Chapter 14

41 4 0
                                    

Pasado alas-siyete ng gabi nang makarating kami ni Mar sa Bar na sinabi ni Malia sa text nito. Maaga pa nga lang ay dumating na si Mar sa bahay para sunduin ako.

Sinubukan ko ring contact-kin si Ken para ayain at para na rin ipakilala kay Malia kaya lang hindi ko ito makontak at hindi rin nagre-reply sa text ko. Masyado na akong nag-aaalala at nagtataka sa kinikilos nito.

Bakas sa mukha ko na hindi ko gusto ang lugar na 'yon dahil alam ko kung anong madaratnan ko sa loob at hindi ako sanay sa ganoong lugar.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at ngumiti. "Alam kong hindi mo gusto ang ganitong lugar, Jan pero hayaan mo munang mag-enjoy 'yang sarili mo. We are here to enjoy," mahinahon niyang sabi.

Huminga ako ng malalim, saka tumango lang sa kaniya para ipakitang okay na sa akin na pumasok sa loob. Isa pa, wala na rin naman akong magagawa. Hindi niya binitawan ang kamay ko sa pagpasok namin sa loob ng maingay na silid.

Nanliit ang mata ko kasabay ang pagsimangot ng mukha ko ng sumalubong sa akin ang malakas na tugtog. Maraming tao, maiingay at may usok pang lumilipad sa ere. Napatakip pa ako sa aking ilong para 'di ko 'yon malanghap.

"I can't take it longer, Mar," pasigaw kong sabi sa kaniya habang patungo kami sa bahaging gilid ng silid.

"Gusto mo bang lumipat tayo? I would tell to Malia," balik niya sa pasigaw ding boses.

"Hey, I'm here."

Kapwa kami napalingon ni Mar kay Malia na mag-isang nakaupo sa bakanteng table na malapit sa amin. Mabilis kong binitawan ang kamay ni Mar bago ko siya tiningnan. "Hindi na, dito na lang tayo," sagot ko sa kaninang tanong niya.

Umupo kami sa couch doon, magkatabi kami ni Mar habang kaharap namin si Malia na mukhang nag-e-enjoy na agad dahil sumasabay sa musika ang galaw ng katawan nito.

"Akala ko hindi niyo ako sisiputin. Magtatampo na sana agad ako," wika ni Malia, saka tumawag ng Waiter. Um-order ito ng beer at pulutan. Bumaling muli ito sa amin. "You guys aren't minor, right?"

"We are," balik ni Mar.

Lumingon ako sa paligid at hindi inintindi ang pag-uusap ng dalawa. Ngayon pa lang alam ko na na hindi ako mag-e-enjoy sa lugar na 'to. This is not my type of place to unwind. Mas gugustuhin ko pang pumunta sa library or museum.

Napalingon lang ako kay Mar nang hawakan niya ang kamay ko. Sinaway ko siya sa pamamagitan ng tingin ko pero 'di siya nagpatinag.

"Attach yourself in this place and let yourself enjoy."

Bumaling ako sa seryosong si Malia. "You know me, Malia I'm not the kind of person who like this kind of place," paliwanag ko.

"Ano ka ba, don't be so KJ, Cous. Sometimes you need to explore anything, do something you didn't do before. Go out to your comfort zone," tila payong winika nito.

Bahagya akong bumuntong-hininga. "I have nothing to do now kung 'di ang ibagay ang sarili ko sa lugar na 'to," suko ko. Wala na rin naman akong magagawa, nandito na kami, eh.

"Good," nakangiting sabi ni Malia. "Ika nga nila, every first time in your life, is unforgettable, so make it fun," dagdag pa nito.

"Uh-uh," tatango-tango kong balik.

"Saka minsan lang 'to, Jan. Sabihin na lang din nating welcome hang out para sa pinsan mong si Malia," sabi naman ni Mar.

"Mar is right. It's been a decade since we last saw each other kaya deserve ko naman atang makasama ka sa ganitong lugar. You know how I miss you, Cous," pagsang-ayon ni Malia.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now