Chapter 18

24 3 0
                                    

"'Nak, nandito ang pinsan mo," narinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto ng silid ko.

Nagmulat ako ng mga mata, saka uminat. Hanggang ngayon mahapdi pa rin ang mga mata ko kakaiyak tuwing gabi na kahit anong pigil ko hindi ko magawa. Kailan ba mahihibasan ang mata ko at hihinto sa pagtulo ng luha?

Ilang araw na ba ang nakararaan simula nang gabing 'yon? Isang linggo na rin pero heto pa rin ako at nagmumukmok sa sarili kong silid. Umiiyak. Naghihirap ang kalooban. Natatakot na harapin ang sitwasyon.

Sa tuwing naaalala ko ang gabing 'yon, gusto kong bumalik at baguhin ang pangyayari. Lakas loob na inihayag ni Mar ang pag-ibig niya sa akin sa harap ng maraming tao. Pinakita niya kung gaano siya ka-willing ipagsigawan kung sino ako sa buhay niya. Pero anong ginawa ko? Naduwag ako at hindi siya nagawang ipaglaban.

Walang ganang sumandal ako sa head board ng kama at niyakap ang unan. Hanggang kailan ba ako magiging ganito?

Naputol ang pag-iisip ko ng may kumatok ng napakalakas sa pinto. "Jan, open the door or do you want me to break it? Tita, do you have palakol?" sigaw ni Malia.

"Wait, hahanapin ko," balik naman ni Mama na akala mo'y seryoso.

Pumikit ako ng marahan saka napailing. Nakailang balik na ba si Malia rito sa bahay para kausapin ako? Palitan lang naman sila ni Mar pero walang nagtatagumpay sa kanila para kausapin ako.

"Hanggang kailan ka ba magtatago riyan sa silid mo, huh? Araw-araw akong bumabalik, maawa ka naman," pagmamakaawa niya.

Bumuga ako ng hangin, saka umalis sa kama para pagbuksan si Malia ng pinto.

"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong.

Lumawak ang pagkakangiti ni Malia nang makita ako. Mabilis niya akong nilundag para yakapin ng mahigpit. "Finally, I miss you, Jan."

Hindi ako gumanti. Napakunot pa ang noo ko. "Hindi pa ako naliligo, bumitaw ka nga," saway ko na ginawa naman niya.

"Tita," tawag ni Malia kay Mama na agad namang tumalima. "Tita, look your son, is he your son or not?" tila may pagdududang tanong niya.

"Of course he is." Natawa si Mama.

Nangunot ang noo ni Malia at sinuri ako. "Akala ko kasi Tita ibang Jan ang kaharap ko. Tingnan mo kung gaano ka pumayat, Jan. Kung paano lumalim 'yang mga mata mo at nagkaroon ng malaking eye bug. Mukhang hindi mo na rin naaasikaso 'yang sarili mo," puna niya.

"Medyo tama ka, Malia mukhang medyo hindi siya ang anak ko," pagsang-ayon naman ni Mama.

Sumimangot ako. "'Ma," reklamo ko. "I'm just miserable but still I'm your son," rason ko.

"My son isn't going miserable," balik ni Mama.

"'Ma," reaction ko.

"Tita, hayaan niyo I'll talk to your new son," sabat ni Malia.

"Sige, kausapin mo nga 'yang pinsan mo at ipagluluto ko kayo," ani Mama, saka tumalima na patungo sa kusina.

Sinarado ni Malia ang pinto at iginiya ako sa gilid ng kama. "Salamat naman at pinagbuksan mo ako," tila naiinis na sabi niya.

Hindi ako umimik. Yumuko lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Alam ko na ang maririnig ko mula sa kaniya.

"I understand you, Jan. Alam ko kung gaano kahirap 'to para sa 'yo. I'm worried after that night lalo na nang malaman ko ang nangyari sa inyo ni Ken. Patong-patong na bigat at sakit na pala 'yang nararamadaman mo pero you still here in your room alone," simula niya.

Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Ken na dumadagdag sa sakit at bigat na nararamdaman ko. Simula nang gabing 'yon, ilang beses akong tinext at tinawagan ni Ken. Nag-aalala siya sa akin dahil sa mga nangyari.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now