Chapter 5

77 9 1
                                    

"Jan, bakit namumugto 'yang mga mata mo?"

Yumuko ako nang marinig ko ang boses ni Ken. Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin lang sa akin.

"Wala 'to, hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi," pagdadahilan ko kahit ang totoo'y bumuhos ng luha sa aking kwarto nang nagdaang gabi.

"Aw! Ganoon ba? Okay ka lang ba?" Nakapa ko ang pag-alala niya sa boses na iyon.

"Yeah, I'm good dahil wala naman akong choice kung 'di maging okay." Mapait akong ngumiti.

"How ironic is that, Jan? I know you're not okay why don't you just admit it? Ganoon ba kahirap sabihing hindi ka okay?" aniya na tila nanenermon.

Saglit akong lumingon sa kaniya suot ang malungkot na imahe. "Dahil kailangan kong maging okay, Ken. Kailangan kong maging okay," sabi ko.

"And do you think makakatulong 'yan sa nararamdaman mo? Saying that you're okay but the truth is you're not, it won't help anymore. Kinukulong mo lang 'yong sarili mo at hindi hinahayaang ilabas 'yong tunay mong nararamdaman. Mas mahihirapan ka, Jan," mahaba niyang litanya.

Nawalan ako ng mga salitang maaring sabihin. Hindi nga ba nakakatulong ang pagkulong ko sa aking sarili? Hindi ko na kasi alam dahil naguguluhan ako. Naiipit ako sa nararamdaman ko at sa pinapakita sa akin ni Mar. Masyado ng magulo ang utak ko.

"I don't know, Ken dahil naguguluhan ako. Marami akong tanong na hindi ko masagot."

"I do understand, Jan pero let your feelings out. Huwag mong pigilan dahil iyon ang higit na makakatulong sa 'yo," kunot-noo niyang sabi.

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Ken. Naguguluhan ako sa iniisip ko at sa pinapakita sa 'kin ni Mar. Mahal ko siya pero alam kong hanggang best friend lang kami. Natatakot ako na baka...na baka isang araw mawala na lang 'yong friendship na binuo namin nang mahabang panahon. Natatakot akong mawala siya dahil sa nahulog ako sa kaniya na dapat kaibigan ko lang." Nabasag na ang boses ko. Naramdamam ko ang paghagod ni Ken sa aking likod. "Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil lalo lang niyang pinakomplikado ang lahat."

"Tama ako, mahal na mahal mo nga si Mar." Narinig ko pa ang mahina niyang pagsinghap. Hindi ko mawari pero parang may sakit sa boses niya. "Falling in love with your best friend was not your fault, Jan. Hindi mo 'yon kasalanan dahil kung talagang may value sa kaniya 'yong friendship ninyo, he won't never throw it, na kahit mahal mo siya, he always cherish those moments that you've shared together," aniya. "Sige lang, Jan let yourself burst out. Umiyak ka lang hanggat hindi gumagaan ang pakiramdam mo. I have my shoulder that you can lean on." Hinawakan niya ang ulo ko at isinandal iyon sa parteng dibdib niya.

Umiyak lang ako nang umiyak habang hinahangod ni Ken ang likod ko. Marahil tama siya, hindi nakakatulong ang pagkulong sa mga emosyon dahil lalo lamang iyong magiging dahilan para bumigat ang aking damdamin.

"Salamat, Ken," pasasalamat ko sa kaniya matapos kong umiyak sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano ako makakapaglabas ng emosyon kung wala siya.

"Syanga pala, Ken kumusta 'yong sinasabi mong nakaagaw ng atensyon mo?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa plaza. Uminom ako sa soft drinks na binili ni Ken para sa akin.

Bumaling siya sa gawi ko. "Ah! 'Yon? Ayon, mukhang hindi na siya masaya doon sa lalaking nakaagaw sa atensyon niya. She's broken and always crying but I can't do anything to make her happy dahil kahit ano'ng gawin ko, mukhang 'di ko siya mapapasaya," malungkot niyang sabi.

Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaniya. "Staying with her is the best you can do, Ken. Iparamdam mo sa kaniya na nasa tabi ka lang niya. Did you try to confess?" Naku-curious lang ako sa kung sino ang babaeng 'yon na kapareho ko ang nararamdaman. I'm broken.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now