Chapter 6

49 9 0
                                    

"Sorry talaga, Ken sa nangyari kahapon," paghingi ko ng paumanhin sa kaniya nang makita ko siyang nakaupo sa bench sa plaza.

Lumingon siya sa akin. "Wala 'yon, Jan," pakli niya.

Umupo ako sa tabi niya. Sinuri ko ang kaniyang mukha at nakita ko ang maliit na sugat sa labi niya. "Hala, nagamot mo na ba 'yang sugat sa labi mo?" nag-aalala kong tanong.

Saglit siyang ngumiti. "It's a small wound, Jan you don't need to worry," kaswal niyang tugon.

"Pero dahil sa akin kung bakit ka nagkasugat, Ken. Kasalanan ko," malungkot kong sabi.

Seryoso ang mukha niya. "Hindi mo kasalanan, Jan. Kung hindi ko naman sinabihan ng ganoon si Mar baka hindi kami nag-away."

Yumuko ako dahil kahit ano'ng sabihin niya, nararamdaman ko pa rin ang guilt. Kasalanan ko pa rin 'yon.

"Ikaw, kumusta?" tanong ni Ken. Kumunot ang noo niya dahil sa sinag ng araw.

Nag-angat ako nang tingin. "Hindi ba sabi mo, hindi makakatulong kong magsisinungalin ako sa nararamdaman ko? Hindi ako okay, Ken. Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin," pagtatapat ko.

"Naiintindihan kita, Jan. Alam kong may higit na nararamdaman sa 'yo si Mar bukod sa bilang kaibigan. Alam kong mahalaga ka sa kaniya. Nagseselos siya pero hindi niya maamin 'yon. Pero kung ano'ng alam mong makakabuti, doon ka lang palagi."

"Bakit parang biglang nag-iba ka, Ken?" tanong ko. Hindi siya ang Ken na masayahin, ibang-iba siya ngayon.

"Nag-iba?" nagtataka niyang tanong.

"Nakikita ko ang lungkot sa 'yong mga mata. Parang hindi ka okay," komento ko.

"Kailan ka pa naging manghuhula?" natatawa niyang sabi pero hindi ko maramdamang tunay iyon.

"Seryoso ako, Ken may problema ka ba? Hindi ba't sabi mo hindi makakatulong ang pagtatago sa tunay na nararamdaman."

"Minsan hindi talaga nakakatulong, pero minsan mas mabuting itago na lang natin ang ating nararamdaman, lalo na't alam nating may maaapektuhan," seryoso niyang saad.

Kumunot ang noo ko. "Ang gulo mo, eh, ano ng dapat kong sundin sa mga sinabi mo?" sabi ko.

"Magkaiba naman tayo, Jan, eh."

"Paanong magkaiba?"

"Basta."

Tinitigan ko lang siya. "Hmm! Hindi kaya tungkol 'yan doon sa babaeng nakaagaw ng atensyon mo?" panghuhula ko. Kumibit-balikat lang siya. "Alam mo may mga bagay na kahit ano'ng pilit nating gawin para makuha, hindi natin magawa-gawa. Alam mo kung bakit? May dalawang pagpipilian, una baka hindi pa oras para makuha mo siya at pangalawa, baka hindi talaga kayo ang para sa isa't isa," paliwanag ko.

"Ano'ng dapat kong paniwalaan sa dalawa?"

"Ahm! God plan," pakli ko. "Dahil walang hihigit sa plano ng Diyos para sa atin, Ken."

"Sige, I'll take your advice," aniya.

Matapos naming mag-usap, sabay na kamimg pumasok sa classroom. Nakita ko pa roon si Mar na salubong ang kilay na nakatingin sa amin ni Ken, hindi ko na lang siya pinansin.

Tahimik lang ako habang nagbubuklat ng aklat na kinuha ko sa bookshelf. May assignment kasi ako kaya pumunta ako sa library para gumawa roon, isa pa iilan lang ang mga tao roon kaya naman tahimik.

"Busy?"

Mabilis akong nag-angat nang tingin sa nagsalita kasabay nang paghuhurumentado ng puso ko. Napatulala pa ako ng bahagya kay Mar na nakaupo sa tapat ko.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now