CHAPTER 47- The GIRL in the Hallway

832K 9.6K 1.6K
                                    

CHAPTER 47- The GIRL in the Hallway

NASH's POV

Pasakay na ako ngayon sa kotse nila Bryle para pumasok na sa school.

Pagsakay ko sa kotse..

E-eh? bakit wala si Bryle?! Ang alam ko pareho naman ang time namin ah?! 7 am kami pareho, so bakit hindi ko sya kasabay?!

Pag upo ko dun sa loob ng kotse..

"Ah Manong Eddie, nasaan po si Bryle?"

"Nauna na po sa school niyo si Sir Bryle Ms. Nami"

"Eh?! seryoso? ang aga niya naman ata? anung nakaen nun?"

"Ewan ko po. Kahit nga po kami nagulat sa kanya eh. Kasi po 5 am plng nakapaligo na sya tapos nagpagawa na ng breakfast. First time ata tong nagising sya ng maaga ng walang nanggigising sa kanya. Motor po niya yung gamit niya eh tapos sabi niya sunduin ko na lang po kayo. Weird nga po ng mga kinikilos ni sir Bryle eh."

"Pano pong weird manong?"

"Eh kasi po Ms. Nami, hindi naman po kasi pala inom si Sir Bryle eh, pero kagabi po nagpabili sya ng isang case ng beer tapos mag isa niyang ininom yun sa kwarto niya. Inisip ko nga po nung una baka gusto niya lang icelebrate yung pagpasa niyo kay Mam Cynthia eh, pero ang itsura po ni Sir Bryle mukhang problemado. Akala ko nga po hindi yun makakapasok ngayon eh, kaya talagang nabigla po kami ng ang aga niyang umalis sa mansion."

"Ganun po? hmm.. anu kayang problema nun?"

"Hindi ko rin po alam Ms. Nami. Wala naman po ako sa posisyon para magtanong."

"Tsk.. mokong na yun, tatanungin ko siya mamaya."

Haaaaaaay.. buong byahe iniisip ko kung anung nangyari kay Bryle. Ayos naman siya nung bago kami pumunta sa condo eh. Pero simula nung yakap scene kung saan bigla niya akong tinulak =___= parang naging weird na yung kilos niya dun. Hmm.. anu kayang nangyari?! arrrrrrrrg! gusto ko ng itanong sa kanya kaso may klase na ako! kaasar! 

.

.

.

After ng 4 subjects, lunch na. Lumilipad nga isip ko eh.. kaasar! Si Bryle kasi eh! Hindi mawala sa isip ko! I mean hindi naman talaga siya nawawala sa isip ko, pero mas malala ngayon, ni wala nga akong natutunan sa klase ngayon!

Pagkabili namin ng lunch ni Katie, diretso na kami  dun sa tambayan. Kailangan ko na talagang tanungin yung lalaking yun para mapalagay ako! arrrrg! ayokong mag space out maghapon.

.

.

Pag dating namin sa tambayan, nandun na si Bryle magkausap sila ni Steve. Si Katie naman ayun diretso na kay Third, edi sila na! Si Tommy wala..asan na kaya yun?

"Hoy Bryle!" sigaw ko pagpunta ko sa harapan nila ni Steve pero parang walang narinig si Bryle! Anung problema neto?

Si Steve naman hindi ko maintindihan ang itsura. Aba ngisi ng ngisi, anu bang nakakatawa huh?

"Hoy Bryle! bingi ka ba?!" sigaw ko ulit pero hindi parin siya tumitingin bagkus ay nakipag usap parin sya kay Steve about ata yun sa DOTA watever. Hindi ko maintindihan, may mga Mana watever silang pinaguusapan. Anu ba ako dito multo?! nakaka asar na to ah!

"Bryle tinatawag ka ni Nami oh... ihhh" -Steve

problema ni Steve?!

"Haup ka Steve! wag ka ngang makulit dyan!" -Bryle

"Sabi ko nga eh..haha..goodluck Bryle. Exit na muna ako.. pfft..haha" -Steve

Anu ba talagang nakakatawa?!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now