CH 7: This Ain't a Scene, It's an Arms Race

18.4K 1.5K 64
                                    

"Hoy, bakit lungkot-lungkutan ka d'yan? Anong meron?" tanong ni Mirasol habang nag-aabang kami ng masasakyan. Pasado alas seis ng umaga at sa dami ng mga taong nag-aabang ng dyip ay parang gusto kong mag-taxi na lang para makauwi na kaagad.

"Langya, Mars, lungkot na pala ang tawag sa antok ngayon?" sagot ko naman bago naghikab. "Buti pa si Owen, day-off n'ya. Na-mi-miss ko na mag-day-off."

"OT ka kasi nang OT. Ano ba, baka naman gusto mong magpahinga? H'wag mo namang sobrahan 'yang sipag mo, ano, at baka magkasakit ka pa."

"Sabi nga nila trabaho lang nang trabaho hanggang kaya."

"Sinong nagsabi n'yan at sasabunutan ko? Ano bang pinag-iipunan mo at mukhang desidido kang maging Overtimer of the Year?"

Tumawa ako nang malakas. "Pucha naman, Mars, 'yang Overtimer of the Year."

"Lahat ng gustong magpasalo ng shift, kinukuha mo. Okay ka lang ba, Mars? Baka naman may binubuhay kang lalaki d'yan, ha, kaya kayod-kalabaw ka. Naku, Mars, ako na mismo ang magsasabi sa'yong hindi worth it magpakaalipin para sa isang lalaki."

"Hugot kung hugot. Based on experience ba 'yan, Mars?" pabiro kong tanong.

"Oo, Mars, hango ang advise na 'yun sa totoong buhay. Dami ko nang pinagdaanan, ano. Maraming beses na akong naloko, nagpakatanga, at nagpakaalila alang-alang sa pag-ibig. Kaya, ikaw, makinig ka sa akin kahit hindi naman ako mukhang kasing-talino mo."

"Anong pinagsasabi mong hindi ka kasing-talino? Vakla, masyado pang maaga para sa Maalaala Mo Kaya."

"Hindi naman ako nakapagtapos katulad ninyo ni Owen, ano. Second year college lang kaya ako."

"Anong kinalaman ng pagtatapos sa pagiging matalino? H'wag ka ngang ano d'yan. Epekto ba 'yan ng desisyon mong h'wag nang balikan 'yung nambubugbog sa'yo? Ano nga bang pangalan n'un?"

"Rey."

"Oo, 'yung, Rey. Gan'un ka ba kahinayang d'un? Ano ba 'yan, lahat na lang ng dumadaang jeep punuan. Aamagin yata ganda natin dito."

"Pasukan na, eh, kaya marami nang estudyante. Vakla, hindi ko pinanghihinayangan si Rey. At walang halong eklavu 'yung payo ko sa'yo. Alam ko namang mataray ka lang pero wala kang muwang pagdating sa relasyon."

"Grabe, hindi naman ako gan'un ka-inosente."

"Akala mo lang 'yun. Inosente ka kaya sa maraming bagay. 'Yung sa inyo ni OM pa lang, eh."

"Susmaryusep, Mars, ang tagal na n'un. Lampas isang buwan na kaming hindi nagkakausap n'un, panis na 'yang issue na 'yan."

"Oo nga, pero kitang-kita ko how you were affected, Mars. Hindi mo alam laruin. Kasi ikaw 'yung tipo ng babaeng sobrang transparent."

"Ano naman ang ibig mong sabihin ng sobrang transparent?"

"'Yung hindi mo natatago ang nararamdaman mo - 'yung halatang yamot ka kapag nayayamot ka. Sana sinakyan mo 'yun, nagamit mo sana sa advantage mo."

"Okay na 'yun, Mars. 'Tsaka anong advantage ba ang sinasabi mo d'yan? Hindi advantageous para sa akin na natitsismis ako. Okay na ako sa ganito katahimik na buhay, ano. Ang gusto ko lang ay magtrabaho nang maayos."

"Hindi ka ba nagseselos na na-li-link si OM kung kani-kanino?"

"My goodness, wala akong pake sa kanya."

"Asus..."

"Totoo. Naku, Mars, ayoko nang balikan 'yung nakaraang buwan, sumakit ulo ko d'un."

"Sabagay, kung anu-ano nga ang lumabas na balita n'un tungkol sa'yo kesyo nakita raw kayo ni OM na naglalaplapan sa C.R. 'tapos meron pang isang matindi, may nakakita raw sa inyong nag-si-sex sa opisina n'ya na ikinaloka ko nang todo, Vakla, kasi magkasama tayo nina Owen n'ung nangyari kuno 'yun. Ano 'yun, foursome?"

Love For Sale Book 1 (Self-published)Where stories live. Discover now