CH 29: Caffeine Cold

17.3K 1.1K 276
                                    

For a moment I said nothing. Mahirap naman kasing magsalita. Mahirap ding magtanong kung ano ang ibig n'yang sabihin.

Pero, mahirap ding magtanga-tangahan na kunyari ay hindi ko naintindihan 'yung sinabi n'ya.

"Hm..."

"O bakit?" he asked.

"Ibig sabihin this woman you fell in love at first sight with, this woman na sabi mo ay s'ya na..."

"Yes...?"

"Nagkikita kayo?"

"Oo," he replied with certainty.

Somehow that reply made my insides melt. And not in a good way. "Wait, Barry, nalilito ako."

"Anong nakakalito?"

"Itong babaeng ito ay nakikita mo, nakakausap mo...?"

"Yes," he said.

And I just snapped. "Then what the fuck are you doing flirting with me?" I queried my anger illogically surging. "Meron ka palang babaeng mahal, eh. Nakikita mo, nakakausap mo, at malaki ang posibilidad na maging kayo. Anong ginagawa mo at bakit nand'un ako sa bahay mo?!" I added my tone getting angrier with each word.

"Teka lang, Claire—"

"Anong teka lang?! Bakit ako ang ginagamit mo para pagselosin si Leah?! Bakit hindi na lang 'yung babaeng 'yun para hindi na ako nadamay pa?!"

"Whoa...calm down."

"How dare you? Gagawin mo pa akong third party? Ginawa mo na nga akong third party d'yan sa istorya ninyo ni Leah 'tapos pati dito sa babaeng gusto mo, 'yung babaeng sabi mo ay s'ya na ay balak mo pa akong gawing kabit? Tarantado ka ba?"

"No, wala akong balak gawin kang third part—"

"God, stop talking! You must really think that I'm easy!"

"Claire, kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na easy ka—"

"Then what the hell, Barry?!"

I was so upset and I wasn't even sure why. Matagal na akong walang tiwala sa mga lalaki and to hear Barry lovingly describe this woman—his woman—the one he said he could see his future with— after he blatantly flirted with me made me blow up.

Tangnang lalaking 'to! Balak n'ya yata talagang gawin akong kabit! Balak n'yang gawin sa akin 'yung ginawa ng Daddy ko sa Mommy ko!

"I think you misunderstood—"

"You wish I did, you fucking douchebag! I am not some spare tire that you can keep just in case this relationship with the woman you're pursuing does not come to fruition! Ang kapal mo!"

"Teka nga, itatabi ko lang 'yung sasakyan, ha, kasi mukhang mainit 'yang ulo mo at medyo kabado na ako sa'yo—"

"Nasa EDSA tayo, paanong itatabi mo?!"

"May shoulder po, 'ayun o," he said slowing the car down before completely stopping.

"Just drive! O bababa na ako at mag-ta-taxi na lang ako—"

"Mag-usap tayo," he coolly said.

He unsnapped his seat belt and then turned in his seat to look at me. "May gusto ka bang itanong sa akin?"

I ignored him.

"Claire, look at me. May gusto ka bang itanong?"

I suddenly felt embarrassed.

Shit, Claire, what's with the outburst? Boyfriend mo ba 'yan? Bakit g na g ka d'yan? Ano naman ang pake mo kung may babae s'yang gusto? Hindi ba wala kang gusto sa lalaking ito? Magiging kabit ka lang naman kung papayag ka. Shit, okay ka lang ba?!

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now