Chapter 7

50 6 0
                                    

Pakiramdam ko mas lalong lumalayo ang pagitan namin ni Mar sa paglipas ng mga araw at mas lalo akong nahihirapan sa set up naming dalawa. Kahit na gusto ko siyang lapitan at ayusin ang lahat sa amin, hindi ko magawa dahil pakiramdam ko baka ayaw niya akong makita dahil sa nakikita ko masaya na siya sa piling ng iba kahit na wala ako.

"I miss you so much, Jan."

Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang maramdamang may matigas na katawang yumakap sa akin mula sa likod at hindi ako pwedeng magkamali kung sino 'yon. Kahit nakapikit ako kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, isama pa ang perfume na siya lang ang alam kong gumagamit.

"Mar ano ba? Baka may makakita sa atin, bumitaw ka nga," saway ko sa kaniya kahit na alam kong nasa dulong bahagi kami ng library.

Pakiramdam ko niyakap ako ng samu't saring emosyon na ang nangingibabaw ay saya at kiliti sa puso ko. Kung sana lang na huwag na lang matapos ang sandaling iyon.

"I won't let you go, Jan. Please let me hug you like this," pagsusumamo niya sa akin.

Hindi na ako gumalaw at hinayaan siya dahil ang totoo naman ay gusto ko rin ang ginagawa niya. Gusto kong maramdaman 'yong presensiya niya na parang isang taon ko nang 'di nararamdaman.

"Bakit ba nandito ka, Mar? Nagre-review ako," dahilan ko. "Bakit 'di 'yong kalandian mo ang yakapin mo," mahina ko pang dagdag na may halong inis.

"Bakit kailangang may dahilan ako para lapitan ka, Jan? Kailan ko ba lagi ng dahilan para makasama ka? Hindi ba pwedeng dahil gusto kitang makasama. Yakapin. Pakiramdam ko kasi sobrang layo mo na sa akin, Jan. Hindi na kita maramdaman. Sobrang layo na natin sa isa't isa at natatakot akong baka tuluyan ka nang lumayo sa akin," malungkot na sabi ni Mar na lalo pa akong niyakap.

Hindi agad ako nakaimik. Natahimik ako habang pinagmamasdan ang hawak kong libro. Isinarado ko 'yon at humarap sa kaniya. "Alam mo ang dahilan kung bakit ganito na tayo ngayon, Mar. Masyado nang maraming nangyari sa atin at mahirap nang ibalik pa 'yong dating tayo." Bumuntong-hininga ako. "At alam kong kasalanan ko lahat, Mar. Sa akin lang naman nagsimula 'to, eh. Simula no'ng ma-in love ako sa 'yo, everything changed nang 'di natin inaasahan. Namalayan ko na lang na malayo na ako sa 'yo dahil inilayo ko ang sarili ko sa 'yo sa takot na baka masaktan ako. Na baka lalo lang masira ang lahat sa atin."

"Kung hindi natin kayang ibalik, gumawa tayo ng bago, Jan." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kaniya. "Hindi mo 'to kasalanan, Jan dahil kahit minsan hindi ko inisip 'yon. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong sobrang saya ko nang malaman kong mahal mo ako? I really don't know why but that was I felt."

Hindi ako nakaimik. Wala akong makapang sasabihin sa mga narinig ko. Mahirap paniwalaan pero base sa nababasa ko sa mga mata ni Mar, gusto kong maniwala. Gusto kong lumundag sa tuwa dahil sa nalaman ko.

"Hindi natin kailangang bumalik sa dati, Jan dahil pwede naman tayong magsimula uli. 'Yong tayo lang dalawa. 'Yong mas higit sa dati. 'Yong hindi kaibigan lang."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Halos magwala na ang mga lamang loob ko dahil sa galak. Halos tumalon na rin ang dibdib ko sa tuwang dulot ng mga sinabi ni Mar. Gusto niya nang higit sa kaibigan? Wala akong ibang makita kung 'di pagkaseryoso sa kaniyang mukha. Pero bakit natatakot ako? Bakit pakiramdam ko baka hindi mag-work.

"Sigurado ka na ba sa pagkakataong ito, Mar?" seryoso kong tanong. Ayaw ko nang subok lang dahil wala 'yong kasiguraduhan.

Bigla siyang natahimik. Hindi nakaimik. Umiwas pa siya nang tingin sa akin na biglang nagpabago ng nararamdaman ko. Nawala ang saya at napalitan ng pagkadismaya. "Kung hindi ka sigurado, huwag na lang Mar. Huwag mo na lang subukan."

Nang akmang tatalikod na ako hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis. "Bakit ba ayaw mo? Heto na nga ako, handang sumubok. Gusto kong subukan. Malinawan. At alam kong magiging malinaw lang ang lahat sa akin kapag sinubukan ko, natin," balik niya. "Ano bang ayaw mo roon, Jan?"

Ngumisi ako. "Anong ayaw ko? Everything, Mar. Lahat. Ayaw kong subukan. Ayaw ko nang subok lang dahil ibig sabihin lang niyon, try lang at walang kasiguraduhan kung pagkatapos noon magwo-work. O baka maiwan lang akong wasak. Kung para sa 'yo madali lang subukan, sa akin hindi Mar. Mahirap sumubok lalo na't alam kong hindi naman ako siguradong magiging masaya ako sa huli. Natatakot akong masaktan, Mar. Natatakot ako. Kaya huwag mo akong aalukin kung para sa 'yo, try lang. Alukin mo ako kapag sigurado ka na. Kapag sigurado na 'yang nararamdaman mo."

Alam kong pagdating sa pag-ibig dapat business minded din dapat ako. Na kailangan kong i-take 'yong risk kung gusto kong maging masaya. Na kailangan ko ring sumugal kung gusto kong maging tunay na masaya. Pero bakit hindi ko magawa? Nangunguna 'yong takot na baka kapag sumugal ako mawasak lang ako. Baka sa huli'y maiwan akong durog. Mag-isa. At baka tuluyan nang maglaho 'yong pinagsamahan namin ni Mar at ayaw ko noon. Ayaw kong maglaho 'yong malalim na pinagsamahan naming dalawa.

"I know you're not okay. Tell me what was happened, I'm willing to listen."

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench na naroon sa plaza. Humarap ako kay Ken na kararating lang. Nangungunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Nag-aalala.

Bumuntong-hininga ako habang pinaglalaruan ang sarili kong mga daliri. "Sa pag-ibig ba dapat palaging sumugal? Pasukin 'yong 'di ka naman sigurado?" seryoso kong tanong sa kaniya.

Saglit na hindi umimik si Ken. "Alam mo, Jan palagi naman tayong 'di sigurado, eh. Kahit na alam nating mahal tayo ng isang tao, hindi pa rin tayo sigurado na hindi niya tayo masasaktan. Kahit na pareho kayo ng nararamdaman hindi pa rin 'yon sigurado na magtatagal kayo. Na kayo hanggang sa huli. Ang sigurado lang tayo, 'yong nararamdaman natin pero hindi ang mga mangyayari kaya lahat ng pumapasok sa isang relasyon, sumusugal. Nagbabakasakaling papanigan sila ng tadhana. Pinanghahawakan 'yong mga salitang, mahal natin 'yong isa't isa. Hindi sigurado pero kailangang sumugal," mahabang litanya niya. Ngumiti pa siya na hindi ko alam kung bakit may pait.

"Sumugal ka na ba sa pag-ibig, Ken? Nasubukan mo na ba 'yong hindi sigurado?"

Kumibit-balikat siya. "Sumusugal ako ngayon. Sumusugal ako sa napakaliit na tyansa. Na baka 'yong pananatili ko sa tabi niya sa tuwing malungkot siya at kailangan niya ng kausap, makita niya. Nagbabakasakali akong baka makita niya rin na karapat-dapat akong bigyan ng pagkakataon para makapasok sa puso niya."

Ramdam ko ang malalim na hugot ni Ken na hindi ko alam kung saan niya kinukuha iyon. Nararamdaman ko 'yong lungkot niya. Bumaling ako sa kaniya, malamlam ang mga mata. "Huwag kang mag-alala, Ken dahil kahit sino kapag nakita 'yong ginagawa mo siguradong makikita niya 'yong halaga mo. Na karapat-dapat kang mahalin. You're a good guy, Ken and everyone will see that. At ako, nakikita ko 'yon. You deserve more than anything else you asking for," sabi ko at hinagod pa ang balikat niya.

"Sana nga ganoon din ang tingin niya. Pero mukhang malabo 'yon, Jan dahil kahit ano'ng gawin ko, I'm just a friend na palaging nandiyan sa tuwing kailangan. Mahirap mapansin lalo na't nasa iba na 'yong atensyon niya," pahabol pa niya.

"Don't lose hope, Ken for sure darating din ang oras na makikita niya ang halaga mo more than a friend. Kung mahal mo siya, fight for your love pero kung alam mong sobra ka ng nasasaktan at wala na talagang pag-asa, you should stop dahil may mga bagay na kahit gustuhin natin, much better na i-let go na lang dahil alam nating kahit kailan hindi sila mapapasa'tin," seryoso kong sabi.

"Ganoon? I will take your advice, Jan." Ngumiti pa siya kahit malungkot iyon.

Napakabait at napakabuting lalaki ni Ken at wala akong makitang dahilan para i-reject siya ng isang babae. Nasa kaniya na ang halos lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae o kahit ng isang baklang kagaya ko. Kung wala ngang laman 'yong puso ko, baka nahulog na ako sa kaniya, eh.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now