CH 5: The Pros and Cons of Breathing

18.7K 1.6K 84
                                    

After all that bravado, my knees were actually trembling. I regretted raising my hand at Barry the moment I was out of his door. Yes, I'd readily admit that it felt good and I even felt as if a burden was lifted off my chest. But, slapping him was tantamount to me handing in my resignation. And I was in a situation where I couldn't afford, literally and figuratively, to resign.

"Ano ba, Claire, ang tanga-tanga mo!" I groaned repeatedly splashing water onto my face.

I had walked with poise towards the comfort room like some queen who had just given a royal edict but as soon as I closed the door behind me, I started to panic like an idiot.

Papasok pa ba ako? Baka naman ipatawag na lang ako bigla ng HR dahil may force termination paper na akong naghihintay, I thought with dread. Tapang mo kasi, may ipon ka ba, ha?

Meron naman kahit papaano. But not big enough to tide me over if I were to look for another job. At alam na alam kong hindi gan'un kadaling maghanap ng trabaho. Alam na alam ko ring magastos ang paghahanap ng trabaho.

Besides, knowing call centers, may sikreto ba namang hindi nabubunyag dito? 'Yung kabit nga ng isang TL na ilang sakay ng MRT ang layo ng opisinang pinapasukan sa pinagtatrabahuan ko ay kilala namin at napag-uusapan.

Sa call center kasi, there's someone who knows someone who knows somebody's secret kaya panigurado kakalat 'yung pagiging echosera ko sa ibang kumpanya kaya wala nang mag-ha-hire sa akin. Kasi sino namang kukuha sa isang ahenteng nanampal ng OM?

"Potek this life. Ayoko na. Lord, awat na...please...pagod na pagod na ako... tama na sa pagsubok..."

I looked at my reflection on the mirror. "Bakit mo kasi s'ya sinampal?"

Bakit nga ba? Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'yun kung bakit naiinis ako sa kanya. Parang kapag s'ya ang nambwisit sa akin, tagos na tagos.

Pero, sana hinabaan ko ang pasensya ko. Sana man lang namili ako ng kakalabanin. Mabuti sana kung ahente lang din, magiging patas pa ang laban. Pero, OM s'ya, ang layo ng agwat ng posisyon naming dalawa.

Ano bang meron d'un sa adobo ni Hanabel at sobra akong na-high blood? Claire, ang tanga mo! Sana hindi ka pumasok nang maaga ngayon! Eh, 'di sana nakaiwas ka sa sakunang ito!

Pero, naisip ko rin, okay na 'yun, at least man lang nakaganti ako. Sigurado naman akong hindi ko talaga matitiis 'yung bwisit ko sa Barry na 'yun kaya hahantong pa rin talaga kami sa sampalan. S'ya 'yung dahilan kung bakit kumalat 'yang tsismis na 'yan tungkol sa akin dahil tarantado s'ya. Alangan namang hayaan ko lang s'yang tratuhin akong nang gan'un? Hahayaan ko lang ba ang ibang bastusin ako dahil sobrang desperada kong maghanap ng trabaho? Hindi. Hindi ko masisikmura dahil may mga bagay man akong pinalampas pero hindi lahat.

Kasuhan ko kaya s'ya ng sexual harrassment? O kaya ay defamation? Hindi ba paninirang-puri ang ginagawa n'ya? Hindi ba sinira n'ya ang pakatao ko by insinuating that we were intimate by saying, in front of others, that he has my bra? Hindi ba ako ang agrabyado rito? Pero, may pera ka ba para magsampa ng kaso? Ikaw na rich, Claire, manahimik ka.

I was tempted to go home. I was tempted to pull an AWOL. But I knew that if things would lead to me leaving the company, it should be on my own terms. Hindi naman pwedeng lagapak from grace talaga ang galawan ko at tuluyan ko nang itapon ang katiting na posibilidad na makahanap ako ng bagong trabaho.

"Hoy, anong nangyari, bakit mukha kang na-pyramiding scam d'yan?" tanong ni Mirasol na as usual ay parang laging sabog. "Nakita kita galing banyo, eh. Tatawagin nga sana kita pero sabi ko, h'wag na at baka sa kasisigaw ko sa pangalan mo ay may makarinig na iba at makita nilang hindi talaga ako demure."

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now