CHAPTER 64- DECEMBER

836K 9.9K 3.4K
                                    

Sa mga maguguluhan ulit.. where's chapter 63?! bakit 64 na agad?! it's a MerCy (Steve and Stacy) chapter.. Chapter 63.. so nandun sya sa book for the continuation of side stories  click the external link pn the side >>>>>>>>

CHAPTER 64- DECEMBER

NASH's POV

"Hoy Pandang SIlvero, anung ginagawa mo dito huh?! Lumayas ka dito!" -Bryle na diinuduro si Chef Tj

"Can't you see Bryle, nagluluto ako!!! Ikaw ang lumayas kasi you are freaking useless! Wag na wag kang kakain nitong niluluto ko huh!" -Chef Tj sabay tutok kay Bryle ng kutsilyo

"Sinong useless huh?! can't you see na nagbabasag ako ng itlog dito huh?! ang hirap kayang paghiwalayin ng pula sa puti! tsaka bakit naman hindi ako kakaen niyang niluluto mo eh I bought the ingredients that you're using right now huh?!---oh crap fail na naman!!!" -Bryle na palpak na naman ang basag dun sa itlog.. out of 20 eggs, 3 pa lang yung nagagawa niya ng maayos =____=

"See! haha tlo ka pa ni Drey eh.. tingnan mo sya.." -Chef Tj sabay turo kay Drey na super concentrated sa paghihiwalay ng egg white sa egg yolk

"Look Nami, I'm better than Bryle at this, so now, will you just dump him for me??!" -Drey

"Hoy isa ka pa huh kutong lupa! ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na tigilan mo na si Nami! arrrrrrrrg! Just freakin give up!!!---oh crap! tingnan mo yung nangyari sa itlog! ginalit mo kasi ako eh!" -Bryle na napisa na yung itlog sa kamay niya =___=

"Don't blame your dumbness on me.. tch.." -Drey sabay alis na ng tingin kay Bryle at balik na sa pagbasag ng itlog

"Hoy sinong dumb huh?! Hoy humarap ka sakin pag kinakausap kita!" -Bryle na lumapit na kay Drey

"Tch.. if your not dumb then prove it to me! Paramihan tayo ng mapaghihiwalay na eggwhite sa egg yolk!!" -Drey

"Deal! now I'll start the timer!" -Bryle

sabay ayun, nauwi na nga sa eggwhite-eggyolk separating contest ang away nilang dalawa.. grabe lang..akala ko pa naman kahit pano nagmamature na si Bryle.. =___=

Oo nga pala, kung naguguluhan kayo sa scene, ipapaliwanag ko. Ngayon kasi December na. It's December 24 right now to be specific. Umaga palang and we're preparing para sa ihahanda namin sa Noche Buena kya andito kami sa condo ko. Napagdesisyunan kasi namin nila Chef Tj, pati ng mommy ni Drey na sabay sabay kaming magcecelebrate ng Christmas dito sa Condo. Tapos on the 25th naman, pupunta ako sa umaga kila Katie then sa night, may paparty naman si Lolo Bernard.. so ayun..

3 months have passed, September nung nagkaaminan kami ni Bryle. Ibinalik niya sakin yung condo kasi considered na naka 3 months narin daw ako, atleast umabot daw ako ng September. Isa pa 1 day na lang nman ang kulang eh, kaya ayun. Kahit naman mag insist ako na ibalik sa kanya yung condo eh wala rin, di rin nya tatanggapin.

Maraming nangyari the past 3 months na yun....

Inannounce ni Bryle sa school na contract lang yung relationship namin nung una. Syempre maraming na shock pero sa huli natanggap rin nila. Halos wala rin namang nagbago eh. Kasi ang rule parin ni Bryle, the same. Walang mangaaway sakin na kahit sinong babae at walang kahit sinong lalaking kakausap sakin sa school ng walang sapat na dahilan. So, wala talagang nagbago -___-.. si Bryle talaga..

Tapos nalaman din ng Auntie ni Bryle yung about sa contract, at dun kami nasermonan ng bongga! Grabe! nakakatakot yung auntie ni Bryle! Pero after a lot of sermon, buti na lang at tinanggap niya parin ako. Si Bryle ang pinarusahan niya the whole day. Pinaluhod niya si Bryle sa asin ng kalahating araw habang nakabalot sa maraming damit while in a really hot room. Kawawa nga nun si Bryle eh.

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now