Chapter 2

105 12 4
                                    

Lumipas pa ang mga araw at lalo lang kaming naging malapit ni Mar sa isa't isa, subalit dumarami rin ang mga taong humuhusga sa aming dalawa. Iniisip nila na baka bakla rin si Mar kaya palagi siyang sumasama sa akin. O baka raw may relasyon na kami. Sa tuwing magkasabay kaming naglalakad sa hallway, pakiramdam ko may kasalanan kaming dalawa.

"We don't owe them an explanation, Jan. Say what they want hindi nila ikakayaman iyon," mahinang sabi niya nang makarating kami sa cafeteria ng school. Marami kasi kaming naririnig sa paligid patungkol sa aming dalawa.

"Hindi ka ba napapagod? I feel that I put you in shame, Mar," malungkot kong sabi.

Nagusot ang mukha niya. "Baklang tooo, why you're so madrama," aniya na tila isang bakla. Tumawa pa siya. Ginulo pa niya ang buhok ko.

Bahagya akong napayuko at natawa. "Nagpa-practice lang sasali kasi ako sa The Voice," balik ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. "Huh?" Kasunod ang pagtawa niya na napakasarap pakinggan. "Wait me here, ako na lang ang bibili ng pagkain natin," presinta niya since alam naman na niya ang paborito kong pagkain.

Matamis na ngiti ang naiwan sa akin habang pinagmamasdan ko siya patungo sa counter. Napakaswerte ko sa kaniya. Napakaswerte ko na nagkaroon ako ng isang kaibigan na kagaya niya. At ayaw kong sayangin iyon.

"Here's your favorite," sambit niya nang makarating sa lamesang inukupa namin. Inilapag niya sa harap ko ang paborito kong spaghetti at Burger.

"Salamat, Mar," sabi ko habang nakangiti.

"You're welcome," aniya. "Syanga pala, this weekend let's go out. I have something to tell you," dagdag pa niya. Saglit siyang nagtaas nang tingin sa akin.

Biglang parang binuhusan ng mainit na tubig ang sikmura ko sa aking narinig. Samu't saring mga ideya ang pumapasok sa isip ko na maaari niyang sabihin sa akin. Kinakabahan ako kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"A-ah, sige," sabi ko na lang.

Katahimikan na ang namagitan sa amin habang kumakain kami. Naukupa ang isip ko ng maaaring mangyari sa weekend. Kinakabahan ako.

Dumating ang araw ng weekend. Maaga pa lang ay nagising na ako dahil sa labis na excitement na nadarama ko. Halos hindi na nga rin ako nakatulog sa kakaisip ng mga posibilidad na mangyayari mamaya. Kinakabahan na ako at hindi mapakali.

Maaga pa lang ay nasa loob na ako ng isang mall, naghihintay sa isang restaurant doon kung saan kami magkikita ni Mar. Nag-text na siya at sinabing on the way na. Masyado na akong na-e-excite at kinakabahan.

Lumipas ang ilang minuto at natanaw ko na si Mar na paparating. Nakangiti agad siya sa akin. Napakagwapo niya sa suot na jeans at white t-shirt.

"Ang aga mo ata, Jan, ah?" salubong niya.

"Hindi naman masyado," pagtanggi ko kahit totoo naman. Umupo siya sa kaharap na bangko.

"Gutom ka na ba? O-order na ako," aniya.

Tumango na lang ako. Tumawag siya nang waiter at um-order na nang pagkain.

"Hmm! Masyado ka atang prepared, Mar? Nagpagwapo ka namang masyado," nakangiti kong komento sa kaniya.

"Talaga? Bagay ba 'yong suot ko?" tila nababahala niyang tanong.

Tumango ako, saka nag-thumb ups pa sa kaniya. "Bagay na bagay," masaya kong sabi.

Bakit pakiramdam ko kahit ako lang naman ang kasama niya, parang hindi pa rin para sa akin ang pag-aayos niya. Tila ba para iyon sa iba.

Mayamaya pa'y napansin ko siyang palinga-linga sa paligid na animo'y may hinahanap. "May hinihintay ka?" tanong ko.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now