CHAPTER 40- What HAPPENS when HE FALLS

817K 9.8K 3K
                                    

CHAPTER 40- What HAPPENS when HE FALLS

NASH's POV

"Hoy Bryle! Bryle oi! gumising ka na! Nagbababaan na sila! Tayo na lang ang nandito!" sigaw ko habang inaalog si Bryle, naman eh! gusto ko ng mamasyal..

Nandito kami ngayon sa Mines View Park kung saan maraming shops na bilihan nung kung anu anung products ng Baguio, like mga keychains, peanut brittle ganun! Kaso etong Bryle na to aba ayaw bumaba sa coaster! =___=

"Ikaw na lang Nami. Tutulog na lang ako." -Bryle na nakapikit parin

"Bryle naman eh! wag ka ngang kj! tara na!" hinihigit ko na siya kaso ambigat ng potek! naman oh!

"Ayoko nga Nami! umalis ka na!" pagtataboy niya sakin

"Tsk.. bahala ka na nga dyan! Naiwan na ako nila Katie at Third! Nakakahiya naman kay Tommy kung paghihintayin ko sya ng matagal sa b--" hindi pa ako natatapos ng pagsasalita, biglang nakatayo na si Bryle at ang energetic na ng potek! ayos din to eh.. -____-

"Anu ka ba Nami?! anung tinutunganga mo dyan?! bakit ang tagal mo?! tara na! bumaba na tayo!" ngayon sya na ang humihigit sakin pababa, akala ko ba ayaw niya?! ngayon siya na ang nangunguna.. nakakatanga talaga tong isang to =____=

Pagbaba namin ng coaster..

"Oh Tommy andyan ka pala, bakit hindi ka pa sumabay dun kila Third?!" -Bryle na nakapamulsa yung isang kamay tapos yung isang kamay nakahawak sa kamay ko >////////////<

"Eh ikaw, bakit hindi ka na lang nagpaiwan sa coaster total puyat ka diba?! matulog ka na lang dun bilis!" -Tommy

"Like I'd do that. Tara na Nami." sabay higit sakin ni Bryle

"Tara na Nash." sabay higit naman sakin ni Tommy.. =____=..eto na naman sila sa paglingkis sa dalawa kong kamay..geez

"Hoy Tommy bitawan mo si Nami!" -Bryle

"Like I'd do that. " sabay dumila si Tommy kay Bryle, nakakatawa na nakaka aduwa tong dalawang to eh..

"Ah baka gusto niyong bumitaw, pano ako makakakuha ng gusto kong bilhin kung yung dalawang kamay ko nasa inyo? Pwe-pwedeng bitaw muna?!" sabi ko habang andun kami sa tapat nung isang shop

"Tommy bumitaw ka na nga para makagalaw yung isang kamay ni Nami!" -Bryle

"Ikaw ang naka isip, ikaw ang gumawa! Bitaw na Bryle!" -Tommy

"Aba bakit ako?! sino bang boyfriend niya?!" -Bryle

"Fake ka lang naman wag kang masyadong mayabang." -Tommy

"At least ako fake, ikaw WALA..as in plain WALA.." -Bryle

"Hoy, FUTURE BOYFRIEND ako!" -Tommy

"FUTURE HUSBAND AK--eh anu ibig kong sabihin, ah basta! hindi ako bibitaw!" -Bryle.. a-anu daw?! future husband?! >////////////<

"Pwes hindi din ako bibitaw!" -Tommy

"Ah miss anu pong gusto niyo?!" -sales lady na parang iba ang tingin sakin.. eh ikaw ba naman, dalawang lalaki ang kaholding hands mo diba?! tapos sigawan pa ng sigawan..haynako..

"Ah miss gusto ko niyang ube jam. Bigyan mo ko ng tatlo at ng 5 na peanut brittle tapos 5 din na crinkles."

"Eto na po oh.. 345 lahat.." -saleslady

sabay na kinuha ni Bryle at ni Tommy yung supot ng mga binili ko..

"Hoy Tommy ako na ang magdadala!" -Bryle

"Hindi! ako ang magdadala! kelan ka pa naging gentleman huh Bryle?!" -Tommy

"Bakit?! ikaw lang ang pwedeng maging gentleman ganun?! tss..bitaw sabi!" -Bryle sabay higit sa plastic

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now