Inignore ko na lang si Tommy at nagfocus na sa pagkkwento kay Katie. Mamaya hindi pa ako sagutin nito eh! Ilang araw pa ba ang bubunuin ko para maka isang taon?! geez =___=

"Nasa hospital sila Bryle kasi nagkaron ng aksidente dun sa sinakyan nilang kabayo..tap--"

"Huh?! kamusta si Nash?! anu ng nangyare?! patay sakin si Bryle pag--ehehe..tuloy mo na pala Third.." sinamaan ko na siya ng tingin, eh pano medyo mana rin to kay Tommy eh, imba mag panic lalo na pag dating kay Nash =___=

"Kung sa injury ang inaalala mo, ok naman si Nash, sinagip siya ni Bryle. Kaya lang sila nasa hospital kasi si Bryle nga ang na injured. Tumama ang ulo ng gago sa bato at ayun nawalan ng malay pero nagising narin siya, yun ang sabi ni Nash. So dito na pumapasok yung parte na dapat kang mag-alala kay Nash."

"Huh?! bakit?!"

"Dito na kasi pumapasok yung "FALLING SYNDROME" 

*FLASHBACK

Second year high school kami nila Bryle, kasalukuyan kaming nasa gitna ng karera, motorbike racing. Kaming tatlo si Bryle, Tommy at ako, si Steve, water boy lang yun kasi busy sa pakikipaglandian dun sa mga babaeng racer  =_____=

Nangunguna si Bryle nun, sunod ako then si Tommy. Then bago dumating dun sa curve, nag abot kaming tatlo. Napanggitnaan namin ni Tommy si Bryle kaya medyo nahirapan siya tapos medyo nawalan ako ng control dun sa motor at nadali nung motor ko yung motor ni Bryle. Nagtaob kaming pareho kaya naman sa huli si Tommy ang nanalo, ang beginner na si Tommy na first time makipag race, kasi pinilit lang sya ni Bryle.

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now