Chapter 19

26 3 0
                                    

Tahimik akong pumasok sa library upang maghanap ng mga libro para sa mga school works na ipapasa ko dahil sa pag-absent ko ng isang linggo. Kailangan kong habulin ang lessons para makasabay at 'di maapektuhan ang grades ko.

Pinili ko ang gilid na bahagi ng library kung saan walang tao. Simula no'ng gabing 'yon, umiwas ako sa mga tao dahil natatakot akong makarinig ng mga salitang masasaktan ako.

Ipinatong ko ang mga gamit ko sa upuan, saka tumungo sa mga bookshelves para maghanap ng libro. Marami-rami rin kasi akong gagawin para makahabol sa lessons.

Isa-isa kong tinitingnan ang mga libro sa bawat hanay ng bookshelf. Medyo mahirap maghanap ng kailangang libro dahil sa dami ng mga naroon.

Napangiti ako ng makita ko ang hinahanap kong libro, nasa bahaging taas iyon ng bookshelf kaya naman hindi ko agad nakita. Itinaas ko ang kamay ko para kunin iyon pero dahil mataas ang bookshelf at pandak ako, bahagya ko lang nahawakan ang libro. Tumingkayad na ako pero 'di ko pa rin abot. Paulit-ulit kong sinubukang abutin pero bigo ako. Sinubukan ko na ring tumalon pero 'di ko talaga makuha ang libro.

Napasimangot ako at muling tumingkayad para abuting pilit ang libro. Nang mahawakan ko ang bahagi nito, mas tumingkayad pa ako pero walang nangyari. Mayamaya pa'y lumitaw ang kamay mula sa kung saan at kinuha ang librong inaabot ko.

"I get it for you."

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali kung kanino 'yon dahil sa bawat minuto, tila naririnig ko 'yon sa isip ko. Nanlamig ang katawan ko sa kaba kasabay ang pagkabog ng dibdib ko higit sa normal.

Ramdam na ramdam ko ang presensiya niya at tila may espasyo sa puso ko na napunan. Nanabik ako sa boses na 'yon.

"You okay?"

Bahagya akong napagalaw nang maramdaman ko ang pagdait ng katawan niya sa likod ko. Parang may kuryenteng dumaloy daan para makaramdam ako ng kiliti at panghihina.

Lalo akong naestatwa ng gumalaw siya at mas nilapit ang katawan sa akin. Halos yakap na niya ako sa posisyon namin. Ramdam ko na ang kabog ng dibdib niya, ang lakas niyon.

"I miss you, Jan," marahan niyang wika sa parteng tainga ko. Pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko sa batok dahil sa mainit na hininga niya na dumanti sa likod ng tainga ko.

Napapikit ako. Utay-utay na ba akong bumibigay at nagiging marupok? Ni hindi na ako makagalaw dahil sa presensiya niya at sa katawan niyang nakadait sa akin.

Kahit na itanggi ko sa sarili ko, hindi ko pa rin maloloku ang damdamin ko kung gaano ko na-miss ang lahat kay Mar. Ang sarap lang ulit maramdaman ng presensiya niya na matagal ko ring 'di naramdaman.

Marahas akong pumikit at lumunok ng laway para kalmahin ang damdamin kong naghuhurumentado sa loob ko. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa patungan ng mga libro, saka pumihit paharap sa kaniya. Natigilan ako at naestatwa nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin. Ramdam ko na nga ang mabango niyang hininga.

Nakapatong ang mga palad niya sa parteng taas ng bookshelf habang nayuko at direktang nakatingin sa mga mata ko. Kita ko kung paano siya nanabik sa akin at ang pait at sakit pero nananatili ang pagmamahal sa kaniyang mga mata.

"I miss your lips." Bumaba ang mata niya sa labi ko kaya napalunok ako. "I miss your hug." Gumuhit ang pait sa mukha niya. "I miss your hands." Hinawakan niya ang naninigas kong kamay. "I miss all of you," marahan at masuyong winika niya.

Nanatili ang mga mata ko sa kabuuan ng mukha niya. Hindi ko maipaliwanag ko gaano ako nanabik na titigan 'yon. Higit akong nanabik sa kaniya at gusto kong punan ang pananabik na 'yon.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now