CHAPTER 28.5- OPERATION: WIN YOUR HEART (PART 2)

973K 11.1K 4.4K
                                    

CHAPTER 28.5- OPERATION: WIN YOUR HEART (PART 2)

TOMMY's POV

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para masabi ang mga sinabi ko kay Nash sa totoo lang. Wala naman kasi talaga akong kaplano planong magtapat.

Sabi ko kasi sa sarili ko, once na magkaron ulit ako ng opportunity na masolo si Nash tsaka ako magtatapat. Tapos eto na nga, dumating na yung opportunity na yun unexpectedly, kaya ginrab ko na yung chance.

Hindi na umimik si Nash pagkatapos ng sinabi ko, parang nasa state of shock parin sya haha. Ang cute ng itsura niya ngayon. Ang pula ng pisngi niya.. ang sarap tingnan.

Sumakay kami sa kotse ko..

" Ah Tommy para san tong saklob at shades?!" tanong ni Nash sakin

" Mahirap na, baka may makakita satin, girlfriend ka ni Bryle dito sa school so dapat walang makaalam na ikaw ang kasama ko." 

" Ah.. o-ok.." sagot ni Nash sabay sinuot na niya yung saklob at shades

Open air kasi yung kotse ko so kitang kita siya pag hindi niya sinuot yun. Ayoko namang magkaron pa ng issue so mas mabuti na yung ganito.

.

.

Habang nagddrive ako, hindi ko binibitawan ang kamay ni Nash. Ang sarap sa pakiramdam eh. Ang saya saya ko. Ewan ko ba.

"Ah Tommy saan tayo pupunta?!" 

"Secret na muna and wear this for the mean time." sabay inabot ko sa kanya yung headset ng ipod ko

"Isusuot ko?!"

" Yep.. "

"Pero bakit?"

" Hindi ba sabi ko walang tanong tanong?! ako ang masusunod ngayon diba?!"

" Sa-sabi ko nga.." then sinunod naman niya ako.

Pinasuot ko sa kanya yung headphones para hindi niya marinig yung sinasabi ko sa phone, (note: naka headset ako nyan, baka magtaka kayo kung pano ako nakakapagdrive) since biglaan to, biglaan din ang plano ko. Kailangan ko ng icoordinate lahat para sa date namin. I have so many things inside my mind kung anung pwede naming gawin, hindi ako makapili kung anung dapat kong unahin pero basta, I'll do everything to win her heart.. EVERYTHING.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NASH's POV

Nawawalan ako ng sasabihin kay Tommy. Totally awkward ang atmosphere. Eh kasi naman, hindi parin niya binabawi yung mga sinabi niya at hawak parin niya ang kamay ko.

Waaaaaaaaaaaah! So mukhang totoo nga ang lahat ng to at hindi ako nananaginip?!

Pero anu bang dapat kong gawin?! First time to na may manliligaw sakin officialy. Am I breaking the rule? pero anu namang magagawa ko, eh kahit tumanggi ako mukhang hindi makikinig si Tommy. Gosh.. anu ng gagawin mo Nash?!

Ayokong paasahin si Tommy kasi alam ko naman na may nararamdaman na ako para kay Bryle. Pero hindi ko naman yun pwedeng sabihin kay Tommy kasi hindi pa ako handang sabihin yun sa iba. Isa pa ayoko  namang wasakin ang puso niya sa mismong birthday niya, parang ang sama ko naman ata nun. Eto na nga lang yung hiningi nung tao sakin diba?! Anu man lang yung pagbigyan ko siya ngayong araw na to diba?! Since mukhang pinamigay nlng din naman ako ni Bryle eh diba?! tsk. Mukhang wala din namang pakialam si Bryle kung sinong kasama ko. Sino nga lang naman ba ako?! kaya siguro dapat magpakasaya na nga lang din ako kasama si Tommy. Bahala na.

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now