CH 1: We Were Doomed From The Start

59.4K 2K 178
                                    

Ang sabi nga nila, all of us are no longer virgins because life fucks us all. Dati tinawanan ko 'to, eh, parang ang bitter kasi ng datingan – parang nag-harvest ng ampalaya, ginawang purée pagkatapos ay tinungga nang wala man lang ni katiting na asukal.

Pero, dahil sa GrabShare na 'yan ay napagtanto kong hindi na talaga natin kailangan ng ibang taong manggagago pa sa atin dahil ang buhay ay mahilig tayong gaguhin.

"On the way na! Pramis!"

"On the way ka pa lang?!"

"Umuwi nga kasi sa probinsya 'yung yaya nina Kuya kaya ako ang nagbantay sa pamangkin ko. Pasensya naman. Hindi ko naman pwedeng iwanang mag-isa 'yung bata, eh, kararating lang ng kapatid ko."

"Hay naku, Mary Claire de los Santos, ha! Kasal na kasal ko gan'yan ka! Malapit na akong ma-stress sa'yo! Sigurado ka bang nasa bahay ka ng Kuya mo sa Makati at wala ka sa Dasma?"

"Bes naman, oo nga. Kaloka ito."

"Eh, kasi naman, two hours na lang, eh, kasal ko na 'tapos 'yung maid-of-honor ko ay hindi ko mahagilap."

"Bes, sorry na. Ang sabi kasi kagabi babalik si Yaya Linda kaso nag-text na nagsusuka raw 'yung bunso n'ya kaya hindi s'ya makaalis. Alangan namang hindi ko samahan ang pamangkin ko, 'di ba? Napakawala ko namang puso. Inaanak ko nga 'yun at wala akong pambili ng regalo sa kanya sa birthday n'ya kaya 'yung serbisyo ko na lang."

"Ang dami mong excuse, Bes, paano na 'yung makeup mo n'yan? Sasabihin ko kay Bambi hintayin ka sa labas ng simbahan at doon ka na lang ayusan."

"Hindi na. Keri na. Ako na mag-aayos sa sarili ko. Kaya ko na ito. H'wag mo na akong alalahanin, naghihintay na ako ng masasakyan. At lalong h'wag ka nang ma-stress dahil kasal mo, dapat blooming ka kundi baka habambuhay mo akong isusumpa kung mukha kang nasunugan sa mga pictures mo."

"O, s'ya, bilisan mo. Ingat ka, ha. Hindi pwedeng hindi ka makarating. Naku talaga kung sakali, hindi mo makikita ang future inaanak mo hanggang sa mag-debut s'ya."

"Grabehan. O, sige na. Darating ako at walang makakahadlang sa akin. See you!"

"See you. Love you, Beshie!"

S'ya ang bestfriend kong si Armina – mas matanda s'ya sa akin nang tatlong taon at katatapos n'ya lang ng kolehiyo. Delayed kasi s'ya nang mahigit dalawang taon n'ung College at delayed naman s'ya ng four months ngayon kaya 'yun tuloy nagpakasal nang wala sa oras. Dati kaming magkapitbahay sa Mandaluyong bago kami lumipat ng pamilya ko sa Cavite.

"Diyos ko naman, kung kailan naman kailangang-kailangan mo ng taxi ay 'tsaka naman walang dumadaan. Lintek na ito, hindi ko pa pala natanggal 'yung curlers sa buhok ko. Bahala na, problema na 'yan ng mga tumitingin."

Pero, siyempre pinoproblema ko rin na mukha akong si Sisa na may dalang malaking karton kung saan nakalagay 'yung damit na isusuot ko sa kasal ng bestfriend ko, makeup kit na kinulimbat ko lang sa aparador ng asawa ng kapatid ko, naka-high heels, naka-pink na blouse at maong na shorts na sa hindi malamang dahilan at hindi ko maisara ang zipper.

"Pucha naman! Late kasi si Kuya umuwi, eh. Late na late tuloy ako. Kabanas talaga! At nasaan na ba itong mga taxi na 'to, ang layo na ng nalakad ko, ni anino ng mga taxi na 'yan wala man lang akong makita!"

Poorita Corales ako kasi ang totoo ay ilang buwan na akong naghahanap ng trabaho kaya galawang hampaslupa ako everyday. Nakakahiya namang humingi ng pera sa kapatid ko na may pamilya na at mas lalong nakakahiyang humingi ng pera kay Mommy dahil hindi matanggap-tanggap sa trabaho ang bunso n'ya.

Ewan ko ba kung anong ayaw nila sa akin – matalino naman ako, articulate sabi ng bestfriend ko, generally pleasant sabi ng Kuya ko, at napakagandang dalaga sabi ng Mommy ko. Naisip ko noon na dahil siguro makulay akong tao – medyo may pink highlights ang buhok ko at mahilig ako sa loud colors pagdating sa damit. Pakiramdam ko phase lang naman ito; I just needed to add color to my otherwise dreary world. At saka sa gan'ung paraan ko lang na-i-express 'yung individuality ko, alangan naman baguhin ko pa nang tuluyan 'yung sarili ko matanggap lang sa isang kumpanya.

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now