CH 28: Just One Yesterday

18K 1.1K 262
                                    

"Sana kumain na lang tayo sa bahay," I told Barry after I handed him his burger. "'Ayan tuloy napa-burger tayo nang wala sa oras. Mataas kaya sodium content nito. I already unwrapped that, kaya mo bang kumain?"

"Bakit, kung hindi ba susubuan mo ako?"

"Oo naman. Ayoko pa kayang mamatay at mamaya since you only have one hand on that wheel ay baka mapaano pa tayo."

"Akala ko ba bilib na bilib ka sa driving skills ko?" he asked grinning.

"Never ko sinabing bilib na bilib, ano. Ang sabi ko ay may tiwala ako sa driving skills mo."

"Pareho na rin 'yun. Kaya kong mag-drive habang kumakain. Ikaw, kumain ka na rin..."

"Sana kumain na lang ako ng kanin sa bahay..." I grumbled. "Hindi talaga ako natutuwa sa tinapay."

"Mamaya pagdating natin ng MOA. Kung hindi kasi tayo magmamadali ay baka abutan tayo ng traffic. Mabuti sana kung hindi pa tayo papasok mamaya, okay lang mapagod, pero dahil may pasok tayo kailangan naman nating makauwi nang maaga at makapagpahinga muna bago pumuntang opisina."

"Kasi kung nag-MRT na lang sana ako, eh, 'di sana ay hindi ka na napagod."

"Agent kita, 'di ba? I want you in top form. Kung aantok-antok ka mamaya sa floor, paano naman metrics mo?"

"Alam mo, ang dami kong pwedeng i-rebut d'yan..."

"Subuan mo na lang kaya ako ng French fries kaysa awayin mo pa ako..."

I fed him some fries.

"Thanks..." he murmured. "Ayoko na, maalat."

"Oo nga, ngiti ka kasi nang ngiti d'un sa babae, napadami tuloy ng asin."

"Palangiti talaga ako. Besides kahit naman nginitian ko s'ya, kita mo naman, ikaw ang nasa tabi ko."

"How is this about me?"

"Kasi ultimo crew ng McDo, pinagseselosan mo."

"Anong pinagseselosan, gusto mo sapakin kita?"

"I was just kidding. Grabe, galit ka kaagad?"

"Kung anu-ano sinasabi mo, eh."

"Sorry na, bati na tayo..."

"Okay..."

"Ang dali mo yatang kausap ngayon?" he asked laughing softly. "Nakakapanibago."

"Kasi nagmagandang loob kang ipag-drive ako para kitain 'yung Kuya ko. Napakawalang utang na loob ko naman kung tatarayan pa kita..."

"Mas gugustuhin ko pang taray-tarayan mo ako kaysa nakikipagplastikan ka sa akin."

"At kailan daw ako nakipagplastikan sa'yo? Hindi ka ba naniniwalang ang tingin ko ay sobrang bait mong tao 'tapos napakaguwapo mo pa? Na napakasuwerte ko kasi sa dinami-dami ng babae sa mundong ibabaw ay ako ang napili mong isakay rito sa kotse mo?"

He laughed. "Sarcastic ba 'yan, Mary Claire de los Santos?"

"Sabi ko sa'yo hindi ko kayang makipagplastikan, eh. Kita mo, nahalata mo kaagad."

"Lakas mong mang-alaska...but, tell me more about your brother. Ilang taon nga ba itinanda n'ya sa'yo?"

"Four."

"Ahh...I see..."

"Mas matanda ka sa kanya."

"Pero mas guwapo naman ako d'un."

"Ay, ilalaban ko kahit saang hukuman 'yung gandang-lalaki ng kapatid ko."

"Mas guwapo s'ya sa akin?"

"Oo naman, ano. Siyempre kapatid ko 'yun, eh."

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now