Chapter 16

38 5 0
                                    

Kinaumagahan lumabas na nga ng hospital si Malia pero hindi muna ito pumasok dahil bilin ng doctor na kailangan pa nito ng pahinga.

"Handa ka na ba para sa Ball, Mar? Kasi ako excited na ako."

Tumirik ang mga mata ko ng marinig 'yon mula kay Jame. Naiinis ako sa babaeng 'to. Dinaig pa ako sa pagpulupot kay Mar, eh ako 'tong jowa.

"Excited ka Ken?" baling ko sa kaniya na nasa tabi ko.

Pahinga namin ng practice at kasalukuyan kaming nakaupo sa bench kung saan nandito rin si Jame na feeling girlfriend ni Mar.

Kumunot ang noo ni Ken sa tanong ko, nagtataka. Kapagkuwa'y umiling siya. "No, I'm not excited," seryosong sagot niya.

"This is not exciting, isn't?"

Pinigilan ko ang matawa sa naging sagot ni Mar kay Jame, sigurado akong gusumot na ang mukha ni Jame at 'di maipinta sa pagkainis.

"You're not excited to dance with me?" parang batang tanong pa ni Jame.

"Of course...not."

Dahil doon natawa na talaga ako kaya mabilis kong tinakluban ng palad ko ang bibig ko at tahimik na tumawa.

"Bakit ka tumatawa? There's nothing funny anymore," inis na baling ni Jame sa akin.

Sumeryoso ako, pilit pinipigilan ang pagtawa. "Hindi ako tumatawa, Jame don't you see?"

Marahas na tumayo si Jame at inis na nagpapadyak sa semento. Kulang na lang ay sumabog siya sa galit at inis. Mabilis nitong nilisan ang lugar na puno ng ngitngit.

Muli na naman akong tumawa at hindi na 'yon pinigilan pa.

"You're obvious."

Natigil ang pagtawa ko nang magsalita si Ken, seryoso siya.

"Huh? Obvious?" hindi ko maintindihang ulit sa sinabi niya.

"Are you guys ready for the Ball?" seryoso kong tanong kay Mar at Jan habang palabas kami ng campus. Katatapos lang ng practice namin at sa isang araw na ang gaganapin ang Ball kaya puspusan na ang pagpa-practice.

Humarap sa akin si Mar, nakapamulsa siya. "A little bit," kibit-balikat niyang sagot.

"Ikaw Ken?" baling ko naman kay Ken na tahimik pa rin sa 'di ko alam na dahilan.

Hanggang ngayon, 'di pa rin bumabalik 'yong Ken na kilala ko noon. May kakaiba pa rin dito. Naninibago ako dahil tila ang lamig nito sa akin.

Hindi niya ako nilingon. "There's nothing to be excited of," seryoso anito.

Kusang bumakas ang lungkot at pagtataka sa mga mata ko dahil sa malamig na sagot nito sa akin.  Hindi ako nakaimik dahil pakiramdam ko hindi na si Ken natutuwa na kasama at kausap ako.

Nang makalabas kami ng campus, walang paalam na umalis si Ken at sumakay sa itim na kotse. Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Mar, malungkot ang mga mata.

Naramdaman ko ang kamay ni Mar na hinawakan ang mga kamay ko at ngumiti sa akin.

"Alam kong nalulungkot ka," mahinahon niyang sabi.

Pumikit ako saglit habang nakayuko ng bahagya. Tama si Mar, nalulungkot ako. Nalulungkot ako sa malaking pagbabago ni Ken ng biglaan. At hindi ko alam ang dahilan.

"I don't know why he suddenly act like that, Mar. Bigla na lang nagbago si Ken, napakalamig niya sa akin, iniiwasan niya ako, ni hindi siya makatingin sa mga mata ko. Hindi na siya gaya ng dati," pag-amin ko habang naguguluhan.

Our Own Kind Of Story [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum