CHAPTER 13.2- FIRST DAY OF WORK (PART 2!)

1.1M 15.1K 2.8K
                                    

CHAPTER 13.2- FIRST DAY OF WORK (PART 2!)

BRYLE's POV

Kakadating ko lang sa classroom namin..

Bakit ang ingay dito sa room? Walang teacher? Nagmadali pa man din ako!

"O Bryle! relax! haha..swerte mo..wala si Ms. Sanchez. masama daw ang pakiramdam kaya wlaa tayong klase. Tapos double period pa! wee!" -Steve

"Oh kamusta na kayo ng girlfriend mo?!" -Tommy

"Oo nga. .balita ko holding hands pa kayo ah?" -Third

"Ang bilis ng balita huh?! haha..ok naman..nag eenjoy ako."

"In love ka na sa kanya pare?!" -Tommy

"Ulol! Hindi! nakakatuwa siyang paglaruan. Hindi kasi sanay sa mga sweet na kilos yang si Nami. Kaya ang reaction nya pag nagpapaka sweet ako sa kanya, hindi maipinta.  Haha nakakatawa! Ang sarap pagtripan!"

"Ikaw talaga Bryle! Wala ka parin balak magpakabait sa kanya? kayo na diba?!" -Tommy

"Hindi naman totoong kami eh. Kaya aasarin ko parin sya no! Natutuwa ako eh! Pero syempre in my own way, yung hindi halata ng ibang tao. Alam mo kasi, the more I push Nami to do sweet things to me, the more na naiirita sya! Kaya yun ang gagawin kong pang aasar! Hindi naman iisipin ng ibang tao na I am actually ruining her day! haha"

"Kaw talaga Bryle! Mamaya matuluyan ka niyan sa kanya eh!"-Third

"Asa! haha.." sus..ako maiinlove dun?! hahahaha..

(note: kinwento na ni Bryle sa kanila (Tommy, Steve, Third) kagabi na pumayag si Nash sa deal nila..kaya naman alam na nila ang lahat..)

So ayun nagkwentuhan lang kami about sa mga nangyari samin ni Nami this past few days. Tapos an idea came up in my mind. Kanina ko pa kasi iniisip kung pano mas mapapabilis yung pagspread ng balita na girlfriend ko si Nami dito sa school. Gusto ko lahat makaalam, para mas maganda ang acting, mas papaniwalaan ni tanda.

"Pare, alis muna ako huh?!" sabi ko sa kanila

"San ka pupunta?! sa girlfriend mo no?!" -Steve

"Gago! hindi! basta just wait. May gagawin lang ako ;)"

"Hayy nako Bryle mukhang may pinaplano ko na naman huh. Geh umalis ka na, para namang may magagawa kami.." -Tommy

.

.

.

Saan ako pumunta? sa AUDIOVISUAL room.

Dun kasi connected lahat ng speakers sa lahat ng rooms and facilities ng school na may mga studyante! Faculty at authorized personnel lang ang pwedeng pumunta dun. Bawal ang students, but since I'm Bryle Caleb Stanford..alam niyo na siguro :)

.

.

I started talking..

STUDENTS NG STANFORD UNIVERSITY..THIS IS BRYLE CALEB STANFORD SPEAKING.. KAYA LISTEN VERY WELL.. SI MS. NAMI SHANAIA SAN JOSE BS HRM STUDENT NG CLASS 1-A AY GIRLFRIEND KO NA SIMULA NGAYON..

ANG SINO MANG BABAENG MAGTANGKANG UMAWAY SA KANYA, HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATULAN KAYO PAG NALAMAN KONG INAWAY NIYO SYA.......WAG NIYO SYANG HARASSIN KUNG HINDI MANANAGOT KAYONG LAHAT SAKIN.. AYOKONG NAHIHIRAPAN ANG GIRLFRIEND KO..

Naalala ko kasi yung mga manga na nababasa ko, pag may popular na guy tas may girl syang nagustuhan, kadalasan yung mga may gusto dun sa guy inaaway yung babae. Eh ayoko namang awayin nila si Nami. Well alam ko namang kaya niyang labanan yung mga yun pero yun na nga eh. Knowing her, lalaban siya, magiging gulo to tapos matatanggal scholarship niya ayoko naman mangyari yun. Gusto ko pati, ako lang ang magpapaiyak sa kanya. Ayokong iiyak siya dahil sa iba. Ako lang ang may karapatan gumawa nun! haha

GIRLFRIEND FOR HIRE.Where stories live. Discover now