Chapter 10

46 6 0
                                    

"Ken, please para sa akin na lang," pagmamakaawa ko sa kaniya. Ayaw kasi niyang makipag-ayos kay Mar na para bang ikamamatay niya 'yon kung gagawin niya. "Pareho ko kayong kaibigan at ayaw kong palagi na lang mamagitan sa inyo sa tuwing nag-aaway kayo," dagdag ko pa.

Inalis ni Ken ang tingin sa akin at binaling ang atensyon sa kalawakan ng plaza. Pumamulsa pa siya at nangunot ang noo.

Saglit siyang nanahimik. "It's up to him, Jan," pakli niya. "Kung sa akin lang, makikipag-ayos ako kung 'yon ang gusto mo. Isa pa, ayaw ko ring pahirapan ka sa pamamagitan sa aming dalawa," sa wakas ay sabi niya.

Dahil sa narinig ko mula kay Ken, napangiti ako dahil napanatag na ang loob ko na magiging okay na silang dalawa. Ayaw ko kasing sa tuwing nagkikita sila tila ba nagiging mga tigre na handang sakmalin ang isa't isa.

"Thank you, Ken," masuyo kong sabi. "Alam ko naman kung gaano kalaki 'yang puso mo para umintindi at makipag-ayos. Alam ko kasi kung gaano ka kabuting tao at bulag na lang ang hindi makakita noon." Ngumiti ako sa kaniya pero ewan ko ba kung bakit parang may sakit at lungkot sa mga mata niya.

"You don't really know, Jan baka hindi pala ako ang taong inaakala mo," makahulugan niyang pahayag na nagpakunot sa noo ko.

"Of course you are, Ken. You're kind and softhearted Man I've ever met, Ken at alam kong ikaw 'yon. Hindi ako maaaring magkamali na isa kang mabuting tao," balik ko.

Blangko ang mukhang humarap siya sa akin. "I don't deserve your compliments, Jan but I don't want you to disappoint."

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit sinasabi iyon ni Ken. Hindi ako sanay na ganito siya.

"Ken, believe in yourself. Nandito ako naniniwala sa 'yo," pagpapagaan ko sa loob niya. "Tell me, may problema ka ba?" nag-aalala kong tanong.

Saglit siyang yumuko saka ngumiti na alam kong pilit lang. "Don't worry, Jan I'm okay. Epekto ata 'to ng kapapanood ko ng mga drama," aniya. "Ano, tara kain tayo."

Napatulala na lang ako habang naglalakad si Ken palayo. Alam kong may kakaiba. Hindi siya ang tipo ng taong magdadrama ng wala lang.

"Jan, tatayo ka na lang ba? Treat ko," sigaw niya ng mapansing nakatayo lang ako.

Kahit nagtataka, sumunod ako sa kaniya. Saka ko na siguro tatanungin kung anong problema niya baka hindi pa siya handang sabihin sa akin.

"Kanina ka pa ba rito?"

Naramdaman ko ang mainit na katawan ni Mar na yumakap sa sa akin. Ipinulupot niya ang kaniyang mga braso sa baywang ko saka pinatong ang baba sa balikat ko.

"Ikaw ang hinintay ko, Mar at kahit gaano pa katagal, maghihintay pa rin ako dahil alam kong darating ka," masuyo kong sagot.

Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin mula sa likod ko. "Kailan ka pa natuto ng mga banat na ganiyan, Jan?"

"Simula no'ng minahal kita," agad kong sagot. "You taught me a lot, Mar at ang hindi ko makakalimutang tinuro mo sa akin ay 'yong mahalin ka," masaya ko pang dagdag.

"Fast learner ka kasi, Jan." Bahagaya siyang natawa sa sinabi. Mayamaya'y napabuga siya ng hangin. "Pero alam mo, Jan? Mas marami kang tinuro sa akin at lahat ng 'yon hindi ko makakalimutan. Tinuruan mo ako kung paano maging masaya at kung paano tanggapin kung sino ako," seryosong sagot ni Mar.

Hinaplos ko ang braso niya na nasa baywang ko. "Siguro we destined to taught each other para maging masaya sa isa't isa." Huminto ako ng saglit at matamis na ngumiti. "Salamat sa pagdating sa buhay ko para iparanas sa akin 'yong ganitong saya na akala ko noon imposible kong maramdaman," buong pusong pahayag ko.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now