Chapter 1

330 19 14
                                    

"Hey, Jan what's up?" bungad sa akin ni Mar nang salubungin ko siya sa hallway ng building. Umakbay siya sa akin. "Kumusta? Matagal din tayong 'di nagkita, ah?" aniya. Unang araw kasi ng pasukan para sa school year na ito at tunay ngang matagal din na hindi kami nagkita.

"Nothing change, ikaw? You look like...diamond, shining, shimmering, splendid," ani ko saka ngumiti.

Sumeryoso siya na tila 'di natawa. "Kanta 'yon, eh?" aniya saka lumabi. "How did you say that I'm look like a diamond?"

Sinuri ko ang kabuuan ng mukha niya. "Mukha kasing napakaaliwalas ng mukha mo, eh. Fresh na fresh," sabi ko na siya namang tunay.

"Ganoon? Uhm! Hindi naman kaya masyado ka lang nagagwapuhan sa akin? Hmm!" Nakatingin lang siya sa mga mata ko, saka kumindat.

Mabilis akong umiwas nang tingin sa kaniya. "I-ikaw gwapo? Mangarap ka, oy!" pambabara ko sa kaniya habang bahagya lang na sumulyap sa kaniya.

"Bakit hindi ba? Tingnan mo kayang maigi ang mukha ko, lamang lang ng isang ligo sa akin si James Reid, eh," mayabang niyang sabi.

Napahagalpak ako nang tawa sa narinig ko. "James Reid? Hoy, gising! Masyado ka na namang nag-iilusyon diyan."

"No, I'm not, Jan."

"Mar, don't be so assuming, nakakamatay," ani ko.

Tumikwas ang nguso niya habang tila nanggigigil na nakatingin sa akin. "Hindi mo lang kasi maamin, eh," sabi niya. Mabilis niyang kinulong ang leeg ko sa mga bisig niya at tinulak iyon pababa. Napayuko ako dahil sa ginawa niya. 'Tapos, pinagsusundot pa niya ang tagiliran ko daan para mapatawa ako. Ganoon din siya. "Admit it, Jan."

Umayos ako nang tayo habang tumatawa dahil sa ginawa niya. Inayos ko rin ang nagusot kong uniform. "Mangarap ka, Mar. You're not handsome, admit it," balik ko sa kaniya.

"Talaga ba, Jan? Eh, ano 'yong mga palihim mong pagtitig sa akin? Aminin mo na, gwapo ako," natatawa niyang sabi. Hinimas pa niya ang baba para ipakitang gwapo siya.

Nanlaki ang mga mata ko, saka natawa. "Ikaw tinititigan ko? Hoy, Mar wake up. Matagal ko ng inamin na hindi gwapo 'yong bestfriend ko," sabi ko.

Natigilan siya, 'tas masama ang mga matang tumitig sa akin. Pero natatawa pa rin siya. Ganito naman kasi kami palagi ni Mar, eh. Hindi lumilipas ang araw na hindi kami nag-aasaran.

"Ikaw huh? 'Pag nahuli talaga kita, Jan ihanda mo 'yang sarili mo. Lagot ka sa akin," hamon niya.

Binelatan ko lang siya. "Bakit ano'ng gagawin mo sa akin? Well, I'm already prepared," paghahamon ko rin sa kaniya.

"Aba't lumalaban ka na, huh?" natatawa niyang sabi. Humanda siya para tumakbo pero bago pa niya iyon nagawa, nakatakbo na ako palayo sa kaniya.

Nagsimula na namang mapuno ng ligaya ang puso ko. Walang humpay. At si Mar lang ang nagbibigay niyon sa akin bukod kanino man. Normal bang maramdamam ng isang lalaki ang walang hanggang ligaya sa piling ng kapwa lalaki? Normal bang kiligin sa tuwing nararamdaman kong mahalaga ako sa kaniya? Normal bang umibig sa kapwa ko lalaki at kaibigan ko pa? Hindi ko alam pero kusa ko na lang naramdaman ang mga iyon, lumitaw at hindi ko na napigilan.

"Huli ka!"

Naramdaman ko na lang ang paghapit ni Mar sa baywang ko. Naabutan niya ako nang marating ko ang plaza, marami tao roon dahil hindi pa naman time. Nagsimula na naman siyang kilitin ako na nagpalakas ng tawa ko.

"M-Mar, t-ta-tama na. " Halos hindi ko masabi ang mga iyon dahil sa tawa.

"Akala mo huh? Don't underestimate me, Jan dahil kahit gaano ka pa kabilis, maabutan pa rin kita." Huminto na siya sa pagkiliti sa akin.

Biglang tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang magtama ang mga mata namin. Nakaharap na ako sa kaniya, magkadikit ang mga katawan namin habang hapit niya ang baywang ko. Malapit na ang mukha namin sa isa't isa.

Biglang may kung anong gumagalaw-galaw sa tiyan ko na nagdala ng walang humpay na kaba sa akin. Halos wala na rin akong marinig bukod sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. Pabilis nang pabilis. Gusto kong hindi na matapos ang tagpong iyon.

"Sana ikaw na lang, Mar," biglang lumitaw sa bibig ko na hindi ko inasahan at huli na para bawiin ko.

"S-sorry, Jan h-hindi ko sinasadya." Bigla siyang lumayo sa akin habang hindi makatingin sa mga mata ko. Alam kong narinig niya ang sinabi ko at alam kong bigla siyang nakaramdam ng awkwardness a pagitan naming dalawa. "See you around, Mar," aniya. Umalis na siya nang walang lingon-lingon. Naiwan akong tulala, hindi pa rin makahuma sa nangyari.

Sa kabila nang nangyari nang nagdaang araw, 'laking pasasalamat ko na hindi ko naramdamang may nagbago. Kung ano si Mar sa akin noon, ganoon pa rin siya sa akin kahit alam kong sa parte ko, may kaunting nagbago dahil alam kong mayroon ng ideya si Mar sa nararamdaman ko sa kaniya.

Tunay ngang mahirap mahulog sa kaibigan mo. Sa matalik mong kaibigan. Maraming what ifs. Maraming takot. Pero mas mahirap ang mahulog sa kapwa mo lalaki. Mas maraming takot. Mas maraming what ifs.

Hindi naman bago kay Mar ang tunay kong kasarian dahil una pa lang alam na niya kung ano at sino ako. Kaya nga naging malapit kami sa isa't isa kasi tinanggap niya ako ng buo. Hindi rin siya nahiyang makisama sa akin sa loob man o labas ng school. Kahit na tinutukso siya, hindi pa rin niya ako iniiwan. Tinutukso pa nga kami na baka raw may relasyon na kami at hindi lang namin sinasabi.

"Huwag na lang natin silang pansinin," iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ha? Dagat ba 'yan?"

Napapitlag na lang ako nang maramdaman ang kamay ni Mar na humawak sa balikat ko. Umupo siya sa tabi.

"Hindi, ilog lang," sabi ko, seryoso lang ang mukha.

"Ganoon ba? Tell me what is it, Jan," aniya.

"Bakit hindi ka nahihiyang kasama ako?" seryoso kong tanong sa kaniya.

Bahagya siyang nag-isip at lumabi. "Why should I ashame?" balik na tanong niya.

"Dahil bakla ang kaibigan mo."

"Then, what's the matter, Jan? Friendship isn't about gender, it's about true relations, being with each other no matter what and being brothers to each other," mahabang paliwanag niya na nagpa-touch sa akin.

Umiwas ako nang tingin sa kaniya. Kahit na ganoon si Mar, sa tuwing nakakarinig ako ng mga salita patungkol sa amin, nasasaktan ako. "Pero napapahiya ka dahil sa akin, Mar. Nawawalan sila ng galang sa 'yo dahil nakikipagkaibigan ka sa akin," malungkot kong sabi.

"I don't care, Jan. Hindi ba't sabi ko sa 'yo hayaan na lang natin sila. Huwag na lang natin silang pansinin."

"As if it is easy as that, Mar. Mahirap," sabi ko.

Bahagya siyang natahimik. "Ano'ng gusto mong sabihin, Jan? Why you suddenly being unreasonable?"

Ako naman ang natahimik. Hindi ko rin kasi alam kung bakit bigla na lang akong naging ganito. Pakiramdam ko kasi habang tumatagal lalo ko lang siyang dinadala sa kahihiyan. At lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. Sinusubukan kong pigilan pero 'di ko kaya. "I don't know, Mar," pagtatapat ko.

"May problema ba tayo?" kunot ang noong tanong niya.

"W-wala, Mar. I'm sorry kung masyado akong naging unreasonable," paghingi ko ng tawad.

Bumuntong-hininga siya. "I'm happy when I'm with your company, Jan at wala akong pakialam sa mga tao sa paligid natin. That's our society nowadays, hilig nilang mangialam ng buhay ng iba." Ngumiti siya ng bahagya. Inilagay niya ang mga palad sa ulo ko at ginulo ang aking buhok. "Masyado madrama, eh. Tara na nga, male-late na tayo sa next subject, eh," aniya. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang braso ko at itinayo ako sa pagkakaupo. Marahan niya akong hinila.

Bakit ganito ka, Mar? Bakit masyado kang mabait sa akin? Bakit pakiramdam ko sobrang mahalaga ako sa 'yo? Bakit parang umaasa ako?

Our Own Kind Of Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon