CH 19: I've Got All This Ringing In My Ears And None On My Fingers

16.8K 1.3K 270
                                    

"Utot mo, Barry," I said pushing him off me before rising to my feet.

"Bakit?"

"Dami mong paandar, makaalis na nga..."

"O, saan ka pupunta?"

"Tutulog," I replied heading to my bedroom. "Inaantok na ako."

"Talagang hindi ako kapani-paniwala para sa'yo, 'no, Claire?" I heard him say but I ignored him. "Claire! Claire, pansinin mo ako..."

I rolled my eyes heavenward. "Ano?" I asked without looking at him.

"Gigisingin kita ng five?"

"Ha?" I turned around to face him. "Bakit? Wala akong pasok ngayon, day-off ko hanggang bukas."

"May pupuntahan tayo, 'di ba?"

I frowned. "Saan?"

"Sa amin."

"Ayoko ngang sumama. Besides, mapapahiya ka lang sa akin d'un, puro pantalon at blouse lang dala ko 'tapos isang sandal at isang rubber shoes. I have nothing appropriate to wear. Ikaw na lang pumunta, kaya mo na 'yan..." I declared before going inside my bedroom then locking the door behind me.

The bed looked so welcoming and I would have wanted to go straight to sleep but I knew that I'd probably wake up a few minutes later if I didn't wash up.

Diyos ko naman kasi bakit ba ang hilig kong maligo...

I love taking baths. Kaya naman n'ung nand'un ako kina Kuya ay 'yun ang isa sa mga kinaiinisan sa akin ng asawa n'ya.

Ang sabi ni Hanabel noon, ligo raw ako nang ligo na para bang ako ang nagbabayad ng tubig.

N'ung nagkatrabaho na ako at ako na ang nagbabayad ng tubig ay galit pa rin s'ya kasi ligo raw ako nang ligo na para bang ako ang may-ari ng banyo. Kamuntikan ko na 's'yang i-flush sa inodoro.

"Maligo ka na para makatulog ka na..." I sleepily tried pep-talking myself as I opened my bedroom door.

"O, akala ko ba matutulog ka na—"

I shrieked in surprise.

"Magugulatin ka pala talaga, ano?" Barry asked laughing softly. "At ang cute mong tumili."

"Walang cute sa pagtili dahil sa sobrang gulat."

"Cute ka."

"Ewan ko sa'yo. Ano ba naman kasi bakit bigla namang lumitaw 'yang ulo mo galing d'yan sa pinto mo? Diyos ko 'yung puso ko parang sasabog!"

He laughed. "Sorry, I didn't mean to surprise you. Nagulat lang ako kasi narinig kong nagbukas ulit ang pinto mo."

"Maliligo ako."

"Na naman?"

"Kung ikaw ay may obsession sa paglilinis ng bahay, ako naman may obsession sa pagligo."

"Hm..."

I opened the bathroom door to step inside.

"Claire!" he called out.

I backpedaled to look at him. "O?"

"Lalabas ako."

"Ngayon na?"

"Mamaya pa, magpapahinga lang ako nang kaunti. Baka kasi magising ka 'tapos wala ako. You might be freaked out."

"Hindi naman ako clingy. Gawin mo lang kung anong trip mo. Hindi mo kailangang magpaalam sa akin."

"Gusto kong magpaalam sa'yo and I want you to extend the same courtesy."

Love For Sale Book 1 (Self-published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum