CHAPTER 16- SORRY: The Hardest word I couldn't say..

1M 12.9K 2.6K
                                    

CHAPTER 16- SORRY: The Hardest word I couldn't say..

NASH's POV

*riiiiiiiiiiiiiiiiing *riiiiiiiiiiiing

Si Bryle yung tumatawag.

.

.

Sinagot ko

.

.

"Hello Bryle?!"

"Nami, I'm ending our contract..ayoko na.."

Anu daw? Teka..bakit ang bilis naman?! Wag naman.. Wala pa akong ipon, kulang pa ang pera ko..

"Pero Bryle, bakit bigla bigla naman?! Bryle wag ganito.."

"Dun ka na lang sa Tj mo! magsama kayo! Bye!"

"Bry--" 

*toot toot

pinatay na nya yung phone..

So wala na? yun na yun? tapos na kami?! iniwan na niya agad ako..

Please, kahit konti pang time, kahit konti lang! konti pa! please..

Gusto ko pa siyang makasama kahit konting oras pa, please..

.

.

.

.

*eeeeeeeeeeng! eeeeeeeeeeng!

O_____O mulat

alarm clock ko yun ah?!

Waaaaaah! Panaginip lang pala! Akala ko totoo! Buti na lang hindi totoo! Grabe, ang bigat sa dibdib sobra! Ayoko pang mawalan ng trabaho, ayokong magkatotoo yung panaginip ko, ayokong.. mawala siya sakin...hep hep! hindi dahil sa gusto ko siya huh? kasi anu..ahm..kasi..ahm..ayun! wala pa akong masyadong ipon! tama! kulang pa! tsaka gusto kong maka three months! para sakin na tong condo! yun lang ho! yun lang!

Kinuha ko yung cp ko na nasa may side ng bed ko..6:30 am na pala..8 am ang pasok ko..

Imbang panaginip yun sobrang gising tuloy ako. Haaay..hindi ko na talaga pwedeng patagalin ang away namin ni Bryle. Lalamunin ko na at isasalaksak sa lalamunan ko ang mataas kong pride! Kahit na alam kong wala akong mali at kahit na para sakin ito ang pinakamahirap na sabihing salita, itatry ko parin sa abot ng makakaya ko..na sabihing.."SORRY" sa kanya. Bahala na. Basta ayokong mangyari yung sa panaginip..ayoko talaga.

Anu kayang gagawin ko? pano ba magsorry? Haaay...ang sakit sa ulo neto!

Ah teka, matawagan pala si Tommy..

Dinial ko na yung number ni Tommy. May number na ako nila Tommy, Steve at Third. Binigay sakin ni Bryle yun nung isang araw eh para daw kung sakaling may problema at wala siya, sila daw tatlo ang kontakin ko.

*riiiing rii-

Ang bilis naman niyang nasagot! 

"Hello Nash?"

"Gud morning Tommy!"  sigaw ko sa phone

"Woaaaah! haha..energetic mo ah?! Ba-bakit ka na-napatawag Nash?!" bakit ganun? parang kinakabahan yung boses niya?! weird 

"Hehehe..ah anu kasi..ahm..tatanong ko lang..anung oras ba ang pasok niyo ngayon?! tsaka anung room niyo?!"

"Huh? bakit mo natanong?! "

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now