CHAPTER 24.5- TESTS THEY HAVE TO PASS -_____- (part 2!)

847K 10.4K 1.3K
                                    

CHAPTER 24.5- TESTS THEY HAVE TO PASS -_____-  (part 2!)

BRYLE's POV

"....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gusto ko siya.." 

"....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gusto ko siya.." 

"....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gusto ko siya.." 

"....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gus--"

"Ou na nga eh diba?! narinig ko naman diba?! kailangan pang ulit-ulitin?!"

Haay.. para akong tanga dito..sinisigawan ang konsensya ko. Pano..simula ng lumabas ako ng kwarto hanggang ngayon na nakahiga ako sa damuhan sa garden namin puro yang mga huling sinabi ni Nami ang paulit-ulit sa utak ko! Nakakainis! Anu bang problema ko?!

Haaaaay..Ni hindi ko nga maintindihan kung anu ba tong nararamdaman ko! tsk. Basta na lang ako nag walk out ng hindi malinaw sakin ang dahilan kung bakit. Ewan ko.. basta na lang eh.

Nung marinig ko yung mga salitang yun mula sa kanya.. hindi ba dapat matuwa ako kasi sinabi niya yung totoo sakin?! Kasi narinig ko yung sagot sa tanong ko. Nalaman ko ang kailangan kong malaman. Pero..bakit ganito?! It's as if nung narinig ko na yung mga salitang yun mula kay Nami.. parang suddenly gusto kong mabingi. Gusto kong huwag na lang makarinig. O di kaya sana nagsinungaling na lang siya sakin o sana hindi na lang siya sumagot.

"Ugggggggggggh!" tsk. bakit ba ako nagkakaganito?! hay

Nakokonsensya ba ako?! Kasi habang pinagmamasdan ko si Nami kanina habang sinasabi niyang gusto niya si Tommy, sobrang saya ng itsura ni Nami. And yet hindi ko magawang maging masaya. Diba dapat matuwa ako kasi gusto niya yung best friend ko.. tapos.. gusto rin sya ng best friend ko.. hindi ba ayos yun?! 

Oo, alam ko na. Gusto rin ni Tommy si Nami. At first nag doubt pa ako. Ayoko pang maniwala kila Third at Steve pero nung time na nag usap kami ni Tommy.. mukhang tama nga sila Third.

*FLASHBACK

Nung araw na nagwalk out si Tommy.. nung gabi ding yun, pumunta ako sa bar nila. Nag aya lang ako mag inom. Gusto ko nga kasing malaman kung totoo ba yung sinasabi nila Third. So ayun.. nagiinom kami ngayon ni Tommy, KAMI LANG DALAWA.

"Bryle..anung nakaen mo huh?! May problema ka na naman ba?! Hindi ka naman mahilig mag-inom ah?!" -Tommy

"Bakit?! kelangan ba may problema ako para mag-inom ako?! tss" 

"Eh kasi..hindi ka naman mahilig uminom eh. Sumasama ka lang kadalasan samin nila Third sa inuman pero kumakaen ka lang o di kaya naman isang beer ka lang. Hindi mo pa nauubos tapos.. bigla kang mag aaya na mag inom?! Sa tingin mo hindi ako magtataka?!" -Tommy

"Tsk.. -___-"

"Anung klaseng sagot yan?! so may problema ka nga?!" -Tommy

"Hindi naman sa problema..pero..anu may gusto lang akong malaman."

"Huh?! anu naman yun?!"

"Anu..ahm..tsk, pano ko ba to sasabihin?! haay!" uminom ako bigla ng alak..pampalakas ng loob..hindi kasi ako sanay magtanong ng mga ganitong bagay, tsk..

"Anu nga kasi yun Bryle?!"

"Anu.."

"Anu?! "

"Ahm.."

"BRYLE!"

"Ou na nga..sige na, eto na, ano Tommy.. *gulp.. MAY GUSTO KA BA KAY NAMI?!"

*cough cough

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now