CH 13: The Take Over, The Breaks Over

16.3K 1.6K 230
                                    

Ang tagal nag-sink-in sa akin 'yung sinabi ni Barry. Matagal kaming nagtitigan kasi hindi ko maintindihan kung anong ibig n'yang sabihin. O baka naman dahil in denial lang ako kasi, 'di ba, wala naman sa usapan namin na wawasakin n'yang tuluyan 'yung puri ko at apak-apakan n'ya sa harap mismo ng ex n'ya, mga kaibigan ko, at mga katrabaho namin 'yung dignidad ko?

Did he just say what I thought he said? Paulit-ulit ang tanong na 'yun sa utak ko. Pero, imposibleng sasabihin n'ya 'yun because he would really be stupid if—

"She's pregnant?!" Leah shouted.

For a few seconds, I was thinking that she was referring to herself in the third person. 'Yun ba ang rason kung bakit para na s'yang nababaliw dahil buntis pala s'ya? Kung bakit kulang na lang ay sampahan n'ya ako ng kaso makuha lang ulit ang jowa n'ya? Poor girl...

"Nabuntis mo ang mang-aagaw na ito?!"

My head turned in Barry's direction. Wait...wala sa usapan natin 'to...

"Girl, kumalma ka," TL Annie spoke. "Dumarami na ang tao sa floor—"

"Putang-ina ka, h'wag mo akong pagsabihan na kumalma! I am sure nagkukunyari ka lang na concerned ka sa akin when in fact ay tuwang-tuwa ka na naghiwalay kami ni Barry dahil matagal mo na s'yang gusto!"

TL Annie looked embarrassed. "Girl, I am on your side—"

"Bullshit, Annie! Shut the fuck up!"

TL Annie took a step back.

Leah turned to glower at me. "Ikaw namang mang-aagaw ka, proud ka ba sa ginawa mo? Proud ba ang pamilya mo sa'yo? Feeling mo siguro nanalo ka sa lotto, ano, kasi nakabingwit ka ng lalaking mag-aahon sa'yo at sa pamilya mo sa hirap gamit 'yang kati mo!"

"Leah! I won't tolerate you insulting the woman I love. Matagal na tayong tapos bago naging kami ni Claire—"

"Anong ipinakain sa'yo ng babaeng ito, Barry? A mere agent? Alam ba ng mga magulang mo na pumatol ka sa isang ito, ha?! Gaano katagal na ba kayong magkakilala? Dito mo ako ipinagpalit? Sa isang 'to?! Anong klaseng babae ang magpapagalaw sa lalaking bago pa lang n'ya nakilala?! How dare this cheap whore—"

"Hoy, putang-ina ka, dahan-dahan." I could no longer stop myself from blurting out my anger. "And stop saying mere agent, bakit saan ka ba nanggaling? Hindi ba ahente ka lang din naman noon? Pinapainit mo ang ulo ko kaladkaring demonyo ka, ha."

"Anong sinabi mo?" Leah bit out.

"Ang sabi ko ang kapal ng mukha mo. Malinis ka, 'Teh? Singputi ng bagong kulang uniporme 'yang kalooban mo? Matinong babae ka? Real talk lang. Baka gusto mong regaluhan kita ng Zonrox para gawin mong mouth wash at feminine wash dahil mukhang kailangan mo? You actually dared to insult me because Barry dumped you after you fucked his—"

I stopped talking and clenched my jaw. Barry and I agreed that such a secret should remain a secret and I wasn't one to break a promise. "Putang-ina..." I murmured under my breath.

Galit na galit ako pero hindi ko na alam kung kanino – kung kay Leah ba dahil isa s'yang mapagmalinis na puta o kay Barry dahil isa s'yang gunggong na hindi gumagamit ng utak.

"Claire...?"

"Tang-ina..." I closed my eyes as I felt the telltale prickling of tears.

"Winston!" I heard Barry call out and I wasn't sure what it was for until someone shouted.

"de los Santos Aux 6!"

I pressed Aux 6 on my Avaya before I removed my headphone.

I felt Barry drape an arm around my shoulders then he guided me out of the floor and into his office. He closed the door behind us. "Claire, let me explain—"

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now