Chapter 8

39 8 0
                                    

Mabilis akong tumakbo patungo sa classroom, nagbabakasakaling nandoon si Mar. Matapos kong pag-isipan ang mga sinabi ni Ken, napag-isipan kong tama siya. Kailangan kong sumugal dahil lahat naman ng bagay sa mundo, hindi sigurado. Kailangan ko ring magbakasakali. Panghawakan 'yong mga 'baka'.

Halos habol ko ang aking paghinga nang makarating ako sa building na kinaroroonan ng classroom namin. Hingal kong nilandas ang hallway palapit doon. Halos wala nang mga tao roon dahil lunch time na.

Kinakabahan ako na lalong nagpapa-excite sa akin. Tila may nagliliparan sa sikmura ko na nagpapahurumentado sa tibok ng dibdib ko. Sa tingin ko ito na ang tamang oras para harapin ko ang takot at isugal ang nararamdaman ko.

Huminga ako nang malalim nang marating ko ang pintuan ng classroom. Bahagya iyong nakasara. Hindi ako siguradong nandoon si Mar pero nararamdaman ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang pinto at binuksan iyon.

Nanlumo ako sa aking nakita. Tinakasan ako ng excitement. Nawala ang lakas ng loob ko. Tinakasan ako ng lakas. Pakiramdam ko babagsak ako sa nakikita ko. Tila ba ginugusumot ang dibdib ko dahil sa sakit.

Napaawang ang bibig ko at hindi ko maialis ang mga mata ko kay Mar at sa babaeng kahalikan niya. Hindi ko alam ang iisipin ko basta ang alam ko, galit ako, nagseselos. Nasasaktan.

"Jame, ano ba? Are you out of your mind?" narinig kong sabi ni Mar matapos nilang maghiwalay sa isa't isa.

"No I'm not. I love you, Mar."

Akmang hahalik uli ang babae nang lumayo si Mar. Napadako ang mga mata niya sa gawi ko na labis na ikinagulat niya. Napaawang ang bibig niya at hindi alam ang gagawin.

"Jan?"

Matalim ko lang siyang tinitigan bago ako tumalikod at naglakad palayo. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ngayon pa kung kailan handa na akong sumugal?

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang mga kamay na pumigil sa braso ko. "Jan, wait I will explain. Mali ang nakita mo."

Hinarap ko siya. Kusang huminto ang luha sa mga mata ko. "Wala kang dapat i-explain, Mar. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Sino ba naman ako, 'di ba? I'm just your best friend. Just your fucking best friend. Masaktan man ako, wala kang responsibilidad dahil kaibigan mo lang ako. Umiyak man ako, wala kang kasalanan dahil kaibigan mo lang ako." Pakiramdam ko sa bawat pagbanggit ko sa mga katagang iyon, hinihiwa ang puso ko.

"I don't care if you're just my fucking best friend, Jan. I will explain because i wanted to," balik niya na halos napataas na ang boses. "Hindi ko siya hinalikan. She was just suddenly kissed me. Hindi ko alam. Hindi ko 'yon ginusto. She confessed but I rejected her. Hindi ko siya mahal. Hindi ko gusto 'yong halik niya Jan. Alam mo kung kaninong halik lang ang gusto kong maramdaman? 'Yong sa 'yo lang Jan. 'Yong mga halik mo lang," biglang kalmado niyang sabi. Hinawakan pa niya ang pisngi ko at hinimas iyon.

"Pero hindi iyon ang nakikita ko, Mar. Mukha ngang sayang-saya ka sa halik ng babaeng 'yon. Kita ko kung paano ka lumaban sa bawat halik ng babaeng 'yon," inis kong sabi.

"No. Hindi 'yon ganoon, Jan. Nagpumiglas ako. Sinubukan kong kumawala dahil ayaw kong magkasala sa 'yo. Dahil mga labi mo lang ang gusto kong madampian ng mga labi ko, Jan. Walang iba." Inilapit niya ang mukha sa mukha ko. "Maniwala ka, Jan hindi ko gusto ang nangyari," pagsusumamo niya.

Natahimik ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sensiridad na palagi kong nakikita sa tuwing sinasabi niyang gusto niyang subukan. Sa tuwing tumititig ang mga mata niya sa akin.

Wala na akong inaksayang panahon, mabilis akong gumalaw at sa isang iglap magkalapat na ang mga labi naming dalawa. Pumikit ako, saka ko naramdaman ang paggalaw ng mga labi ni Mar. Ang masuyo niyang mga kamay na humahaplos sa pisngi ko. Ang malambot niyang labi na nagbibigay ng masarap na sensasyon na gusto kong maramdaman ng paulit-ulit. Gusto kong huwag nang matapos ang tagpong iyon. Ang sarap sa puso. Ang saya at walang hanggang ligaya ang bumabalot sa akin.

Our Own Kind Of Story [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن