Chapter 17

34 2 0
                                    

"'Nak, hindi ka pa ba tapos magbihis? Kanina ka pang hinihintay ni Malia dito," sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Pumikit ako saglit, saka bumuga ng hangin. "I'm almost done, 'Ma," balik kong sigaw kahit ang totoo, nakaupo pa ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang maroon suit na susuotin ko para sa gabing ito.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, excited ba ako o kinakabahan. Hindi ko alam.

Makalipas ang ilang minuto, bumuntong-hininga ako at tumayo na sa pagkakaupo. Madilim na rin sa labas at baka ma-late pa kami sa Ball.

Kinuha ko ang maroon suit na nakalatag sa kama at nagsimulang magbihis. Nakakahiya naman kay Malia na mas excited pa sa akin, eh hindi pa naman siya kasali sa Ball.

Nang matapos akong magbihis, dahan-dahan akong humarap sa human size mirror sa silid ko. Tumambad sa akin ang repleksiyon ng sarili ko. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa magandang suit na suot ko at masasabi kong bagay iyon sa akin. Sukat na sukat iyon at 'di man lang makitaan ng kahit isang gusot. Well, si Mar kasi ang pumili ng suit na ito. Pinadala nga lang niya ito kanina.

Ngumiti ako sa harap ng salamin. Mas gwapo pala ako sa ganoong ngiti kaysa sa seryoso kong mukha. Pinasadahan ko uli ang suit dahil tila ang sarap niyon sa mga mata.

Matapos kong pagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin, lumabas na ako ng silid at tumungo sa sala. Medyo nadismaya ako ng 'di ko makita roon si Mar.

"OMG! You're absolutely handsome with a maroon suit, Jan," agad na puri ni Malia habang nakatingin sa akin, bahagyang nanlaki ang mga mata.

Natawa ako sa naging reaction niya. "Handsome ka riyan," ani ko sa tonong 'di sang-ayon sa sinabi niya. "You're too prepared, Malia," balik ko naman sa kaniya.

Nakasuot siya ng red long dress with some pearls on it. Nagre-reflect pa sa ilaw ang mga 'yon. Medyo labas din ang mapuputi niyang balikat at ang medyo malalim niyang cleavage.

"Of course I am," pag-amin niya, saka tumayo sa pagkakaupo. Nagulat ako dahil ang suot niyang dress may hiwa sa parteng gilid daan para makita ang maputi at makinis niyang hita kapag naglalakad.

"Wow!" natatawa ko na lang na reaction.

"Oh? 'Di pa ba kayo aalis?" tanong ni Mama na kagagaling lang sa kusina.

"Aalis na rin po kami, Tita. Tita, hindi niyo naman po sinabi na may gwapo pala kayong anak," natatawang baling ni Malia kay Mama.

"Gwapo ka rin naman, eh."

Muntik ko nang 'di mapigilan ang pagbugalwak ng malakas kong tawa dahil sa sinabi ni Mama lalo na ng makita ko ang reaction ni Malia. Simangot na simangot siya habang nakanguso. Napapadyak pa sa sahig.

"Tita naman, eh! Look at me, Tita I'm not handsome anymore I'm gorgeous, " complain ni Malia.

Natawa si Mama habang tinitingnan si Malia. "Okay, maganda ka na," pagpayag ni Mama.

Lumiwanag naman ang mukha ni Malia at niyakap si Mama.

"Sige na, umalis na kayo at baka pagsarhan na kayo ng gate," pagtataboy ni Mama.

"Sige po 'Ma, aalis na po kami," paalam ko.

"Enjoy."

Niyakap ko si Mama at hinalikan bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

"Hindi ba tayo susunduin ng boyfriend mo? I'm too lazy too drive," ani Malia ng makalabas kami ng bahay.

Biglang sumimangot ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni Malia. Hinihintay ko magpakita sa akin si Mar kanina pang umaga pero ni anino niya hindi ko man lang nakita. Hindi rin siya nagte-text o tumawag sa akin. Pati pagdala ng suit na suot ko iba pa pinagdala niya.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now