CH 2: The Torment of Existence Weighed Against The Horror of Non-being

26.1K 1.7K 177
                                    

That GrabShare experience was more than nine months ago. Dumaan ang Christmas, New Year, at higit sa lahat ay Valentine's Day na pinakaayaw kong araw sa buong taon. Ang maganda nga lang na nangyari ay hindi na ako kasing hampaslupa tulad dati kasi may nahanap na akong trabaho sa BPO industry – ang industriya ng mga laging puyat.

Nadagdagan na rin 'yung inaanak ko kasi iniluwal na ng kaibigan ko ang sanggol sa kanyang sinapupunan kaya isa na s'ya ngayong single parent.

Dumating naman si Franco noon, matapos namin s'yang hintayin nang mahigit isang oras. Ang sabi n'ya ay natakot lang daw s'ya pero buo na ang isip n'ya na panagutan ang kaibigan ko.

'Yun nga lang matapos n'yang manampal at manabunot ay nagdesisyon si Armina na ayaw n'ya pala ng asawa dahil ayaw n'yang habambuhay na matakot na baka s'ya iwan ng ama ng anak n'ya. Nagdulot ng kakaibang trauma 'yung paghihintay n'ya sa simbahan.

"Kailan ba day-off mo? Sabi mo kahapon magbabago kayo ng schedule."

"Hindi ko pa alam, Bes, eh. Ngayon pa nga lang ay nagdadasal na ako na sana naman wala akong pasok ng December 24 at 31 para merry ang Christmas at happy ang New Year ko. Pero mukhang suntok sa buwan."

"Diyos ko, hindi ba 'yun holiday d'yan?"

"Gaga, kahit Pasko, Bagong Taon at cuaresma ay may pasok kami, ano. Pero, 'yun nga lang double pay. Ang sa akin lang naman, excited akong mag-Christmas at New Year nang may pera dahil gusto kong i-treat si Mommy kaya sana wala akong pasok."

"Ang lungkot naman ng buhay mo, Beshie. Baka mamaya n'yan ay Paskong-pasko magsasagot ka ng telepono."

"Naku, ang arte ko. Eh, kung tutuusin mas gugustuhin ko nang makarinig nang walang kamatayang complaint tungkol sa internet ng madla kaysa naman bumalik ako sa dati na Paskong-pasko ay wala akong pera. Nakakahiya naman nang mangaroling sa edad kong ito."

"Pwede ka namang magpunas ng mga sapatos ng mga pasahero sa jeep."

"O kaya ay maglinis ng wiper ng mga kotse habang stuck sila sa traffic sa EDSA," pabiro kong dugtong.

"O kaya magdala ng Bibliya at magpalaganap ng mabuting salita ng Diyos pagkatapos ay mag-abot ng sobre sa mga nakasakay sa bus."

"O kaya ay magbenta ng tig-isangdaang bolpen na tig-sampu lang sa Divisoria na sasabihin kong ginagawa ko para tustusan ang aking pag-aaral."

"Pucha, Bes, na-i-imagine kong ginagawa mo lahat 'yan at hindi ko s'ya kaya! Tama ka, mamalat ka na lang sa kasasagot ng telepono d'yan."

"Aw, wow, salamat sa masigabong halakhak, ha. Pero, h'wag ka ngang nagmumura, gagayahin 'yan ng anak mo, ikaw rin."

"Mag-pa-five months pa lang naman si Amaera, ano, kaya hindi pa ito nakakaintindi."

"Oo nga, pero sanayin mo namang malinis 'yang pananalita mo para d'yan kay baby. Kasi masasanay ka n'yan, eh, and you wouldn't even notice na nagmumura ka na pala at ini-imitate na pala ng inaanak ko."

"Ay, ang friend kong ulirang ina. Magpabuntis ka na rin, Bes, para naman we can compare notes and raise our kids together. Ayaw mo n'un, 'yung mga anak natin ay magiging mag-bestfriends din?"

"Huwaw naman, parang uutot lang, eh, 'no?"

I heard Armina burst out laughing on the other line.

"'Tsaka naman, ngayon pa nga lang ako natutuwa na meron akong sariling pera ay talagang uubusin ko pa sa diaper at gatas? H'wag na."

"Hoy, a child is a blessing, h'wag ka ngang ano d'yan."

"Of course, a baby is a blessing. Isang blessing na umiiyak, kailangang damitan, kailangang pakainin, kailangang pag-aralin, at kailangang alagaan. Kaya ikaw na muna ang mag-enjoy sa gan'yang blessing total mag-isang anak ka lang naman at nakahiga naman ang pamilya mo sa salapi. Samantalang ako ay miyembro ng working class—"

Love For Sale Book 1 (Self-published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum