Chapter 20

31 1 0
                                    

Writer's Note: and you're here! Congratulations and thank you dahil nakarating ka sa huling kabanata ng kwentong ito. Ayon na nga, magwawakas na ang kwentong minahal nating lahat. Maraming nangyari sa kwento, and yet you still continue reading. Salamat sa sumubaybay sa kwento nila Mar at Jan. Saksihan natin ang pagtatapos ng kanilang kwento. It will be sad or happy, let's find out. Enjoy reading!


Mar's POV

Hindi ako mapakali habang sakay ng sasakyan patungo sa hospital. Kung pwede lang paliparin ko na ang kotse, ginawa ko na para lang makarating ng mabilis sa hospital.

"Hintayin mo ako, Jan. I'll be there," bulong ko habang labis na kaba ang bumabagabag sa akin.

Nang malaman ko kung ano'ng nangyari kay, Jan mabilis akong tumalima para puntahan ang sinabing hospital kung saan naka-confine si Jan. Naaksidente raw kasi ito kaya hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakarating roon.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi ng biglang pumula ang stoplight na ibig sabihin ay huminto. "Damn!" inis kong mura kasabay ang pagpalo ko sa manibela.

Pinatong ko ang siko ko sa bintana at kinagat ang likod ng daliri ko para kahit pa paano mabawasan ang takot, kaba at pagkataranta ko.

"Bilis," bulong ko ng paulit-ulit.

Bahagyang lumiwanag ang mukha ko ng mag-green na ang stoplight. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at wala akong pakialam kung may malabag man akong rules sa kalsada ang alam ko, kailangan ko agad makarating ng hospital.

Hindi ako mapakali habang nasa highway. Napupuno na ng pag-aalala at takot ang damdamin ko para kay Jan. Natatakot ako. Paano kung huli na? No! Hindi 'yon mangyayari.

Kahit pa paano nabawasan ang pagkataranta ko nang makita ko na ang hospital na pinagdalhan kay Jan. Ipinarada ko ang sasakyan ko at mabilis na lumabas doon. Tumakbo ako papasok sa hospital at tinungo ang reception area para magtanong.

"Salamat," sabi ko ng sabihin ng receptionist kung saan ang silid na kinaroroonan ni Jan. Nasa second floor pa ito ng hospital.

Bumuga ako ng hangin at mariing napapikit ng hindi bumukas ang elevator. Paulit-ulit ko 'yong pinindot at ng sa wakas bumukas iyon, mabilis akong pumasok at muli 'yong pinindot.

Habang palapit ako ng palapit sa silid ni Jan, mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung anong madadatnan ko. Natatakot ako.

Lumabas ako ng elevator nang bumukas 'yon. Tinakbo ko na ang distansiya ko sa silid ni Jan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makarating ako sa tapat ng pinto. Pinihit ko ang doorknob at mabilis na pumasok sa silid. Ganoon na lang ang pag-aaalalang naramdaman ko ng makita kong nakahiga si Jan sa hospital bed at walang malay. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas at tinakasan ng dugo sa buong katawan.

Lumingon ako sa mga naroon at nakita ko ang Mama ni Jan, si Ken at si Malia. "K-kumusta po siya, Tita?" puno ng pag-aalalang tanong ko sa Mama ni Jan.

Yumuko ng bahagya si Tita Maddie at malungkot na tumingin sa akin. Base sa hitsura nila, hindi simpleng aksidente lang ang nangyari at kung simple lang 'yon sana gising na si Jan ngayon.

"He's got into an accident nang pumunta siya sa bahay ninyo."

Lumingon ako kay Malia na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Napaatras ako dahil sa gulat. Pumunta siya sa bahay at naaksidente?

Bumaling ako sa walang malay na si Jan. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Jan," banggit ko sa pangalan niya.

"Sabi ng doctor, he's already stable at hintayin na lang na magising. Hinihintay pa rin ang resulta ng CT-Scan para makumpirma kung may damage na nabuo sa ulo niya," paliwanag naman ni Ken.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now