Epilogue

87 4 0
                                    

"congratulations batch 2020!"

Kasunod ng pagbating 'yon ang palakpakan at sigawan naming mga estudyante dahil sa aabante na kami sa bagong yugto ng buhay namin. This is the time we can say, we are paid for what we do. Hindi pa man ito ang huling yugto, masaya kami na nakaabante at nagbunga ang effort naming makapagtapos ng Senior High School sa kabila ng pressure at stress ng pag-aaral.

Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa puso ko. Ang daming nangyari pero nandito pa rin ako at nakapagtapos na.

Hindi na magkamayaw ang mga estudyante na lumapit sa kanilang mga mahal sa buhay at magpasalamat sa pamamagitan ng kanilang mga yakap at halik.

"Congratulations, baby."

Ngumuso ako matapos guluhin ni Mar ang buhok ko. "Eh, hindi mo ba alam na ang tagal ko inayos 'tong buhok ko?" kunyaring nagtatampo kong sabi.

Ngumiti si Mar. Kinuha niya ang hawak kong toga at isinuot iyon sa akin. "Ayan, okay na," aniya. Inakbayan niya ako habang nakatingin sa mga mata ko. "You did a great job, Jan. Congratulations!"

Ngumiti ako. Niyakap ko siya at bahagyang tumingala. "You're a part of it, Mar. Dahilan ka kung bakit nandito ako. Thank you and congratulations. You did a very good job," balik ko.

Saglit siyang napatingala at napapikit. "Jan, stop acting cute in front of me, please baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita," aniya na halatang nagpipigil.

Natawa ako at napayuko ng saglit. "I'm just indeed cute, Mar," mayabang kong sabi.

"PDA?"

Sabay kaming napalingon at nakita namin si Malia at sa tabi nito si Ken na kapwa malalawak ang ngiti.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Mar at hinarap ang dalawa. "We're in a relationship, Malia," dahilan ko at natawa.

Umakbay naman sa akin si Mar. "Yeah! Na-miss lang namin ang isa't isa," aniya.

"Uh-uh! Sige na, sige na, kayo na ang sweet," natatawang pagsuko ni Malia. "Kayo na ang in a relationship," dagdag pa niya.

"Gusto mo mag-status din tayo ng in a relationship?" bigla sabat ni Ken na ikinagulat naming tatlo dahil ba tila seryoso ito sa sinabi.

Nagkatinginan kami ni Mar at napangiti. "Oy, simula na ba 'to ng bagong relationship?" simula ko sa kanila.

"Baliw ka ba, Ken? Basta-basta ka na lang nagsasalita riyan, eh," nahihiyang sabi ni Malia kay Ken na tila ba may lihim na namamagitan sa kanila.

"Speak it out if you feel something for her," sabi naman ni Mar kay Ken.

Tila nahiya naman si Ken at napakamot pa sa noo. "Do I need to speak it out?" tila 'di siguradong aniya.

"Of course you need bago ka pa maunahan ng iba," natatawang sagot ni Mar.

"Ken, stop," saway ni Malia. Napangiti ako nang mapansin ang namumula na niya pisngi na malamang dahil sa hiya.

Hindi na umimik si Ken maging si Mar. Tila kasi naiinis na si Malia sa takbo ng usapan.

"Let's talk, Ken," ani pa Malia bago hilahin palayo sa amin si Ken.

Nakangiting nagkatinginan kami ni Mar. "Do you think Malia and Ken will be together?" seryoso kong tanong.

Kumibit-balikat si Mar. "Maybe yes, maybe no. Tayo nga nagkatuluyan, 'di ba? Hindi rin posible na baka sila magkatuluyan din," sagot niya.

Niyakap ko siya habang nasa gilid niya ako. "Eh, tayo? Do you think we'll last forever?"

Ngumuso siya at tila nag-isip. "I don't really know pero...I will do everything para manatili tayo habang-buhay." Pagkasabi niyon, hinalikan niya ako sa noon na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko at nagdala ng samu't saring ligaya't saya.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now