CHAPTER 54- Behind every HAPPINESS, There is.. SADNESS.

807K 9.7K 2.7K
                                    

CHAPTER 54- Behind every HAPPINESS, There is.. SADNESS.

NASH's POV

"O Nami, luto na tong itlog ^______^" -Bryle sabay patong nung plato ng, anu bang tawag niya dito? itlog daw? =____=

"Ah B-bryle, ho-how do you expect me to eat this?" eh puro egg shells to ah

Anung tingin niya sakin, kumakaen ng eggshells? =___=

"Ay oo nga no? haha. Paano ka nga pala kakain kung itlog lang?, syempre dapat may kanin! Tamang tama! May niluto nga rin pala akong sinangag! ^____^"

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihi--"

Kaso bago pa ako matapos sa pagsasalita.. =___=

Tuloy tuloy ng kinuha ni Bryle yung sinangag "daw"..  At paghaen naman niya sa harap ko ng sinangag.. =____=

Sinangag ba talaga to o kaning baboy? O chopseuy? o anu?

Eh kasi naman, merong kanin, pero the hell? kanin tapos merong garlic cloves! As in buo buong garlic cloves! tapos may mga carrots! yeah, carrots! tig iisang buong carrots! isang buo! =___=.. Meron ding spring onion, hindi man lang nichop! Meron ding repolyo, ni hindi din ni chop, basta niya nilagay yung mga dahon ng repolyo =____=

Kaya ang resulta, mukhang chopseuy na salad na ewan =____=

"Ah Bryle, hehe.. kakainin ko ba talaga to?! seryoso?"

"Malamang. Kaya nga hinaen ko yan sayo eh! Pinaghirapan ko yan huh! Kaya sige na, kainin mo na Nami ^__________^" -aw sa itsura ni Bryle ngayon, gusto ko talagang kainin yung niluto niya kaso..

"Bryle.."

"Oh anu Nami?! ah! alam ko na! kailangan mo ng ketchup no?! ^____^"

"Teka Bryle hindi yun ang--" kaso di na naman ako nakatapos ng pagsasalita..

Agad agad syang kumuha ng ketchup..

Tapos agad na binuhos niya yun dun sa itlog "daw"

*splak

Kaso napalakas yung buhos niya kaya naman, lalong naging mas karumaldumal yung itsura nung "fried egg shells" =___=

"Bryle, umupo ka nga muna."

"O-ok sige ^_____^" umupo naman sya, magkaharap kami

"Bryle, sa tingin mo, mukha bang itlog yung niluto mong itlog?! yung totoo.. "

"Ah.. eh.. actually, medyo kakaiba nga yung itsura niya, ewan ko kung bakit may mga egg shells pang natira.."-Bryle sabay kamot pa sa ulo =___=

Napahilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko..

"Eh Bryle, panong hindi magkakaron yan ng egg shells eh pagkabasag mo ng itlog , isinama mo rin yung egg shell! Hindi yun kasama Bryle!"

"E-eh? t-talaga?! eh gagong cook book naman pala yun eh! Wala naman kasing nakalagay na dapat hindi isama yung eggshell! Sabi lang, basagin yung itlog tapos lutuin sa mainit ng kawali! takteng yun!" -Bryle na talagang sinisi pa yung cook book? =___=

"Bryle, common sense na lang kasi yun eh diba?"

"Anung common sense?! eh sa akala ko, matutunaw yung egg shell once na niluto ko na yun eh tapos magiging mukhang fried egg na yun. Eh malay ko bang hindi pala matutunaw yung egg shell!" -Bryle na mukhang talagang walang kaalam alam! =___= Dyusko po!

"Ayoko na lang magsalita Bryle.. hays.."

"O-o sige na! Hindi mo na kailangang kainin yang itlog na yan! Kasalanan to ng cook book na yun eh! tch! then at least tikman mo man lang yung sinangag!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now