CH 12: The Patron Saints of Liars and Fakes

18.1K 1.6K 360
                                    

Siguro kung hindi lang ako pagod ay pinatulan ko na s'ya – binara ko, kinula ko, at sinabon ko pa. But I was just so darn tired that all I could think of was that cozy-looking bed inside that cozy-looking bedroom.

"Nakatulog ka na ba at parang hindi ka na umiimik d'yan?" Barry asked.

Medyo..." I yawned, not bothering to cover my mouth with my hand.

"Antok na antok ka na nga. Sige na, maligo ka na. Maliligo ka ba?"

"Mandidiri ka ba sa akin kapag sinabi kong hindi na?"

He laughed. "Hindi naman."

"Mandidiri kasi ako sa sarili ko kapag hindi ako naligo dahil hello, ginawa kaya akong walis ng sahig n'ung ex mo."

"Sorry, Claire..."

"Okay lang. Pa-birthday ko sa'yo 'yun, ha, hanggang next year na 'yun."

He laughed again. "Ano, maliligo ka ba o hindi?"

"Maliligo nga. Pahihiramin mo ba ako ng tuwalya?"

"Oo. Teka lang."

He rose to his feet and headed to his bedroom. Pagbalik n'ya ay may dala-dala na s'yang tuwalya, kumot at bedsheets.

"Ito ang tuwalya, maligo ka na. Ako na ang maglalagay nitong kumot at sapin sa kama sa kuwarto mo."

"Aw, shucks..."

"Bakit?"

"Wala nga pala akong sabon..." I groaned. "Nakalimutan kong bumili ng sabon."

"Meron sa loob ng banyo. May shampoo na rin doon at conditioner."

"Bakit parang prepared?"I asked pushing  to my feet. "Are you expecting a visitor?"

"No. But just in case magdesisyon akong magdala ng bisita, at least, hindi nakakahiya dahil may gagamitin na s'ya. Sige na, maligo ka na."

"Toothbrush?"

"Hihiramin mo 'yung sa akin?" He grinned.

"Alam mo bang kapag inaantok ako ay bigla na lang akong nananampal?"

"Tapang naman n'yan. May mga disposable toothbrushes sa drawer sa ilalim ng lababo. Hindi 'yun branded, ha, pambisita lang talaga 'yun and good for one usage."

"Okay. Thanks."

I took the towel he had draped over his shoulder and then proceeded to the bathroom.

Hindi ako sanay sa lalaking malinis sa bahay kasi 'yung Kuya ko ay sobrang burara sa gamit. Kaya naman napaisip ako bigla kung lalaki ba si Barry. Napakalinis n'ya kasi - not a single hair on the floor, no water marks on the mirror, and even the liquid soap, shampoo, and conditioner canisters were arranged neatly.

Baka naman ano 'to...at ginagamit n'ya lang akong front? Pero, sabagay, okay lang, ano, kahit anong sexual preference n'ya, hindi naman ako judgmental, I thought to myself turning the shower on.

"My God, ang sarap ng tubig..." I sighed contentedly.

I realized that I should be grateful towards Barry. Kung gusto n'ya akong gamitin na pansalag d'un sa kabaliwan ng ex n'ya ay okay na okay lang, gagawin ko ang lahat para magampanan 'yun nang maayos.

Pero, ang bait naman n'ya. He readily helped a stranger like me. Kailangan mo s'yang ibili ng regalo, Claire...

I would have taken a longer shower had I not been so tired. Medyo natuwa kasi ako na kahit katamtaman lang ang laki ng banyo ni Barry ay hindi ako naliligo na may katabing iba't ibang palanggana at balde tulad doon sa bahay ng kapatid ko.

Love For Sale Book 1 (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon