CHAPTER 14.5- Being with YOU is...FUN <3 (part 2!)

1.1M 13.8K 2.2K
                                    

CHAPTER 14.5- Being with YOU is...FUN <3 (part 2!)

NASH's POV

Nakasakay kami ngayon ni Bryle sa elevator papunta sa condo unit ko.. (Naks 'condo unit ko' na talaga! as if naman akin na talaga! haha)

"Nami.." si Bryle yan, syempre sya yan, kami lang tao dito sa elevator eh

"O?" 

"Anong lulutuin mo mamaya? baboy, baka, manok o isda?!" haha! akala ko naman kung anu ng itatanong niya, yun lang pala. Excited much sa pagluluto ko para sa kanya mamaya eh! Ipagluluto ko siya kapalit nung pagsama niya sakin sa mall diba?!

"Hmm..palaka!"

"Huh? eh wala naman sa choices yun ah! palaka? Ayoko nun Nami! ayoko nun!" 

"Kung ayaw mo edi wag kang kumaen!"

"Sadya! Eh di bababa na lang ako at uuwi! Hindi na kita sasamahan! Palaka pala huh?!"

"Anla anla. Bryle joke lang yun, eto naman. Hindi ka na mabiro eh.."

"Ikaw eh! tinatanong ng maayos, ayaw sasagot ng ayos!"

"Ou na! ako na ang mali. Manok ang kakainin natin mamaya."

"Manok? talaga? Anung luto?!" teka bakit ba sya excited na excited? Akala mo naman hindi sya pinapakaen sa bahay nila eh sa pagkakaalam ko may personal chef sila!

"Anung luto?! Hmm..teka.. Hindi natin lulutuin! Kakainin natin ng buhay!" 

"Waaaaaah! Ayoko na nga Nami! Hindi na talaga kita sasamahan!" ahahaha! Sarap netong pagtripan!

Pipindutin na sana niya yung button sa elevator na pambaba sa ground floor eh, pinigilan ko. Seryoso much talaga neto.

"Oi oi, joke lang ulit! haha! Eto naman, adobo..magluluto ako ng adobong manok!" favorite ko kasi yan eh! 

"Kaw kasi. Lakas ng trip mo tss! adobo?! anu yun?!"  what? hindi niya alam yung adobo?! tao ba sya? ganito ba sya kabobo?!

"Adobo lang hindi mo pa alam?! bobo talaga" 

"Itatanong ko ba kung alam ko? king inamels ang slow!"

"Heh! kesa naman sayo adobo lang hindi pa alam!"

"Eh kesa naman sayo walang common sense! Ay teka, baka hindi mo alam ang common sense huh. Slow mo kasi.."

"Ay ou, common sense? Anu yun nakakaen ba yun?!" sarcastic kong sagot

"Try mong kainin.."

"Sige yun na lang lutuin natin mamaya!"

"Nami naman eh! tama na nga. Anu nga kasi yung adobo?!"

"Manok na pinaliguan ng toyo na may suka na may asukal na may paminta..basta ganun.."

"Ah...hmm..ayun pala yun. Excited na kong makatikim ng adobo!! wee! Galingan mong magluto huh Nami! Galingan mo!" ahahaha! para syang bata..tong isang to talaga hindi mo mawari eh..

*Ting

Nandito narin kami sa 10th floor. Ang galing wala man lang sumakay sa elevator simula kanina..konti lang ba tao dito? 

Paglabas namin sa elevator, biglang umupo si Bryle..bakit? O__O?

"Hoy, anu naman yang trip mo?! Tatae ka ba dyan sa hallway? Malapit na yung condo ko, dun ka na tumae.." muhka kasi syang natae! haha

"Tanga! sumakay ka sakin ang ibig sabihin niyan! Bubuhatin kita! Backride!"

"Huh?! bakit?!"

"Wag ka ng maraming tanong! bilis! Masaya to! Bored na kasi ako eh..walang magawa! Bilis na! Ayaw mo nun hindi ka na maglalakad!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now