CHAPTER 15.5- One Rainy Day (part 2)

1M 13K 3.5K
                                    

CHAPTER 15.5- One Rainy Day (part 2)

NASH's POV

Aray..ang sakit ng ulo ko..

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Nakakasilaw yung ilaw!

Malabo pa ang paningin ko..ang init ng pakiramdam ko. May napansin akong gumagalaw sa tabi ko. Parang figure ng isang lalaki..

Waaaaaaaaaaah! wag mong sabihing?!

Papalapit na sakin yung lalaki. Hindi ko pa masyadong aninag ang mukha niya pero I'm sure na hindi siya si Bryle. Nagkunwari na lang akong tulog parin.

Naramdaman kong tumuon siya sa kama. Wag mong sabihing gagahasain ako neto?! Pakiramdam ko lalapit na yung mukha niya sakin!

.

.

*silip

nakabukas lang ng konti yung mata ko..

Nakita ko yung mukha niya sa ibabaw ko, although medyo malabo parin. Magkatapat mukha namin, parang may ilalagay syang towel sa mukha ko! Anu yun? may pampatulog?!

.

.

ilalagay na niya

.

.

Konti pa..

sige lapit pa..

.

.

.

*boogsh!

"Aray miss! anu ka ba?! ang sakit!" sigaw nya habang hawak hawak yung noo nya

ni head bat ko kasi siya! diba magkatapat yung mukha namin?! bumangon ako with full force para iuntog yung ulo ko sa ulo niya! nakatalikod siya ngayon sakin..

"Buti nga sayo! Anung gagawin mo sakin huh?! kinidnap mo ako tapos anu? gagahasain mo ako?!" tiningnan ko yung katawan ko na nasa ilalim ng kumot, may damit pa naman ako...woosh..buti na lang..hindi pa ako nagagahasa! buti na lang!

Humarap na siya bigla sa akin..

Waaaaaah..teka, ang gwapo..promise..nakakatulala.

Pano ko ba idedescribe? maputim matangos ang ilong, parang may lahi, ang ganda ng mata, ng labi..ng katawan! lahat na!

Tao ba siya?! mukha kasi siyang prince, mukhang supermodel, mukhang manikin, parang hindi totoo! As in, super gwapo! parang edited sa photoshop!..grabe!

"Anu? sa itsura ko bang to sa tingin mo gagahasain kita?! huh?! Eh sa itsura mo ngayon parang ikaw ang may gustong gahasain ako eh! haha" bigla akong natauhan nung sinabi nya yan

"Ang kapal mo naman!so kung hindi ka rapist, bakit ako nandito?! nasan ba ako?!" 

Lumapit siya bigla sakin! waaah! nakakasilaw na kagwapuhan!

Umakto akong parang mangangarate! Eh kasi naman mamaya kahit gwapo to, baka manyak parin pala, mabuti ng sigurado.

"Wait wait miss. Wala akong gagawin sayo. Haha! Hihipuin ko lang yung noo mo!"

"At bakit mo hihipuin ah?! gusto mong masuntok?!"

"Hahahaha.Nakakatawa ka. Titingnan ko lang kung may lagnat ka pa. Kaya ako nasa may ibabaw mo kanina kasi pupunasan kita ng malamig na tubig para bumaba yung lagnat mo!"

huh?! pupunasan?! Ow..I remember. Masama ang pakiramdam ko kanina! Sobrang nahilo ako tapos..I collapsed. I remember seeing a guy na papalapit sakin, siguro siya yun!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now