CHAPTER 25.5- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY(part 2)

855K 10.4K 3.3K
                                    

CHAPTER 25.5- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY (part2)

TOMMY's POV

So para dito pala yun?! Kaya pala bigla na lang tinanong sakin ni Bryle kagabi kung pwede ko bang kontakin yung mga kabandmates ko at pakiusapan silang tugtugin ang kantang to.. para pala dito.

Kailan pa siya nagkainteres kumanta?! Kahit ako nabigla sa ginawang ito ni Bryle. Panu pa kaya si Nash?! gaano kaya sya nasurpresa ni Bryle?! anu kayang nararamdaman niya ngayon?!

Oh, I've heard it all before 
Finding so called love then you leave it behind 
But now I feel so sure 
I listen to my heart this time 
put my heart before my mind

Maya maya isa isa ng lumapit yung mga studyante na may dalang white roses kay Nash at binigay ang mga ito sa kanya.

99 white roses yun in totality..

Mukhang sobrang nabigla talaga si Nash sa mga nangyayari ngayon. But at the same hindi mo maiaalis sa mukha niya na masaya siya sa mga nangyayari.

Masaya siya..Masayang masaya.  It's as if she's really in love with Bryle. It's as if totoong sila nga.

Nagkukunwari lang ba siya for the sake of the contract?! Umaarte lang ba sya for the sake of their act?! 

Bakit pakiramdam ko hindi.

Bakit parang hindi na sila nagpapanggap?!

I know that what I've found is once in a lifetime 
and I know there's no way out 
Coz it's once in a lifetime 

"Grabe toy! Hanep! si Bryle ba talaga yan?! kailan pa natutong kumanta yan?!" -Steve

"Baduy pa daw ang pagkanta hu?! Tapos ngayon kumakanta siya sa maraming tao.. haha.. aasarin ko yan mamaya!" -Third

"Hahaha..ako din! ang sweet nung dalawa eh. Imba ang strategy ni Bryle boi! Ganyan ang mga da moves Third!" -Steve

"Tigilan mo nga ako Steve, gagawin mo na namang tungkol sakin to eh."-Third

"Hahaha.. sungit.."-Steve

"Pakamatay ka na!"-Third

"Eto na lang katabi ko oh. Tingnan mo yung mukha.. parang gustong magpakamatay oh." sabay turo ni Steve sakin

Tiningnan ko lang ng masama  si Steve.. tapos bumalik na ulit ako sa panunuod kila Bryle at Nash.


It's not like im runnin' outta time
I'm takin' everything in stride 
It's just i never thought i'd find 
What would make me change my mind 

 Bumaba si Bryle sa stage..

Tapos..

Siya naman ang nagabot kay Nash ng rose.. ang pang 100 na rose.

Nakatingin siya sa mga mata ni Nash habang kinakantahan to.

Ewan ko ba.. pero naiinis ako. Napapa close fist na lang ako.

Naiinggit ako kay Bryle kasi kaya niyang gawin ang bagay na to sa harap ng maraming tao. Pwedeng pwede niyang ipagsigawan sa lahat na mahal na mahal niya si Nash.

Pero ako..

"Oi Tommy, bakit aalis ka na?! intayin na natin sila Bryle. Hindi pa tapos kumanta yung loko oh." -Steve

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now