Chapter 11

37 5 0
                                    

Umaasa pa rin akong tuluyan nang magbabati si Mar at Ken dahil ako ang nahihirapan kung paano ko hahatiin ang panig ko sa tuwing nagkakainitan sila. Mga binata na pero mukhang isip bata pa rin kung umasta.

Ngumiti ako nang makita ko si Ken mula sa conference room ng school, bahagya pa siyang nagulat ng makita ako.

"J-jan, ang aga mo atang pumasok," salubong niya sa akin, tila nababahala.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Eh, maagap naman ako pumapasok noon pa man, eh," nagtataka kong tanong.

"I mean, look there's no one here except you and me. Masyado kang maaga," paliwanag niya.

Lumingon ako sa paligid at tama siya kami pa lang ang naroon. Maaga ba ako masyado, hindi ko alam.

"Eh, ikaw bakit ang agap mo rin pumasok?" balik ko.

"Trip ko lang, bawal ba?" Sabay ngumiti siya.

"Ewan sa 'yo, Ken."

"Hindi mo ba kasabay si Mar?" tanong niya habang naglalakad kami sa hallway patungo sa classroom namin.

"Naku, hindi mo maaasahan ang lalaking 'yon na pumasok ng maaga." Inis kong sabi.

"Ganoon, eh, 'di mayroon pala akong time para masolo ka," pagbibiro niya.

Taas ang kilay na humarap ako sa kaniya. "Bakit kailangan mo akong masolo?"

"W-wala," sabi na lang niya, saka umiwas sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nauna siyang pumasok sa classroom at nang pumihit ako papasok, nahagip ng magat ko si Jame mula sa conference room. Nagtaka ako dahil doon din nanggaling si Ken nang makita ko siya kanina.

"Ken, 'di ba galing conference room?" agad kong tanong sa kaniya nang makapasok ako sa classroom, ako at siya pala ang naroon.

Bigla tila lumisya ang mga mata niya sa akin at hindi agad nakasagot.

"Nakita ko kasi si Jame galing din doon, did you guys saw each other?"

"A-ah, yes we did." Alangan siyang ngumiti. "Saktong pagpasok ko kasi roon nandoon siya kasama 'yong mga kaibigan niya," paliwanag niya.

Tumango-tango na lang ako at hindi nagtanong pa. Ngumuso pa ako bago umupo sa aking upuan.

Saktong upo ko naman nang lumapit si Ken sa akin, hila-hila niya ang sariling bangko para sa tabi ko umupo.

"Jan, date–I mean labas tayo this weekend," aya niya habang nakangiti sa akin na tila ba nang-aakit na pumayag ako sa gusto niya.

"Labas tayo?" Tinuro ko pa siya at ako. Tumango siya bilang sagot. "Bakit bigla ka atang nag-aya?"

"Bawal ka bang ayain? Treat ko naman, eh and besides I want to spend more time with you, Jan," aniya.

Hindi ko alam pero bakit tila may ibang ibig sabihin ang mga tinuran niyang iyon.

"We did spent time here in school, Ken," sabi ko. "Pero pag-iisipan ko 'yang alok mo."

"No need to think, Jan we'll go."

Ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang boses ni Mar. Kapwa kami napalingon ni Ken sa kaniya.

"Kanina ka pa riyan?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Yes, inaaya ka nga nitong si Ken sa date, eh, 'di ba, Ken?" Binalingan pa niya si Ken sa makahulugang mga mata.

"He was just asking me to go out this weekend, it is not a date, Mar," depensa ko agad. Siguradong mag-aaway na naman kami ni Mar sakaling 'di niya maintindihan ang sinabi ni Ken.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now