CHAPTER 49- OPERATION: WIN YOUR HEART (Bryle's Version)

862K 10.4K 2.9K
                                    

CHAPTER 49- OPERATION: WIN YOUR HEART (Bryle's Version)

NASH's POV

Nandito ako ngayon sa kama ko.. Nakahiga.. Actually kanina pa ako nakahiga.. Pero hindi ako makatulog.. kasi..

kasi..

waaaaaaaaaaaaaaah!

Hindi matanggal sa isip ko si Bryle. Kasi ang weird niya ngayong araw! As in totally weird! O__O Parang hindi sya si Bryle..

Iniisip ko tuloy, nauntog kaya sya kung saan at naalog ang utak?!

Natrauma sa something na nangyare kaya parang nawala sa katinuan?!

or worst..

Baka naman..

waaaaah!

Hindi.. baka naman..

Nagdadrugs na sya! O____O

Waaaaaaaaaaaaah!

Ayoko talagang isipin yun, pero yun talaga ang pinaka hinihinala ko! Eh kasi naman no diba madalas mayayaman ang nagdadrugs? Kasi mahal ang drugs eh! at afford na afford yun ni Bryle!

Nabasa ko pati dati na ang isang effect ng drugs eh parang nawawala sa sarili yung gumagamit tsaka nag iiba yung personality. Siguro dahil bago pa lang gumagamit si Bryle ng drugs kaya ganun.. kaya hindi pa sya ganun kalala.. pero meron ng epekto sa kanya..

"Uwaaaaaaaaaah! hindi! hindi! , hindi ka naman nag aadik diba Bryle?! diba?!" hays, para narin akong adik dito eh, kinakausap yung picture ni Bryle sa cellphone ko  hays -___-

Bakit ko naisip na nag aadik si Bryle?! Hindi niyo masyadong magets no?!

Well then ikkwento ko sa inyo..

Remember the scene kung saan pumunta sya sakin para ipagamot yung sugat niya?! yung sabi niya sinuntok siya ni Steve?!

Dun palang I knew may mali na sa kanya eh..

 *FLASHBACK

"Nami sinuntok ako ni Steve oh.. ang sakit.." nabigla ako nung marinig ko si Bryle, busy kasi ako sa pagpapahid ng yelo sa sugat ni Tommy kaya naman hindi ko napansin na andyan na pala siya sa tabi ko

Teka anung sabi niya?! nasuntok daw sya ni Steve?!

*napatingin naman ako sa may labi niya, dugo nga no?!

"Ba-bakit ka sinuntok ni Steve?!" tanong ko

Hindi ko maiwasang mag alala eh! tsk kainis! Galit ako sa kanya kasi iniisnob niya ko, tapos hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala! tsk!

"Ewan napikon ata.."-Bryle

Napikon si Steve?! O__O?

Pero naisip ko, kung sinuntok siya ni Steve, eh malamang sa hindi, dapat bugbog sarado narin si Steve ngayon! Knowing Bryle, ang motto niyan "Lintek lang ang walang ganti"

Pero pag tingin ko naman kay Steve, hindi naman sya bugbog sarado. At ang kakaiba pa kay Bryle, hindi mukhang pissed ang mukha niya, ang aliwalas pa nga eh.. O___O? weird

"Pagkatapos mo akong sungitan.."

"Busy lang ako paglalaro. Anu ka ba Nami? Ang sakit na oh, gamutin mo na please."-Bryle na binigyan ako ng puppy eye look.. what the?! may "PLEASE" na may "PUPPY EYE LOOK" pa?! what the hell?! he's totally weird right now!

"Tsk.. sige na nga.. upo.." 

"Ok." -Bryle sabay ngiti kay Tommy, anung meron?! inaasar na naman neto si Tommy eh!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now