Chapter 9

29 7 0
                                    

"Mar, anong ginagawa mo rito?" mahina kong tanong sa kaniya nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko sa gitnang bahagi ng library. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos naamoy ko na ang hininga niya.

Inilapit pa niya ang kaniyang bibig sa tainga ko saka nagsalita. "Pag-aaralan pa kita para kahit nakapikit ako, alam kong nasa paligid lang kita."

Nanuot ang mainit niyang hininga sa tainga ko na nagpatayo sa balahibo ko sa aking leeg. Hindi ko na alam kung paano itatago ang kilig kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran habang nakangiti.

"Ewan sa 'yo, Mar napaka-cheesy mo," ani ko kahit deep inside natutunaw na ako.

"Ewan ko nga ba kung bakit pagdating sa 'yo, nagiging corny ako." Inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin, saka iginawad ang mapang-akit niyang kindat.

"Kasalanan ko pa ngayon? Sadya ka namang corny noon pa, eh," balik ko.

"Sino kayang nagturo sa akin ng mga banat na corny noon?" Makahulugan niya akong tiningnan.

Natawa ako, saka saglit na yumuko. "Oo na, ako na," pagsuko ko. Malimit kasi ako noong magbigay ng mga banat kay Mar para sa mga babaeng nililigawan niya at super corny nga ng mga 'yon.

"Oh Mar?"

Ganoon na lang ang gulat ko na halos malaglag na ang puso ko sa sahig dahil sa pagsulpot ni Jame. Mabilis din na lumayo si Mar sa akin.

"J-jame?" ani Mar.

"Akala ko hindi ka pupunta ng library?" nagtatakang tanong ni Jame.

"Ah! Naisip ko na kailangan ko pa lang pumunta rito."

Hindi ako makaimik at makatingin kay Jame. Hindi ko alam kung anong nadatnan niya.

"Oh, nandito ka rin pala Jan?" baling niya sa akin.

Lumingon ako sa kaniya at pilit na ngumiti. "Yes, gagawa kasi ako ng assignment," sagot ko.

"Assignment with Mar?"

Ewan ko pero kinabahan ako at napalingon kay Mar. Bakit parang may alam siya sa relasyon namin?

"No, we've just met here," dahilan ko.

"Oh? Destined to met each other, huh?"

Pilit na lang akong ngumiti dahil sa kakaibang pakikipag-usap ni Jame. "Sige, mauna na ako sa inyo," paalam ko at walang lingon-lingon na lumayo sa lugar na 'yon. Nakahinga rin ako ng maluwag at napasimangot. Wala akong tiwala sa Jame na iyon.

"Mukhang kanina pang hindi maipinta 'yang mukha mo, ah?" puna ni Ken sa akin habang kumakain kami sa cafeteria.

Saglit ko lang siyang tiningnan at muling bumaling sa kinakain ko. "Nakakainis lang kasi 'yong mga taong mahilig manira ng moment," sabi ko na ang tinutukoy ay si Jame.

"Huh?" Napakunot na lang ng noo si Ken.

"Wala, wala," sabi ko.

"Sino ba kasing tinutukoy mong nanira ng moment?"

"Wala nga ka–" Hindi ko naituloy ang sasabihib ko nang mahagip ng mga mata ko ang kapapasok lang na si Mar at Jame na tila kapwa masaya sa bawat isa.

Lalong kumulo ang dugo ko na kaya nang pumaso sa buong pagkatao ng Jame na 'yon. Naiinis ako kay Mar na parang happy-ng happy sa babaeng 'yon. Nakagat ko ang labi ko.

"Hoy, baka mabali 'yang kutsara't tinidor, Jan. Hoy!"

Umiwas ako sa gawi ni Mar nang makita kong tumingin siya sa akin. Mabilis ako sumubo ng pagkain, sunod-sunod dahilan para mapaubo ako.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now