CH 34: Eternal Summer

22K 1.1K 204
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko pinto ng floor namin ay alam ko na kaagad na may problema kasi bigla silang tumahimik.

I could feel their gazes on me burning holes through my clothes.

Hm...

Sanay naman na ako sa tsismis. Ilang bagyo na ba ang dinaanan ko at lahat ng 'yun ay may kasamang tsismis tungkol sa akin? Ilang balita at facts kuno na ba ang ipinakalat ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang siraan ako? Hindi na bago sa akin 'yun.

Okay, this is high school all over again...

"Mars, anong oras in mo?" tanong kaagad sa akin ni Mirasol pagkaupong-pagkaupo ko.

"Mamaya pa, in thirty minutes pa. Bakit?"

"Ako in fifteen minutes na lang. Tara, labas tayo saglit. Si Owen nagbanyo lang, hinihintay ka talaga namin."

"Ano na naman ba?"

"Mamaya, sa labas..." pabulong ang pagkakasabi ni Mirasol bago s'ya tumayo.

Tumayo rin ako at sinundan s'ya palabas.

"O, papuntang Male C.R. ito, nagbago na ba tayo ng kasarian?" I jokingly said.

"Abangan natin si Owen sa labas. Alam mo naman 'yun, nagbabanyo para mang-sight ng mga lalaking daks."

"Hoy, anong meron?" I asked my friend because it was obvious to me that she was anxious.

Mirasol did not reply and instead knocked loudly on the Men's C.R.'s door. "Vakla! Nandito na si Claire, bilisan mo!"

"OMG, wait! Jumi-jebs pa ako!" narinig kong sagot ni Owen galing sa loob.

I arched my brow at Mirasol. "Mars, h'wag ka nang pa-suspense d'yan at baka ma-jebs din ako sa pa-mysterious effect mo. Anong meron?"

"Nag-petition daw si OM Leah na paalisin ka ng kumpanya," Mirasol said.

"Diyos ko, akala ko naman kung ano. 'Yun lang?" I asked.

My friend stared in disbelief at me. "Okay ka lang? Anong 'yun lang? Pinapaalis ka n'ya sa kumpanya."

"Anong nakakagulat d'un?"

Ang totoo ay hindi naman talaga ako nagulat. Mas magugulat pa siguro ako kung biglang bumait si Leah sa akin at magpetisyon s'yang i-promote ako at gawing TL. Ex s'ya ni Barry at may namamagitan sa amin ni Barry kaya malamang galit s'ya sa akin.

Ay, wow, umaamin kang may namamagitan sa inyo? I quietly asked myself.

Before yesterday, I would have denied any kind of involvement with Barry, but, it's difficult to maintain that stance considering that he had already seen me naked. In fact he did more than look at me unclothed...

"Hoy, babaita, alam mo ba ang ibig sabihin n'un o sabog ka lang d'yan kaya ka chill? Aba naman, pwede kang mawalan ng trabaho at alam nating dalawa na kailangang-kailangan mo ng trabaho. Kaya ka nga OT nang OT, 'di ba, dahil tulad ko ay hindi ka naman nakahiga sa pera."

"At kaya nga ako nagtatrabaho nang maayos dahil hindi ako nakahiga sa pera. Ngayon, kung bigla akong pumetiks, nag-release ng call, o nagnakaw ng information ng kliyente, aba, pwede n'ya akong paalisin pero hindi enough grounds 'yung naiinis s'ya sa akin kaya gusto n'yang itakwil ako ng kumpanyang ito," I said.

"Sabagay tama ka pero h'wag mong kalilimutang hibang na hibang kay OM 'yung ex n'ya at ang babaeng hibang ay kayang gumawa ng kung anu-ano kasama na d'yan ang paalisin ang babaeng kinahuhumalingan ng ex n'ya sa kumpanya. Pwedeng-pwede ka n'yang gawan ng kasalanan kasi naman may mga kaibigan s'ya sa QA, sa Timekeeping, pati sa HR, Vaks!"

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now