CH 10: Alone Together

18.4K 1.6K 138
                                    

My brother has always been the weaker one – sickly, always pampered, the undisputed favorite child. Not that I minded. Dalawa lang naman kasi kami so there was a lot of attention and love from Mom to go around. Kuya wasn't bratty, unlike me na bata pa lang nakakakitaan na ng kamalditahan. Kaya lang n'ung nagkagulo-gulo ang pamilya namin, s'ya ang naligaw ng landas.

Natatandaan ko pa 'yung mga gabi na umuuwi s'yang lasing. 'Yung mga pagkakataong umiiyak si Mommy dahil ilang araw nang hindi umuuwi si Kuya at hindi namin s'ya mahagilap. 'Yung mga panahong nalulong ang kapatid ko sa sugal, inom, barkada, babae at droga.

"Are you okay?" Barry's voice interrupted my thoughts.

"Ha? Oo naman..."

"Kanina ka pa kasi tahimik, akala ko natutulog ka, pero bigla kang nagbuntong-hininga."

"Marami lang akong iniisip."

"Do you want to share your thoughts?"

"Bakit pala nasa labas ka ng bahay?"

"Kasi nahulog itong wallet mo kaya hinabol kita para ibalik sa'yo." He handed me a familiar black wallet. "Tinatawag kita pero dire-diretso kang pumasok d'un sa apartment n'yo."

"I see. Salamat. But, how long have you been standing outside our gate?"

He heaved a sigh. "Long enough."

"Narinig mo lahat?"

"Most of it. Sorry, Claire."

"Bakit ka nag-so-sorry?"

"Kasi mukhang nahihiya ka sa mga narinig ko. I know I should have left when I heard you guys quarreling and I intended to pero alam ko rin naman kasing kailangan mo 'yung pitaka mo kaya papasok sana ako para iabot sa'yo."

"Hindi ako nahihiya. Hindi naman ako masyadong mahiyain. Oo, kabit ang nanay ko, duwag 'yung kapatid, at kampon ng kadiliman 'yung asawa ng Kuya ko."

"Claire..."

"Ang Mommy ko nagmahal ng asawa ng iba. And at first, I couldn't accept it. Ikinahiya ko noon na pangalawang pamilya lang kami, pero anong magagawa ko, hindi ko naman pwedeng iwan 'yung Mommy ko dahil lang nagkamali s'ya?"

"Wala kang kinalaman sa kasalanan ng Mommy mo and people shouldn't judge you for her mistakes."

"Matagal na 'yun, Barry. Ngayon, tanggap ko na. Mahal na mahal ko ang pamilya ko kaya nakikiusap ako sa'yo tulad ng pakiusap na ginawa mo sa akin kanina, kapag dumating ang panahong magalit ka sa akin, please don't use what you heard about my family against me..."

"I won't...I promise..."

"Okay."

"I know you're a strong woman. And I also know that even strong women get tired. So, tell me, are you really okay?"

"I do not have a choice but to be okay. Masakit ang dibdib ko kasi iniwan ko ang kapatid ko at ang pamangkin ko. Pero, hindi ko na kayang pakitunguhan 'yung babaeng literal na kampon ng dilim kaya mas mabuti pang umalis na lang ako d'un."

"I am sure your brother and nephew will be fine."

"Sana..."

"Kasama n'yo ba sa bahay ang Mommy mo?"

"Hindi. Nasa Cavite si Mommy. Sa Dasma."

"So, every day-off mo ay umuuwi kang Dasma?"

"Hindi. Matagal na akong hindi umuuwi d'un, pero, parati kong kausap sa telepono ang Mommy ko. Tumatawag ako kahit three minutes lang, madali kasi 'yung malungkot, eh. Teka nga, bakit pakiramdam ko ay in-i-interview mo ako? Anong meron?"

Love For Sale Book 1 (Self-published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum