CHAPTER 28- OPERATION: WIN YOUR HEART.

872K 10.1K 1.9K
                                    

CHAPTER 28- OPERATION: WIN YOUR HEART.

BRYLE's POV

Aray ko. Bakit parang ang sakit ng ulo ko? Anu bang nangyari? Nanonood lang ako ng t.v. habang kumakaen diba? tapos anu na ngang nangyari?

May nakapa akong kumot. Nakatulog pala ako sa sofa? 

Siguradong si Nami ang naglagay sakin nito.. pero nasan kaya siya?

Bumangon ako.

Teka.. parang may nag iba dito sa living room?! Ang tanda ko may vase dito sa table tapos, nasan na yung cover nung table? bakit wala ng table cloth?! Tsaka bakit basag yung salamin sa may mini drawer?! Bakit parang may natapon na something sa carpet? Anu ba talagang nangyari dito?

"Nami! nasan ka?! sumagot ka Nami!" sigaw ko

"Aray ko!" may narinig akong sigaw  na sa tingin ko ay mula sa kusina

Mabilis akong pumunta dun. Tapos nakita ko si Nami na nakaupo sa may sahig hawak hawak yung daliri niya habang nagdudugo yun.

"Ang tanga mo talaga no?!  =___=" sabi ko pagkalapit ko sa kanya sabay higit ko sa kamay niya para makita yung sugat niya, maliit na cut lang naman pala, buti naman

"Tsk.. kasalanan ko bang matalas yung bubog?" 

"Bakit kasi bare hands ang ginagamit mo pangkuha nung bubog?! dapat nag gloves ka man lang! tanga ka talaga!"

"Ikaw dyan ang may kasalanan eh!"

"Panung ako ang may kasalanan?! Eh kagigising ko lang! Tanga neto kahit kelan."

"Kung hindi ka sumigaw, hindi ako magugulat. Kung hindi ako nagulat, hindi ako masusugatan nung bubog! Kaya all in all kasalanan mo!"

"Hindi ko na kasalanan kung magugulatin ka!"

"Ikaw ang may kasalanan kasi sumigaw ka!"

"Kasalanan ng sumigaw ngayon?! =___="

"Ou kung makakagulat ka ng tao!"

"Bobo ka lang sabihin mo."

"Gagaya pa sayong tanga."

"Nagsalita ang hindi tanga."

"Kung makabobo ka Bryle akala mo matalino ka. Ambaba naman ng grades mo sa exam."

"At least pasa! tsk!"

"Haay! tama na nga! kung san pa mapunta tong pagtatalong to." -Nami

"Sabi ko nga eh.. kukuha na akong band aid. Dyan ka lang."

.

.

"Tayo! anu bang tinitingin tingin mo sakin?! Bubuhatin pa kita papuntang lababo para hugasan yang sugat mo? =__=" sigaw ko kay Nami nung makuha ko yung band aid, aba eh nakatunganga lang sakin?! bobo amps!

"Ang sungit naman neto.. tsk"  tatayo din naman kung anu anu pang nirereklamo netong babaeng to

Habang hinuhugasan ko yung daliri ni Nami na may sugat.. ewan ko ba.. pero iba yung tingin niya sakin.. basta may iba.

Pagkatapos kong hugasan yung sugat niya syempre pinunasan ko ng towel.. tapos ..

"Aray! grabe ka namang maglagay ng band aid huh!" pano basta ko pinagkit yung band aid sa sugat niya.. madiin pa ang pagkakadikit ko

"Eh ikaw dyan Nami eh! Bakit kasi kanina ka pa tingin ng tingin sakin?! "

"Huh?! hindi no."

"Tsk.. tanggi pa. Ai teka.. matanong ko.. anu bang nangyari sa living room? Bakit sira yung ibang gamit?! may parang something pang natapon sa carpet."

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now