CH 15: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends

16.4K 1.3K 157
                                    

Aamin naman ako, hindi ako mabait na tao. Hindi rin naman ako salbahe. Pero, hindi rin ako 'yung tipong kapag kinanti mo ay hindi na lang kikibo. Hindi ko mabilang noon kung ilang beses na akong ipinatawag sa Principal's Office, at lalong hindi ko na rin mabilang kung ilang beses nang may sumugod sa akin na yaya o kaya ay magulang ng mga kaklase at schoolmates ko. Hindi kasi talaga ako nagpapatalo.

At salamat na lang talaga sa Diyos na hindi ako mabait kasi paano na lang kung anak na nga ako sa labas, naranasan ko na ngang gumapang sa hirap, at 'eto ako patuloy pa ring naghihirap, 'tapos ay naaapi pa ako ng kung sinu-sino?

"Uy..." siniko ko si Barry kasi napansin ko kung gaano s'ya katahimik.

"O?" gulat na tanong n'ya sa akin. "Bakit?"

Naglalakad kami galing parking lot papunta d'un sa videoke restobar na ipina-reserve n'ya. At sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na may mga bars at videoke venues pala na bukas tuwing umaga, sa pagkakaalam ko kasi gabi ginagawa ng inuman.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa walang imik."

"Okay lang," he replied smiling. "Baka pagod lang."

"Baka? Hindi ka sure?"

Tumawa s'ya. "Nasaan na nga pala si Owen at Mirasol?"

"Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ba't tumakbo na sila pababa ng kotse mo pagdating na pagdating natin kasi naiihi si Mirasol?"

"Ahh...oo nga pala..."

"Barry?"

"O?"

"What's wrong?"

"Bakit, concerned ka?"

"Malamang. Tatanungin ba naman kita kung hindi?"

"Dapat na ba akong ma-touched?"

"Are you worried that Leah and her friends will be here?"

"I'm not but I'm a little pissed that she and her friends invited themselves to my birthday party."

I laughed. "I actually expected her to be here. Diyos ko naman, 'yung ex mo pa ba? Sa tingin mo ay hindi n'un i-ga-grab ang opportunity para maging echosera?"

Barry chuckled.

"Kaya kung 'yun ang inaalala mo, h'wag mo nang alalahanin. Sabi nga nila, you need to live with the smell of the shit you've touched."

"Parang ngayon ko lang narinig 'yang quote na 'yan."

"Natural, ngayon mo lang ako nakilala, eh," I replied flippantly.

He burst out laughing.

"Benta ko talaga sa'yo."

"Bentang-benta ka nga sa akin, eh. Bilhin na kaya kita?"

"I'm not for sale."

"I know. Ang dali sana ng buhay ko kung nabibili ka."

"Huh?"

"Wala. How about you, are you okay?"

"Yes, I am," I reassured him. "H'wag mo akong alalahanin, I can take care of myself."

"And I just hate how independent you are."

"Gusto mo ng mga babaeng clingy?"

"Magiging clingy ka ba sa akin kung sasabihin kong oo?"

"So, gusto mo ako?"

"Gusto mo bang magustuhan kita?"

"Hindi pa ba?" I asked.

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now